NASA garden si Lyn ng mga oras na iyon at muli niyang binabasa ang ginawa niyang program para sa exhibit ni Makki. Bukas na kasi ng gabi gaganapin ang event kaya dapat na mag-doble effort na siya. Hindi niya inexpect na halos lahat ng binigyan nila ng invitation ay nag-confirm na pupunta. Most of them ay nagpa-reserve pa ng accommodation sa resort at ang iba pa nga ay hindi na nila na entertain dahil fully booked na halos lahat ng rooms nila. At mukha din maraming taga si Makki sa larangan ng sining.
She was hundred percent sure na magtatagumpay ang event nila bukas ng gabi at ang kailangan lang niyang gawin ay maging polido ang lahat. Napansin din niya na kahit sa sarili niya ay talagang sineseryoso na niya ang pagtulong para masalba ang resort nila Makki. Halos lahat kasi ng alam niya sa pagpapatakbo ng isang business ay ibinuhos na niya at maski kakilala niya ay hinihingan pa nga niya ng advice.
Masasabi niyang hindi lang para malibang siya habang hinihintay ang pagdating ni Marlou sa resort kundi gusto na niya talagang tulungan sina Makki at Bella para maisalba ang Paradise. Sa loob ng ilang araw na nakasama niya ang mag-ama ay naramdaman at nakita niya talaga kung gaano kahalaga dito ang resort. Lalo na si Makki dahil nasaksihan niya kung gaano din nito pinapahalagahan ang mga tauhan nito. Sina Manang Salve at Mang Lino na halos buong na ng mga ito ay nagtrabaho sa Paradise. At marahil din na iyon lang ang natirang ala-ala ng namayapang asawa ni Makki.
Napansin din niyang wala siyang nakita na kahit na anong larawan ni Lenny sa buong resort at kahit sa loob ng master's bedroom kung saan siya ngayon natutulog. Doon din niya naisip na kahit matagal ng panahon na namatay ito ay masakit pa din kay Makki ang pagkawala ng asawa nito. Sa maikling panahon ay nagkalapit din sila ng husto ni Bella at isa sa napansin niya ay naghahanap talaga ang bata ng kalinga ng isang ina. Kaya hindi nakapagtataka na halos maging anino na din niya si Bella sa bawat galaw niya sa resort. Lagi itong nakasunod sa kanya at hindi naman niya pinipigilan ang bata dahil kahit siya ay natutuwa kapag kausap niya ito.
Awtomatikong napaangat siya ng tingin ng mapansin niyang may naglapag ng tray sa harapan niya. Nang marealize niyang si Makki iyon ay hindi na naman niya napigilang kumabog ang dibdib niya lalo't maganda ang pagkakangiti nito sa kanya ng mga oras na iyon.
"Ano yan?" tanong niya dito habang pilit na iniiwasan ang tingin sa binata.
"Dinalan kita ng meryenda." wika nito habang pilit hinuhuli ang paningin niya. "Kanina ka pa kasi dyan nakaupo. Ano ba yang ginagawa mo?"
Nang hindi mahuli ni Makki ang paningin niya ay kinuha nito ang upuan na nasa harapan niya at tumabi ng malapit sa kanya.
Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sobrang lapit nito sa kanya at konting kilos lang niya ay magdidikit na ang mga balat nila ng binata. Kaya naman para siyang tangang naka-stuck up lang at hindi kumikilos.
"B-binabasa ko lang yung program para bukas ng gabi." nabubulol pa niyang wika.
She sighed. Bakit ba kasi kapag malapit lang sa kanya si Makki ay natataranta siya lagi? Naalala na naman niya tuloy ang masayang experience nila sa Sumilon Island na pareho silang basang-basa at sa loob ng sasakyan nito.
Dahil gusto mo na si Makki, Lyn! Gusto mo na siya! sigaw ng isipan niya.
Humugot muna siya ng hininga bago muling binalingan ang binabasa niya at pilit na nag-concentrate kahit na wala na siyang naintindihan. Bakit nga ba hindi? Eh ramdam na ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan ng binata. Hindi pa man niya tanggap sa sarili niya na gusto na niya ang binata ay halos maloka na siya sa kakaisip. Natatanong niya tuloy sa sarili niya kung bakit ngayon oras pa niya kailangan ma-inlove? At bakit sa ganoong klaseng sitwasyon ng buhay niya na napakagulo pa?
