Epispde 1 - A Picture Of You
*Timothy*
•••
"Call me if anything happens, okay?"
"Dad, papasok lang ako sa school. Walang mangyayari sa akin." Nakangiti kong sagot habang tinatanggal ang seatbelt.
"Alam mo'ng ibig kong sabihin, Timmie."
Ngumiti ako sa kanya at saglit siyang tinitigan. Tumatanda na si Daddy at halata na sa balat niya ang pagsisimula ng paglabas ng mga linya sa gilid ng mga mata.
"It's been years, Dad. It won't come back." Paninigurado ko sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.
"I sure hope so." He smiled at me as he pulled me and kissed my forehead.
"Papasok na ako, Daddy. Ingat ka sa pagmamaneho." Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas.
"I love you, baby."
"I love you, Dad." Yumuko ako at kumaway sa kanya.
He blew me a kiss then drove away.
Ihinatid ko siya ng tingin bago ako pumasok sa gate ng campus.
This was my third year in college. At kahit kauumpisa pa lang ng taon ay excited na akong maka-graduate. At kahit maraming taon pa ang kailangan kong bunuin.
"Good morning, Timmie."
"Good morning, Ate Cindy. Ang ganda po natin ngayon ah." Ganting-bati ko sa lady guard matapos kong i-tap ang ID ko sa machine.
"Ngayon lang?" Birong tanong niya.
"Syempre, araw-araw. But, you're extra pretty today."
Bubuksan ko sana ang bag ko para i-check niya ngunit nakangiti lang niya akong tinirikan ng mata at pinigilan.
"'Di na kailangan. And thank you. Ang cute mo rin today."
"Ngayon lang?" Ganting biro ko na lalo niyang ikinangiti.
"Araw-araw, para ngang ikaw pa rin iyong batang freshman na nagpasama sa akin sa clinic noon eh."
Nakangiti akong nagkibit-balikat. "Thank you."
"Timmie boy!"
Sabay kaming napalingon ni Ate Cindy sa pinanggalingan ng boses.
Sa 'di-kalayuan ay nakatayo ang bestfriend ko sa ilalim ng puno na nasa gilid ng Admin Building at kumakaway.
"Oh, kanina pa nga pala riyan 'yong manliligaw mo, iniintay ka. Pasok ka na."
"Ate Cindy naman. Kaibigan ko lang po si Elijah."
"Hmm. Chika. Eh siya? Kaibigan lang ba turing sayo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
"Hindi po. Kasi kapatid ang turing niya sa akin. Diyan ka na nga, Ate Cindy. Ang mabuti pa po, ayusin mo po ang kilay mo. 'Di pantay." Tumatawang biro ko sa kanya saka lumihis sa daan nang may pumasok na mga estudyante.
"Whut! My ghad." Dumukot siya sa bulsa ng pang-itaas niyang uniporme at tila natatarantang nanalamin.
Iiling-iling namang nag-check bag si Kuya Alvin, ang kasamahang guard ni Ate Cindy.
Hindi ko na hinintay na masita ako ni Ate Cindy at tinakbo ang kinaroroonan ni Elijah. Hindi naman kasi totoong hindi pantay ang kilay niya.
Ang totoo ay parang ginamitan iyon ng ruler dahil sa sobrang pulido ang pagkakaguhit.
"Timmie boy, kanina pa kita hinihintay. Come on, first day ng klase male-late na tayo agad."
Umakbay si Elijah sa akin at panabay kaming naglakad sa pathway na nalalatagan ng manipis na damo at cobblestones.
"Si Tito Elrick naman kasi hanggang ngayon ihinahatid ka pa rin, hindi tuloy kita masundo." Patuloy niya saka ibinulsa ang isang kamay.
"Okay lang. Magkaiba naman ang way natin eh."
"Timmie! Elijah! Wait for us!"
Tumigil kami at lumingon saka pinanood ang tumatakbo naming kaibigan.
Humahangos na huminto si Alec sa harap namin habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod.
"Hoo! God, that was exhausting." Habol ang hiningang sabi niya.
"Tss. Hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo mo, pagod ka na agad?" Nakaismid na sita ni Elijah.
"Well, not everyone is as buff as yourself, Mr. Steroids."