Hindi lang niya talaga matanggap sa sarili niya na nagkagusto siya dito sa maling panahon at pagkakataon. Kaya nga kahit sa anong paraan ay ginagawa niya para lang makaiwas sa binata. Natatakot kasi siyang ipagkalulo siya ng nararamdaman niya dito at hangga't maaari ay iniiwasan niya si Makki na mukhang mas malabo pa sa tubig kanal iyon dahil nasa iisang resort lang sila. Katunayan na literal na sobrang lapit nito ngayon sa kanya.
"Patingin." ani ni Makki sabay lapit ng mukha nito sa binabasa niya.
Dahil sa sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't-isa ay awtomatikong napatingin siya sa labi ng lalaki. Napalunok siya. Matagal na niyang alam na mapula ang labi ng lalaki na halos isang tukso sa paningin niya ng mga oras na iyon.
Bakit ba ang pula ng lips ng mokong na 'to? At ang sarap-sarap halikan..
Ipinilig ni Lyn ang ulo at ibinaba ang hawak na papel ngunit imbes na umatras si Makki ay nilingon lang siya nito kaya halos magtapat ang mukha nilang dalawa ng binata. Nang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa ay kitang-kita niya ang kislap ng mga mata ni Makki.
"Lyn.." bigkas ni Makki sa pangalan niya.
"M-Makki.." usal niya dito na para bang nawalan siya ng lakas.
Ilang beses siya napalunok habang tinitignan ang labi ni Makki. Hahalikan kaya siya nito? Pero hindi nakapagtatakang halos balutin na siya ng excitement sa buong katawan niya.
Napapitlag siya ng bigla kunin ni Makki ang hawak niyang papers at sumandal sa upuan nito. "Babasahin ko lang yung program." nakangiting sabi nito sa kanya.
Siya naman ay parang natulala sa nangyari at halos hindi makagalaw sa pwesto niya at ilang saglit lang ay nakabawi na din siya sa pagkabigla.
Dissapointed? Ano naman ang akala mo? Na hahalikan ka talaga ni Makki? Patawa ka! tuya ng isip niya sa kanya.
Nang marealize niya ang bagay na iyon ay para bang biglang sumakit ang ulo niya. Ano ba kasi ang pinakain sa kanya ng Makki na ito para magkaganon siya? Kaya minabuti na lang niyang tumayo sa kinauupuan. Kailangan niya ng sariwang hangin na malayo kay Makki.
"Papasok lang ako sa loob." ani niya na parang padabog na napatayo.
Naramdaman ni Lyn ang paghawak ni Makki sa kamay niya.
"Hey, what's wrong?" natatawang tanong sa kanya ng binata na mas lalo niyang ikinanis.
Padabog niyang inalis ang kamay nito sa braso niya. "Wala."
"Bakit ka aalis? Kararating ko lang kaya saka hindi mo ba kinakain yung meryenda na dinala ko." ani nito.
"Busog ako. Thank you."
Muling hinawakan ni Makki ang braso niya. "Wala ka pang kinakain kaya I'm sure na gutom kana."
Hindi siya kumibo at nanatiling nakatayo lang.
"You should eat, Lyn. Masarap ang meryenda na dinala ko sayo."
Nang marinig niya iyon ay awtomatikong nakita niya ang mamon na naging paborito na niya simula ng ipinatikim iyon sa kanya ni
Manang Linda. Nang kinuha niya ang tinapay ay walang pagdadalawang isip na isinubo niya iyon na ikinapangiti naman ni Makki.
"Alam mo, Makki. You're disturbing me. Alam mo naman bukas na ng gabi ang event mo." wika niya sa pagitan ng pagnguya sa
tinapay. Pasalamat na lang si Makki dahil napaganda niyon ang mood niya.
"Kaninang umaga pa kasi kita hindi makausap. Lagi kang busy." ani ng binata.
She sighed. Talagang sinasadya na na magpakabusy para hindi maka-encounter ang binata. "Ano naman ngayon kung hindi mo ako nakakausap? Miss mo na agad ako?"
"Oo, namimiss kita."
Nabilaukan siya pagkarinig sa sinabi ni Makki kaya naman agad niyang dinampot ang juice na dala nito at ininom.
"Anong sabi mo?" gulat na tanong niya dito.
Nginitian siya ng binata. "Ang sabi ko maganda ang flow ng program at for sure na successful ang event natin. Para sa Paradise Resort."
Napairap siya. Mukhang sa umpisa pa lang ay inaasar na siya ni Makki kaya naman dumanpot siya ulit ang mamon at juice.
"Whatever." ani niya sabay layo sa binata.
Bago pa siya nakalayo dito ay naririnig pa niya ang pagtawa ni Makki. Muli siyang napahugot ng hininga. Mukhang kailangan na niyang tanggapin sa sarili niya mahal na niya si Makki.
"THIS IS IT." mahinang bulong ni Lyn sa sarili niya habang nasa reception siya ng resort at magalang na binabati ang mga bisita na dumarating.
Ngayong pa lang ay hundred percent sure siya na malaki-laki ang kikita nila ngayong gabi kaya positibo siyang makakabili na sila ng van sa kikitain nila. Binalingan niya si Bella na sumasalubong din sa mga bisita. Mukhang lahat naman ng bilin niya dito ay ginagawa nito ng maayos at kita din sa ekspresyon na enjoy na enjoy ito sa ginagawa.
Nang ma-settle na ang mga guests sa loob ng event hall ay agad niyang kinuha ang atensyon ng mga ito mula sa paintings na tinitignan. "Good evening, everyone. Welcome to Makki Quijano's painting exhibit and also to his beautiful Paradise Resort. I'm your gorgeous host for tonight and you can call me Lyn Siega." magiliw na sabi niya na ikinatawa ng ilang bisita.
"We all know that Makki Quijano's paintings has captured many hearts of the people and making us more inspired to love our natures as it is. Well, I must say that this exhibit is a comeback prpject to our talented painter. Please give a warm of applause to our very own Mr. Makki Quijano!"
Pagkakita ni Lyn sa binata ay para bang awtomatikong nagningning ang mga mata niya. Alam niyang medyo exaggerated pero ng mga oras na iyon at para bang si Makki lang ang pinakamagandang lalaki sa paningin niya. Lutang na lutang kasi ang kakisigan nito sa suot nitong coat and tie.
Napalunok siya ng ilang beses ng lumapit ito sa kanya at nginitian. Hindi siya nakakilos ng marahan nitong hinawakan ang beywang niya at ramda niya ang init na nagmumula kay Makki kaya naman feeling niya ay bigla siyang pinagpawisan sa buong katawan.
"Makki.." saway niya sa binata na ikinatawa nito sabay tanggal ng kamay sa beywang niya.
Humugot muna siya ng hininga bago muling binalingan ang mga bisitat at nagsalita. "Let us hear some words to Mr. Quijano."
"Good evening. I know na matagal bago ako ulit nagkaroon ng exhibit para sa mga paintings ko and I'm really glad na halos lahat ng na-invite naming ay dumating. I know most of you ay naturned donw ko and I would like to apologized for that. But for tonight please enjoy my paintings. I hope that through my paintings mas lalo tayong ma-inspired na alagaan natin ang magagandang lugar especially dito sa South Cebu na sariling atin. Have a wonderful night to all."
Pagkatapos magsalita ni Makki ay agad naman itong pinalakpakan ng mga bisita at agad na tinuon ulit ang mga atensyon sa mga paintings na naka-display. Nang muli siyang balingan ni Makki ay pinanlakihan niya agad ito ng mga mata.
"Why?" natatawang tanong nito sa kanya. "Wala naman akong ginawang masama ah."
Siniko niya ang binata. "Anong wala? Maang-maangan."
Hindi na sumagot si Makki bagkus ay tinitigan siya nito ng maigi na ikinailang niya. "You look so beautiful tonight, Lyn."
Awtomatikong namula siya sa sinabi nito. Simpleng black dress ang sinuot niya ng gabing iyon ngunit siniguro niyang aangat siya dahil inilugay niya ang kulutang buhok niya at sinamahan ng simple pero eleganteng make up.
"Matagal na akong maganda, Makki."
Kumislap ang mga mata ng binata. "I know, Lyn. I can see it in my own eyes simula pa lang na una kitang makita."