"Excuse me? Totoong muscles 'yan." Itinaas ni Elijah ang braso saka iyon pinisil. "Gusto mo iuntog pa kita eh. Come here, you twig."
Akma siyang lalapit kay Alec nang magtago ang huli sa likod ko, kahit mas matangkad pa siya sa akin.
"Timmie tom tom, oh. Si Elijah. And I'm not a twig! I'm just too sexy for your taste."
"Tss."
Natatawa kong itinirik ang mga mata ko. "Ang aga-aga niyong dalawa. Masyado niyo naman yatang namiss ang isa't isa. Two months lang tayong nagbakasyon." Komento ko.
"Yuck! I have a girlfriend, you know." Nakalabing reaksyon ni Alec na sinagot lang ng ismid ni Elijah.
"Baka boyfriend." Anang bestfriend ko.
"Teka, asan na ba si Aya? Nakasunod siya sa'yo kanina, 'di ba?" Baling ko kay Alec.
"Oo, kasama ko s---."
"Heto ako."
"Holy guacamole!" Palundag na sigaw ni Alec nang magsalita sa likod niya si Aya. "Are you trying to give me a heart attack? Jesus!" Patuloy niya habang hawak ang dibdib.
Maging ako ay bahagyang nagulat sa biglaang pagsasalita ni Aya. Ni hindi namin siya naramdamang nakalapit o nakita man lang. At hindi pa nakakatulong ang sobrang lamig na boses niya at mabagal na pananalita.
At ang usual na ekspresyon ng mukha niya? Flat. Yeah. Ni hindi ko alam kung kailan ba siya masaya o malungkot dahil iisa lang ang ekspresyon ng mukha niya.
Kahit magkakasama na kami mula pa noong high school ay mas madalang pa sa paglabas ng unicorn ang pagkakaroon ng ekspresyon sa mukha ng nag-iisang babae sa grupo namin.
She was beautiful though. Maliit na mukha na lalo pang pinaliit ng straight niyang buhok at bangs na nagtatago ng noo at kilay niya. Bilugang mga mata na kasing itim ng buhok niya. Makipot at kulay rosas na labi at matangos na ilong.
"Tayo na mga kasama. May nararamdaman akong hindi maganda sa pathway na 'to." Iyon lang at tumalikod na siya at naglakad patungo sa College of Engineering.
"Timmie!" Tila kinikilabutang humawak sa braso ko si Alec at bahagyang luminga sa paligid. "God, why are we even friends with that spiritual girl Aya? I swear, mapapatay niya ako sa takot."
Tumawa ako at muling nagpatuloy sa paglalakad. Nakaagapay naman sa amin si Elijah sa kabila kong side at lihim na tumatawa sa reaksyon ni Alec.
"Well, mas nauna kayong maging magkaibigan, so itanong mo sa'yo." Sinundan ko iyon ng tawa at kindat kay Elijah.
Pasimple naman siyang tumango at nagmwestrang tumakbo.
"Saka, okay naman si Aya ah, ang cool nga eh, nakakakita siya ng mga espirito. Actually, parang naipasa nga niya sa akin 'yong ability niya na 'yon eh." Patuloy ko saka ko pasimpleng kinalas ang mga kamay niya sa braso ko.
"How?"
"Nakakakita na rin ako ng multo. Ayan nga oh, may nakaakbay sayo." Sinabayan namin iyon ng takbo ni Elijah habang hindi namin mapigilan ang pagtawa sa takot na reaksyon ni Alec.
"What the foot! You guys suck!" Sigaw ni Alec at pilit na humabol sa amin.
They were my friends, Elijah, Aya, and Alec. Elijah and I had known each other since diaper days. Nakilala naman namin noong third year high school sina Alec at Aya.
Though magkaibang magkaiba ang personalities nila ay lagi naman silang magkasama.
Si Alexander McPherson, o Alec, ay ang klase ng lalaki na may pagka-malamya at matatakutin. Mabilis din siyang mapagod. Not because he came from a wealthy family na lumaking may katulong sa tabi kaya siya mahina. Sadyang mahina lang talaga ang resistensiya niya.
Though he was born with a golden spoon, he wasn't snobbish at all. Siya pa nga ang unang nakipagkilala sa amin nang mag-enrol kami ni Elijah dito sa high school ng St. Benedict.