Marahang hinaplos nito ang mukha niya. May nababasa siya sa kakaibang kislap ng mga mata ng binata. Is it love? Attraction?
Mahal din siya ni Makki?
Get a grip, Lyn! Bakit ka naman mamahalin ni Makki?
Napapitlag siya ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay niya.
"May ipapakita ako sayo." excited na sabi ni Makki sa kanya.
Parang wala sa sarili na kusang sumunod ang katawan niya sa binata habang tinitignan ang kamay nila na magkahawak. Dahil wala
siya sa sarili ay napansin na lang niya na nasa harapan na sila ng isang painting.
"Makki, ang ganda niya!" bulalas na sabi niya habang tinigtignan ang painting na gustong ipakita sa kanya ng binata.
Dahil busy siya sa gaganaping events ng mga nakaraang araw ay hindi niya halos nagawang tignan ang mga paintings ni Makki na ilalabas sa exhibit kaya naman agad na kumislap ang mata niya ng makita ang painting nito.
Napangiti naman ang binata sa sinabi niya. Paano ba nama siya hindi hahanga? Napakaganda kasi ng pagkakapinta nito sa Sumilon Island na ang medium na ginamit ay oil pastel. Lutang na lutang ang kagandahan ng isla sa painting.
Agad niyang binalingan si Makki. "Ang galing mo talagang mag-pinta."
"Like it?"
Tumango siya ng sunod-sunod. "No. I love it!"
"How much is that painting? You know what, every month akong nasa Sumilong Island dahil naging importante na sa akin ang isla.
Willing to buy it." ani ng bisita na kasabay pala nilang tumitingin sa painting.
Natahimik siya. Maya-maya ay magiliw niyang hinarap ito. "Sure! We glad na nagustuhan mo ang painting ng Sumilong Island.
Makki can discussed how much-"
"I'm sorry but it's not for sale." putol ni Makki sa sinasabi niya.
Gulat na napatingin siya sa binata. "What?!"
Bilang tugon ay masuyo lang hinaplos ni Makki ang braso niya.
"Oh that's so sad to hear." ani ng bisita sa kanila.
"I can recommend you a much better painting if you want." ani ni Makki.
Nang tumango ang bisita sa sinabi ni Makki ay agad naman iyon inassist papunta sa iba pang paintings nito samantalang siya ay naiwan lang habang nakatingin sa papalayong si Makki. Napabuntong-hininga siya. Minsan hindi niya talaga maintindihan ang binata.
"I CAN'T BELIEVE IT!" hindi makapaniwalang bulalas niya habang tinitignan niya kung magkano ang kinita nila sa event.
Halos isang oras ng tapos ang exhibit at heto nga siya't tinitignan ang report nang naging benta nila sa mga paintings ni Makki bukod pa sa mga bayad sa accommodations ngayong gabi.
Sinilip ni Bella ang hawak niyang papel na naglalaman ng kinita nila. "Tita, that's six hundred thousand."
"More than half a million!" bulalas niya. "Dapat every month may exhibit tayo."
"That's not possible, Lyn. Marami lang talaga ang bumili ngayon dahil ilang taon din ako hindi naglabas ng paintings ko." sagot ni Makki sa kanya.
Nilapitan niya ang binata at masayang hinampas niya ito sa braso. "Ang bongga mo! Kung matagal mo na 'tong naisip dapat naligtas mo na ang resort mo. Anyway, dapat bukas na bukas din eh makahanap na tayo ng van kahit na second hand lang dahil two days from now eh may two group of tourist tayong na darating. Excited na ko kasi natutupad na ang mga plano natin." natutuwang sabi niya sa binata.
Hindi mapagkakaila talaga ni Lyn na masaya siya ng mga oras na iyon dahil successful ang mga plano niya. Iba talaga ang feeling
niya ngayon dahil pakiramdam niya ay magtatagumpay na siya sa pagpapalago ng resort. Kung palpak man siya sa business niya ay hindi niya gagawin iyon sa Paradise. Parang pumapalakpak ang tenga niya dahil sa naging achievements niya.
"Yehey! Makakabili na tayo ng van!" masayang sabi ni Bella.
Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. "Happy, princess?"
Tumango-tango ito. "Thank you, TIta Lyn. Kung hindi dahil sayo baka nawala na sa amin ang resort ni Daddy."