Most of students thought he was gay, at hindi niya itinatama ang maling akala na iyon. Why? Dahil mas madali raw makalapit sa girls kung ang akala nila ay binabae siya. It made sense, dahil kahit saang panig ng university namin siya matagpuan ay may kasama siyang mga babae.
At si Ayane Fujioka, or Aya for short. Well, Aya was the spiritual girl, ayon kay Alec. Madalas ay tahimik lang siya at madalas rin ay tila may nakikita siya na hindi namin nakikita.
At first, I was weirded out. Bigla na lang kasi siyang magsasalita at mare-realize kong hindi isa sa amin ang kausap niya kundi ang hangin. O multo, ayon kay Alec.
But as time went by ay nasanay na rin kami ni Elijah kay Aya. Hindi lahat ay may kakayahang makakita ng espirito lalo na ang makausap sila. So I guessed, it was totally cool. Medyo nakakatakot lang minsan.
But Aya was a good friend. Kahit hindi siya palasalita o palatawa ay maaasahan siya sa lahat ng sitwasyon. At kapag nagsalita na siya ay nawawalan kami ng sasabihin dahil lagi niyang nasasapul ang punto.
Lumiko kami sa kaliwang pathway patungo sa malayong building ng College of Medicine at kumaway sa nakasimangot na si Alec sa kabilang direksyon.
"Help me." Buka ng bibig niya nang maabutan niya si Aya na naghihintay sa kanya sa bungad ng Engineering building.
Tinawanan lang namin siya ni Elijah at nagpatuloy sa paglalakad.
And here was my bestfriend Elijah.
Elijah Monteverde.
Matangkad, gwapo, at mayaman. Ang akala ng marami ay suplado siya at masungit. Pero ang totoo ay hindi lang talaga siya palabati. He was the most observant in our group.
Nakikita niya ang lahat. He liked to analyze things. He liked to watch people in a very discreet way. Kung madaldal si Alec, kabaligtaran naman niya si Elijah.
At dahil siguro roon ay napagkakamalan siyang isnabero. But I knew him very well. He was the sweetest person I had ever met in my life.
Kahit kina Alec at Aya ay maalalahanin siya. Though he didn't show it, I could feel it.
At masaya ako na makulay ang grupong kinabibilangan ko.
"What?"
"Ha?" Nakangangang tingala ko kay Elijah.
"Anong ngini-ngiti mo?"
"Hmm. Wala naman. Naisip ko lang, may kanya-kanya pala kayong title."
"Title? Sino? Ano?" Kunot-noong umakbay siya sa akin nang may isang grupo ng mga estudyante ang nakasalubong namin.
"Hi, Timmie."
"Hi, Timothy."
Nginitian ko ang mga bumati sa akin at binati sila ng magandang umaga. Pawang med students din sila gaya namin ni Elijah.
"Title. Kay Aya, the Spiritual Girl, according to Alec. Which makes sense, you know. The Joker naman para kay Alec. At sa'yo, The Observer."
"The Observer? At bakit naman?" Nakangiting yuko niya sa akin habang naglalakad kami sa hallway.
"Kasi, mapagmasid ka. Hindi lang sa tao kundi pati sa mga sitwasyon. Kaya 'yon.." Kibit-balikat ko.
"Hmm. I like it. What about you? Anong sa'yo?"
"Uhm. I don't know."
"Okay, let me think."
Saglit siyang humawak sa baba at kumagat sa labi bago nagsalita.
"Sunshine! Yeah. Sunshine ang sa'yo."
Sumimangot ako at bahagya siyang siniko sa tagiliran.
"Parang pambabae naman 'yon." Reklamo ko.
"Hindi ah. Ang cute mo kayang ngumiti. Saka parang lumiliwanag ang paligid kapag ngumingiti ka." Pinisil niya ang pisngi ko habang nakangiti at nakalukot ang ilong.
"Ayoko pa rin ng sunshine." Tinapik ko ang kamay niya ngunit hindi ko rin naman naiwasang ngumiti, saka ko inayos ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Basta. Ikaw ang sunshine ng grupo natin. Tapos."
Pabiro ko siyang inirapan at nagpatiunang pumasok sa una naming klase.