"Darling, hindi ako papayag na mawala ang resort dahil ayokong malungkot ka."
"This is calls for celebration." ani ni Makki. "Nagpakabit ako ng tent kay Mang Lino sa tabi ng dagat malapit sa swing. Maganda din ang panahon ngayon dahil maaliwalas at malamig ang hangin."
"Really, Daddy? Can we sleep overnight sa tent?"
Nang tumango si Makki sa anak nito ay napatalon sa tuwa ang bata. "Yehey! Daddy, pwedeng mauna na ako sa beach?"
"Gusto mo bang gumawa tayo ng bonfire? Then let's have some toasted marshmallow." alok niya kay Bella na lalong ikinatuwa ng bata. "Manang Salve, pakiadalan naman po kami ng pamalit ni Bella sa tent."
"Let's go, Tita Lyn." aya sa kanya ng bata sabay hawak sa kamay niya.
"Susunod ako, Bella." ani ni Makki sa anak.
Dahil masyadong excited ang bata ay tumakbo na agad ito papunta sa malaking tent na nakatayo sa may tabi ng swing. Natatawang hinabol na lang niya si Bella. Gaya ng pangako niya ay gumawa siya ng bonfire di kalayuan sa tent. Mukhang tama nga si Makki dahil maganda ang panahon ngayon gabi na para bang nakikiayon sa tagumpay nila ng gabing iyon. Ramdam niya din ang malamig na simoy ng hangin na tamang-tama sa ginawa niyang bonfire.
Binalingan niya si Bella na enjoy sa pagluluto ng marshmallow na naakalagay sa stick. From the day na una niyang nakita ang bata ay lalong gumaganda ang mga ngiti nito at masaya siya dahil alam niyang nakakatulong siya sa bata. Malapit ang loob niya kay Bella siguro dahil wala siyang nakakabatang kapatid at hindi naman sila masyadong close ng Kuya Albert niya.
Napabuntong-hininga siya ng maalala niya ang pamilya niya. Ilang araw na din siyang walang balita lalo na sa Mommy niya at miss na miss na din niya ito. Mukhang kailangan na niyang tawagan ang Mommy niya dahil alam niyang sobrang nag-aalala na din ito sa kanya. She needed to fix her life now at alam niyang kapag nakuha na niya ang pera niya kay Marlou ay tiyak na babalik ulit sa dati ang buhay niya.
Halos isang oras din na naglaro sila ni Bella ng makaramdam na ito ng antok kaya naman agad niya itong sinamahan sa loob ng tent. Nang alam niyang mahimbing na ang tulog ng bata ay lumabas siya ng tent. Agad na bumungad sa kanya si Makki na nakaupo sa inilatag nitong tela sa buhanginan. Nang makita siya nito ay sinenyasan siya ng binata na umupo sa tabi nito na sinunod naman niya.
Noong una ay tahimik lang silang dalawa ni Makki na nakaupo at nakatingin lang sa dagat na ngayon ay binabalot ng dilim. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan na halatang nakikisabay sa magandang panahon ng gabing iyon.
"Thank you, Lyn."
Awtomatikong binalingan niya si Makki na ngayon ay nakatingin na pala sa kanya. Bago siya sumagot ay dinagdagan muna niya ng kahoy ang bonfire nila.
"Ginagawa ko lang ang pinangako ko sa inyong dalawa ni Bella, Makki. At isa pa, ayokong nakikitang malungkot si Bella kaya ginagawa ko ang lahat ng paraan na alam ko para makatulong sa resort."
Sa sinabi niya ay narinig niya ang buntong-hininga ng binata. "It was my fault kaya umabot sa ganito ang resort. If I am capable lang sana na mas mapagada at mapalago ang Paradise."
Umiling siya. "Well, hindi naman lahat kasalanan mo. Sadyang hindi mo lang forte ang pagpapatakbo ng business. But you'll do it, anyway. Tuturuan na lang kita kung paano na ang magiging process ng resort once na maging stable na."
"Bakit mo ko tuturuan kung kaya mo naman." nakangiting wika ni Makki sa kanya.
Binalingan niya ang binata. "Makki, hindi sa lahat ng oras nandito ako sa resort. Once na makuha ko na ang pera ko kay Marlou, aalis na ako. I need to go."
Sa sinabi niya ay naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Makki.