•••
Pinulot ko ang lukot na papel na palihim na ibinato sa akin ni Elijah habang nakatalikod ang professor at isinusulat ang sarili niyang pangalan sa whiteboard.
Binuksan ko iyon at binasa sa isip ang nakasulat.
"Boring. Bakit kailangang may sitting arrangement pa?"
Yumuko ako at nilingon siya, at nakangiting inilagay sa labi ko ang aking hintuturo. Itinirik lang niya ang mga mata at nangalumbaba.
Dalawang tables ang pagitan namin. Nasa unang column ako sa tabi ng bintana at siya naman ay sa ikaapat. Pero nasa iisang row lang kami, ikalawa sa dulo. Sa likod ko ay may isang bakanteng mesa.
Siguro ay hindi pa papasok ang naka-assign doon. Sabagay, mukhang wala pa namang klase. Saka pahihiramin ko na lang siya ng notes, kung sino man siya.
"Alright. So, since tapos na kayong magpakilala. Ako naman," nag-focus ako sa professor nang humarap siya sa amin. "I'm Joey Dela Merced as you can read on the board. But just call me Ms. Joey. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. And temporary lang ako rito, dahil naka-maternity leave pa ang naka-assign na prof niyo. Kaya malamang ay ako ang magiging Bio III prof niyo for the whole semester. I'm very excited."
Itinirik niya ang mga mata saka tumawa sa sarili na ikinangiti ng iba kong kaklase. Hindi ko man makita ang joke doon ay nakingiti na rin ako.
I mean, mukhang magiging magaan naman siyang guro kung ganito kababaw ang kaligayahan niya. Hindi gaya ng nakaraan naming med professors na pawang puro seryoso sa buhay.
At kaya rin siguro pinagpakilala niya kami isa-isa ay dahil bago lang siya. Napatango ako sa isip ko.
Marami pang sinabi si Ms. Joey. Karamihan ay tungkol sa pag-compute ng grades, class rules, at kung ano-ano pa.
"Okay, hindi naman ako magiging harsh sa first day--."
Napalingon kami sa bumukas na pinto at doon ay bumungad ang isang matangkad na lalaki. Parang mas matangkad pa siya kaysa kay Elijah nang mga ilang pulgada.
Hanggang balikat ang buhok niya na may malalaking alon. Maitim iyon at tila ba kaylambot habang tinatangay ng hangin mula sa airconditioning.
May dalawang maliliit na hikaw sa kaliwang tenga. Ang buo niyang kanang braso ay may tattoo. Hindi ko maintindihan ang mga nakaguhit doon pero mukhang bagay naman sa kanya.
Nakadagdag pa sa dating niya ang fitted white shirt na v-neck na humahapit sa biceps niya, at tight-hugging na itim na tattered jeans na ang dulo ay nakapailalim sa itim rin na low-cut army boots.
Matangos na ilong na para bang proud na nakatindig. Makapal ang nakakunot na kilay na gaya ng sa nagmamakaawang pusa pero kabaligtaran ng matatalas niyang mga mata.
At ang kanyang mga labi. Nakakabighani iyon at tila kaylambot kahit tila nakasimangot.
Malalim ang hukay sa ibaba ng kanyang ilong na nakapagpalutang sa pa-pusong hugis ng kanyang mga labi.
Manipis ang pang-itaas at makapal naman ang pang-ibaba.
Hindi pula ang mga iyon. Hindi rin kulay pink. Kulay iyon ng malapot na dugo na lalo lang nakadagdag sa dating ng gatla sa gitna ng kanyang baba at sa maputi at makinis niyang mukha.
Parang ang sarap pisilin ng kanyang baba na may maliliit na balbas na nagsisimula nang tumubo.
Nagtaka ako nang hindi man lang siya sinita ni Ms. Joey o pinagpakilala man lang. Ni hindi rin ba niya nakita na hindi naka-uniporme ang lalaki?
Magkakilala ba sila?
"There's a vacant seat behind Mr. Oroteo. You can take it, Jared. Timothy, please, raise your hand, sweetie."
Wala sa loob na itinaas ko ang kanan kong kamay habang nakatitig sa estudyanteng tinawag ni Ms. Joey na Jared.