"I have my own life, Makki. And I need to fix it."
Ilang sandaling hindi kumibo ang binata na halatang pinag-iisipan nito ng husto ang sinabi niya.
"I'll be part of your life, then. Para hindi mo na kailangan umalis sa tabi ko." ani ni Makki sa kanya.
"M-Makki, what do you mean?" nalilitong tanong niya dito. "Be a part of my life?"
Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at marahang pinisil. "I know it's too early to say this, Lyn."
Sa narinig niya sa binata ay kumabog ng husto ang dibdib niya. Isipin pa lang na magtatapat na sa kanya si Makki ng damdamin nito ay halos maglulundag na sa saya ang puso niyang hindi na mapakali ng mga oras na iyon.
Gosh! Aaminin na si Makki! sigaw ng isipan niya.
"Unang kita ko pa lang sayo ng pumunta ka dito sa resort ay iba na agad ang pinaramdam mo sakin. Lalo na nung nagkasalubong ang mga mata natin. Doon ko ulit naranansan na hindi mapakali. I was kind of disappointed ng malaman kong kaibigan mo pala si
Marlou pero nagbago agad yun na hindi pala kayo Okay at may ginawa siyang kasalanan sayo. You know what? Kung pwede ko lang ilibing ng buhay si Marlou ginawa ko na para sayo."
"Y-you can't do that, Makki. Hindi ko pa nakukuha ang pera ko sa kanya."
Sa sinabi niya ay marahang natawa ang binata at maya-maya lang ay muling siya nitong tinignan ng seryoso. "Yung feelings na akala ko eh hindi ko na kailangan sa buhay ko. Yung feelings na matagal ko ng kinalimutan. Yung feelings na kahit anong pigil ko sa sarili ko wala din nangyari dahil hindi ko kayang pigilan. Lahat ng iyon pinaramdam mo sakin ng maikiling panahon, Lyn."
Kinuha ni Makki ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. Nagulat siya ng maramdaman niyang sobrang lakas din ng kabog ng dibdib nito ng mga oras na iyon katulad niya.
"Oh ngayon alam mo na ang epekto mo sakin, Lyn. You always make my heart crazy. Actually, pati nga isipan ko parang baliw na din lalo na't araw-araw kitang namimiss at gustong makita. Kahit na nasa iisang resort lang tayo."
Hindi pa din makapaniwala si Lyn sa narinig mula kay Makki. Kahit na hindi sabihin ni Makki ng diretso na mahal nga siya nito ay alam na niya ang ibig sabihin ng mga kataga na binanggit nito ngayon lang.
Gusto din siya ni Makki! parang tangang sigaw niya sa isipan niya.
"Mag-react ka naman dyan. Kanina pa ako kinakabahan baka hindi mo nagustuhan ang sinabi ko. Baka mamaya bigla ka nalang umalis sa resort. Or worst, baka mamaya hindi mo pala ako gusto."
Doon niya agad napansin na parang kinakabahan si Makki kaya naman doon na siya nagsalita. "M-Makki, sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Medyo nabigla kasi ako sa nalaman ko na gusto mo ako."
"Sinabi ko bang gusto kita?"
Awtomatikong nahampas niya ng malakas ang braso nito. "Gusto mo ng mamatay?!" sigaw niya dito.
"Aray!" reklamo nito habang hinihmas ang nasaktang braso. "Ang sakit mo naman magmahal, Lyn."
Hindi pa siya nakontento at muli niya dapat hahampas si Makki ng mapigilan na nito ang kamay niya. Napansin niyang muling sumeryoso ang mukha nito.
"I like you, Lyn."
Napalunok siya. "M-Makki, serysoso ka na ba dyan?"
"Gusto mong patuyan ko kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko sayo?"
Bago pa siya nakapagreact sa sinabi ni Makki ay nagulat na lang siya ng hinawakan nito ang batok niya sabay lapit ng mukha nito sa kanya. Napalunok siya ng ilang beses habang tinitgnan niya ang labi ni Makki na ngayon ay halos ilang inches na lang ang layo sa labi niya.
"Matagal ko ng gustong gawin 'to, Lyn."