Kahit ang pangalan niya ay lalaking-lalaki. Pati bawat paghakbang niya ay matigas na para bang siguradong sigurado siya sa sarili.
Ni hindi siya yumuyuko, sa halip ay tila nagbabantang tingin ang ipinupukol niya sa mga classmate namin na nahuhuli niyang nakatingin sa kanya.
"Put your hand down, idiot."
Noon lang ako natauhan nang magsalita si Jared mula sa likod.
Napapahiyang ibinaba ko ang kamay ko nang ma-realize kong nakaprente na siya sa bakanteng upuan sa likod ko.
Anong nangyayari? Ni hindi ko namalayan na nakaupo na siya.
Nakakahiya.
Nilingon ko siya nang nakayuko ngunit agad din akong bumaling paharap dahil nakatingin siya mismo sa mga mata ko.
Ganoon ba talaga siyang tumingin?
Para bang tumatagos ang mga mata niya at nakikita niya ang kaluluwa ko. Parang wala siyang sasantohin sa klase ng pagtitig niya.
Gosh. Bakit dito pa ako napwesto?
"Okay. As much as I want to dismiss you early, hindi pwede. Let's wait for at least fifteen more minutes. Bukas na lang natin simulan ang klase, because I need to be at the office of the president to discuss some matters." Nakangiting tumingin sa direksyon ko si Ms. Joey.
"Tss."
I looked over my shoulder when Jared huffed. At doon ko napagtanto na sa kanya nakatuon ang paningin ni Ms. Joey.
Magkakilala ba sila?
"What?"
Iling lang ang isinagot ko nang tingnan ako nang pailalim ni Jared saka ako muling humarap sa board.
Bakit ba parang ang sungit niya? Pero hindi ko maikakaila na isa siya sa mga kilala kong may nakakaakit na boses. Malalim at buo.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagdu-doodle habang naghihintay magpalabas si Ms. Joey.
Napaangat ang paningin ko nang dumaan sa gilid ko si Jared at diretsong tinungo ang pinto.
"Where are you going, Mr. Krzhizhanovsky?"
"Out."
"Hindi ko pa kayo pinalalabas."
"Yeah, right." Iyon lang at tuloy-tuloy na siyang lumabas ng classroom.
Naiwang kikibot-kibot ang labi ni Ms. Joey.
Maging ako ay nabigla sa inasal ni Jared. I mean, it was kind of disrespectful.
It was, indeed, disrespectful.
Kahit ilang taon lang ang tanda sa amin ni Ms. Joey ay professor pa rin namin siya at estudyante lang kami. At hindi nababase sa edad ang paggalang sa kapwa.
Wait. Ano na nga iyong itinawag sa kanya ni Ms. Joey?
Krzhizhanovsky.
Familiar ang---. Tama!
Pwede kayang relative siya ni President Alisa? Parehong Krzhizhanovsky ang apelyido nila.
At mula noong nasa high school pa lang ako ay wala pa akong narinig na kagaya ng last name ng president.
It only made sense, kung bakit ganoong umasta si Jared.
Kasama kaya sa pribilehiyo niya ang hindi pagsusuot ng uniporme?
Hay. Sayang, ang gwapo pa naman niya. Ang kaso ay malaki ang ulo.
Kinastigo ko ang sarili ko dahil sa mapanghusgang ideyang iyon. Baka naman may kailangan lang asikasuhin si Jared. Saka nakakainip naman talagang maghintay rito sa classroom.
At ayokong isiping kinukunsinti siya ni President Alisa, dahil hindi naman ganoon ang president.
Minsan ko na siyang nakadaupang-palad, at napakaganda niya sa malapitan. At sobrang bait. Ngayong naalala ko ang itsura niya ay mayroon nga silang similarities ni Jared.
Iyon nga lang ay mas maamo ang mukha ni President Alisa.
Siguro ay magpinsan sila or magkapatid. Pero malamang ay magkapatid kung nakakapasok siya nang hindi nakauniporme.
Hindi kasi nakakapasok sa campus nang nakapang-civilian, unless araw ng Biyernes at Sabado. At kailangan ng teacher's pass kung nakapang-civilian maliban sa dalawang araw na iyon. Na bihirang ibinibigay ng mga guro.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pag-doodle para lang magulat sa sarili kong guhit.