Pagkasabi niyon ay agad nitong sinakop ang mga labi niya kaya naman unti-unti din niyang isinara ang mga mata niya. Sobrang banayad ng halik ni Makki pero samu't-saring sensasyo naman ang pinararamdam niyon sa kanya. Ang init ng mga labi ng binata at sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganoong klaseng halik na para bang buong katawan niya ay nanlambot. Sa sobrang sensyason ng halik na pinagsasaluhan nilang dalawa ay wala sa sariling napahawak siya sa dibdib ni Makki para lalo pang
damhin ang halik nito.
Hindi niya halos naramdaman ang pagbitaw ng labi nito sa kanya kaya naman nakapikit pa din siya ng magsalita ang binata.
"Lyn.." mahinang usal nito sa kanya.
Doon niya napagpasyahan na imulat ang mga mata niya at na agad na bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Makki.
"Let's take it step by step, Lyn. Hindi natin kailangan magmadali. Let's enjoy each other company."
"Gusto din kita, Makki. Pero pinipilit kong labanan ang nararamdaman ko dahil na rin sa problema na mayroon ako ngayon. Magulo ang buhay ko ngayon, Makki." emosyonal na sabi niya sa binata na tahimik lang at halatang naghihintay ng iba pa niyang sasabihin.
"But the heck, who cares about it? Ang mahalaga ngayon ay kung anong meron tayo. Hindi ba?"
Nang marinig ng binata ang sinabi niya ay doon lang ito napangiti ng todo. Hinala siya nito papalapit at niyakap siya ng mahigpit.
"Like what I've said before, gagawin ko ang lahat para makuha mo ang pera mo kay Marlou."
"Then, it's settled. Sige payag na kong ligawan mo ako."
Kumalas ng pagkakayap sa kanya si Makki. "Kailangan pa ba yun eh mukhang gustong-gusto mo na ako?"
Hinampas niya ito sa braso. "Ang kapal mo baka ikaw ang patay na patay sakin, no."
"Akala ko nga mahihimatay ka ng halikan kita eh."
Pinamulahan siya ng mukha sa narinig. "Hindi no!"
Natatawang muli siyang ginawaran ng halik ni Makki sa labi. "But of course, hindi mo na kailangan sabihin dahil araw-araw kitang liligawan."
Kahit hindi niya aminin ay kinilig siya sa sinabi ng binata na idinaan na lang niya sa ngiti.
"Let's sealed it with a kiss." ani ni Makki sabay lapit ng mukha nito sa kanya.
Nanlalaki ang mga matang inilayo niya ang mukha nito. "Nakakarami ka na, Makki."
"Obvious kaya na gusto mo ng mga halik ko. Akala ko nga mahihimatay ka kanina eh." pang-aasar pa sa kanya ng binata.
"Ah ganon?" ani ni Lyn sabay kuha ng inihaw niyang marshmallow na medyo mainit pa at sininubo kay Makki. "Heto na lang ang halikan mo."
"Ouch!" reklamo ni Makki habang hawak ang labi nito na mukhang napaso na agad naman niyang hinawakan para ma-check ang paso nito.
"Gosh. Sorry, Makki. Napaso ka ba? Masakit ba?"
Nang tumango ang binata ay sumenyas ito sa labi nito. "Kailangan ko yata ng first aid."
"Teka, kukuha ako ng ointment sa loob."
Nang akmang tatayo na siya ay naramdaman niya ang pagpigil sa kanya ni Makki.
"Ito ang mabisang gamut." ani ni Makki sabay sakop sa labi niya.
Smack lang ang halik na ibinigay nito sa kanya ngunit tulad ng unang halik na pinagsaluhan nila kanina lang ay pareho ang emosyong ipinaparamdam niyon sa kanya.
"Magaling na ang paso ko. The best medicine in the world." ngiting-ngiting wika ni Makki. "Mas magaling ka pa sa doctor, darling."
Namumulang hinampas niya ang braso ng binata. "Puro ka talaga kalokohan."
Maya-maya ay sumeryeso ang ekspresyon ng binata. "Let's enjoy each others company, Lyn. And we can forget our problems for tonight. "
Tumango siya sa binata. Aaminin niyang ngayon lang siya nakaramdaman ng ganoong klaseng happiness. Happiness na sana ay tumagal pa pero ang mas importante ngayon ay kung anong meron sa kanilang dalawa ni Makki at kuntento na siya doon.