Caricature iyon ni Jared.
Napangiti ako dahil ang cute ng pagkakaguhit ko sa kanya. Sa halip na pilasin ko iyon ay itiniklop ko na ang notebook ko at naghanda sa paglabas para sa susunod na klase.
•••
"Timmie boy, una ka na sa cafeteria, baka maubusan tayo ng pwesto. Punta lang ako sa restroom." Paalam ni Elijah pagkalabas namin mula sa last period class para sa umagang iyon.
"Okay, baka nandoon na rin sina Alec at Aya."
Tumango siya saka tinunton ang dulo ng pasilyo. Naglakad naman ako sa kabilang direksyon para pumunta sa cafeteria.
Dito rin sa department namin nagla-lunch sina Alec at Aya. Mas masarap daw ang luto rito kaysa sa cafeteria ng Engineering.
But I knew better, ayaw lang ni Alec na mapag-isa kasama si Aya. You know, takot siya sa multo. Na ayon sa kanya ay mga kaibigan ni Aya.
Hindi naman gaanong malayo ang cafeteria. May isang malaking lab lang sa pagitan niyon at ng building ng mga classroom. Mukha lang malayo dahil medyo pasikot ang daan.
Nakalabas na ako ng med building at nasa harap na ng laboratory building nang may mapansin ako sa gilid sa bandang likod ng lab.
Ano iyon?
Nilakad ko ang malilim na daan sa pagitan ng dalawang building hanggang sa makarating ako sa likod.
At doon ay nakahiga sa ilalim ng puno si Jared. He looked so peaceful habang nakasabog sa damuhan ang mahaba niyang buhok.
Ang kanan niyang braso ang nagsisilbi niyang unan habang magkapatong naman ang mga binti.
Ang naglalarong anino ng mga dahon at sinag ng araw ay tila nagsasayaw sa kanyang payapang mukha.
Mas gwapo pala siya kung hindi nakasimangot.
Hindi ko alam pero ang sarap lang niyang panoorin. Para bang wala siyang inaalala na kahit ano.
Kaya naman nakadilat na siya ay hindi ko pa napansin dahil sa sobrang pagkaaliw ko sa kanyang mukha.
"What are you doing, you freak."
Napahakbang ako paatras nang maupo siya at madilim ang mukhang tumitig sa akin.
"Ah. Uhm. Ano.. I.."
"What!"
Bahagya napataas ang mga balikat ko nang tumaas ang boses niya.
"Were you perving on me?"
"No! Ahm. No. M-magpapahangin lang sana ako rito. Pero.. Sige, ahm, aalis na ako."
Agad akong tumalikod pero hindi pa ako nakakahakbang nang muli siyang magsalita.
"Hey, squirt! Hindi pa kita tapos kausapin."
Napakagat-labi ako kasabay ng pagpikit.
Bakit ba kasi hindi pa ako umalis kanina habang nakapikit pa siya?
Mukhang mainitin pa naman ang ulo niya at kung magdedesisyon siyang bugbugin ako ay wala man lang makakaalam o makakakita sa mangyayari.
If worse came to worst, baka hindi kayanin ng katawan ko at matagpuan na lang akong lantang-gulay.
Huminga ako nang malalim at akmang tatakbo. Ngunit parang may spring na humatak sa akin at nanatili lang ako sa dati kong pwesto.
"Where do you think you're going, squirt?"
"Bitawan mo 'ko!" Hinila ko ang backpack ko na hawak niya pero sino ba'ng niloloko ko, eh hamak na mas malakas siya kaysa sa akin.
"Not happening. Bakit tatakbo ka? May kasalanan ka ba sa akin?" Hinila niya ako sa magkabilang balikat at walang effort na ihinarap sa kanya.
"W-wala. M-magla-lunch lang ako sa c-cafeteria."
Saglit na tumaas ang isa niyang kilay bago maningkit ang kanyang mga mata.
Ngayon ko lang natitigan ang mga iyon at hindi pala iyon kulay itim kundi deep brown. At napakaganda niyong pagmasdan.
"Kanina mamamahinga ka, ngayon magla-lunch ka? Are you f*****g with me?"
"H-hindi. Please, a-ayoko ng gulo. Aalis naman na ako. B-bitawan mo na ako, Jared."
Saglit siyang tila natigilan at bahagyang lumuwag ang hawak niya sa balikat ko.
Tatakas na sana na ako nang muli niyang hablutin ang bag ko.
"Wait. Give me your notebook."
Hindi pa ako nakakapagreact ay nahubad na niya ang bag ko.
"Ibalik mo 'yan. Ano bang notebook ang sinasabi mo?"
Inagaw ko iyon ngunit inilihis lang niya at bumalik sa pwesto niya sa ilalim ng puno at naupo habang hinahalungkat ang bag ko.
"I saw you doodling. And I couldn't be mistaken sa nakita ko."
Then bigla kong naalala ang caricature na d-in-rawing ko. Dali-dali akong lumuhod sa harap niya at inagaw ang bag.
"Akina 'yan, Jared!"
"Back off, squirt!" Itinulak niya ako sa dibdib na nakapagpasalampak sa akin sa damuhan.
"Shut up if you don't wanna get hurt." Tiningnan niya ako nang masama na nakapagpanatili sa akin sa pwesto ko na parang bato.
Napapakagat sa labing pinanood ko siya habang hinahalungkat ang gamit ko.
Bakit kasi hindi ko pa iyon pinunit?
Kumabog ang dibdib ko nang buklatin niya ang notebook na gamit ko kanina. At nang makita niya ang hinahanap ay nakatanggap ako ng isa na namang matalas na tingin mula sa kanya.
"Why did you make a caricature of me? Did you find me f*****g funny?"
"H-hindi. M-ma--."
Wala akong malamang sabihin dahil sa madilim na pagkakakunot ng noo niya na tila nagbabanta ng masamang panahon.
"What!"
"Wala. H-hilig ko lang talaga ang mag-doodle. S-sorry. P-pupunitin ko rin naman 'yan."
"Tss. I'll do it." Pinilas niya ang pahinang iyon, nilamukos, at ibinato sa halamanan. "I don't want to see you again drawing an image of me; otherwise, I will beat the s**t out of you. You understand, squirt?!"
Mabilis akong tumango at bahagyang lumayo sa kanya.
Kung kanina ay napakaamo ng mukha niya habang nakapikit, ngayon ay para siyang leon na naghahanap ng kunehong pwedeng kainin. At sa kasamaang palad, ako ang kunehong iyon sa mga oras na ito.
God, nasaan ba si Elijah? Bakit hindi man lang nila ako hinahanap?
"Oh! Ayan na'ng bag mo!"
Muntik ko pang hindi masalo ang backpack ko nang bigla niya iyong ihagis sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang pagtutubig ng mga mata ko.
Hindi naman niya kailangang maging magaspang. Pwede naman niya akong pakiusapan nang maayos, o kaya ay utusan, at susundin ko naman siya. Hindi iyong kailangan pa niya akong takutin at pagbantaan.
At itinulak pa niya ako! Kung para sa kanya ay mahina lang iyon, p'wes sa katawan ko ay malakas ang dating niyon.
Si Elijah nga, ni hindi man lang ako kinukutusan o tinatapik man lang. Tapos siya itong kakikilala ko pa lang..
Sinulyapan ko ang nag-iisang papel sa ilalim ng mga halaman. Wala namang masama kung i-drawing ko siya o kahit na sino.
Hindi man lang niya na-appreciate na ang cute niya sa drawing.
"Now, go away, squirt. And stay away."
Dali-dali akong tumayo at hindi na nag-abalang isara ang bag ko. Kinipkip ko na lang iyon at tumakbo palayo sa sugo ng kailaliman ng lupa at sa kanyang kaharian.
Pfft. Crush pa naman kita.
Wait. What?
Agad agad, Timmie?
Well, kanina lang iyon, noong unang kita ko sa kanya sa room. At sa pangalawang kita ko sa kanya sa ilalim ng puno.
Pero ngayon? Pfft! Ang sama niya!
Saglit akong lumingon sa kinaroroonan ni Jared. At gaya ng unang kita ko sa kanya sa ilalim ng punong iyon ay payapa na naman siyang nakahiga na parang wala siyang nasaktang damdamin ng iba.
Pfft! I hate you. I-a-uncrush na kita.
Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad palayo.
•••