Episode 3 - One Slap, One Kiss

4766 Words
*Timothy* It's official. I hate Jared! He was very rude. Hindi man lang niya ako iginalang. At ano iyong sinasabi niya na 'you like to be touched?' Anong akala niya sa akin? Maharot? Pfft! Ni hindi nga ako nanonood ng p**n! 'Hindi? Talaga?' Okay. Minsan lang. At si Alec pa ang may kagagawan. And gosh, it was very embarassing to watch. Ilang araw rin akong nanood ng Disney movies para lang mabura sa isip ko ang nakakapanindig-balahibong mga imaheng iyon. At anong basehan ng Jared na 'yon para masabi niyang sabik ako sa haplos? Iyong drawing ko? Napakababaw! Ano naman kung iginuhit ko siya? Hindi naman ibig sabihin no'n ay pinagnanasaan ko siya. 'You do.' Pfft! I don't. Iba ang pagnanasa sa paghanga. At anumang paghangang nararamdaman ko sa kanya ay wala na ngayon. Hindi naman siya ganoon kagwapo. Fine! Gwapo siya. Malakas ang dating. Lalaking-lalaki, na para bang kayang-kaya niya akong ipagtanggol at protektahan. At malaki ang... Nag-iinit ang mga pisnging iwinaksi ko sa isip ang alaalang iyon. Napakabastos niya! Ikalawang araw pa lang na 'magkakilala' kami ay ginawa na niya iyon sa akin. Wala naman akong ginawang masama para bastusin niya ako ganoon. Bakit? Dahil sinabi kong hindi ko siya type? Pfft! Anong akala niya, lahat ay may gusto sa kanya? Napakayabang! Kaninang umaga pa siya. Binunggo ang mesa ko kahit nananahimik ako. Pinisil ang tagiliran ko. Hinipo at hinimas ang mga hita ko nang paulit-ulit. At binastos ang kamay ko kasama ng pagkatao ko sa pamamagitan ng mga walang basehan niyang akusasyon. Ano ba'ng nagawa ko sa kanya? Padabog kong pinahid ang luhang tumakas sa mata ko. I hate you, Jared. Napakayabang mo! At bastos! Lumabas ako ng library matapos kong maiayos ang mga papel na ibinigay ni Mr. Linsangan. Ang tigas din ng mukha ng Jared na 'yon. Minolestya na niya ako ay hindi pa ako tinulungan. Pakiramdam ko ay bumaba ang pagkatao ko sa ginawa at mga sinabi niya. Binuksan ko ang phone ko nang tumunog iyon. Mensahe iyon mula kay Elijah. 'Timmie boy, mauna na akong umuwi. May pinapaasikaso sa akin si Daddy eh. Ingat kayo ni Tito sa pag-uwi ah.' Saglit akong huminto sa paglalakad at tumipa. Matapos niyon ay binuksan ko naman ang isa pang message. Mula naman iyon kay Daddy. Nanlulumo akong naupo sa hagdan ng building. Paano na 'yan. Kailangang mag-overtime ni Daddy. Hindi pa naman ako marunong mag-commute. Oh! Taxi! Tama. Magta-taxi na lang ako. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang gate. "'Bye, Ate Cindy." Masigla kong bati. Ewan, basta bigla akong sumaya nang maisip kong mararanasan ko na ring mag-taxi. "Oh? Wala pa ang Daddy mo?" "Hindi raw po niya ako masusundo kasi nasa trabaho pa. Kaya magta-taxi na lang po ako." "Oh sige at ipag-aabang kita." Akma siyang tatayo nang pigilan ko siya. "Ayos lang, Ate Cindy. Ayan lang naman po sa gilid iyong abangan, oh. Saka gusto kong maranasang pumara ng taxi. Kaya ako na po." Nakangiti akong kumaway sa kanya at naglakad palayo. "Mag-iingat ka, Timmie. Saka madalang nga pala ang taxi diyan. Mayamaya ka pa masasakay." Lumingon ako at ngumiti. "Okay lang po. Maaga pa naman. Bye po!" Lumiko ako sa kanan at mula roon ay ilang hakbang lang ang shed na abangan. Dito kami dumadaan ni Daddy. At sa tuwing may nakikita ako estudyanteng nag-aabang ay napapaisip ako kung ano ang pakiramdam ng papara, magbabayad ng pamasahe, at makakauwing mag-isa. Ngayon ay mararanasan ko na iyon! Maliwanag pa naman kaya walang problema kung medyo matagalan man ang taxi. At kung abutin man ako ng dilim ay marami namang ilaw na nakapalibot sa bakod ng university at may mga lamp post din sa daan. Excited na akong mag-taxi! First time ko 'to. Mula elementary hanggang ngayong college ay hatid at sundo ako ni Daddy. Kung masasakay man ako sa ibang kotse ay kay Alec o kay Elijah. I wasn't complaining though. Nagpapasalamat nga ako na mayroon akong Daddy na laging nariyan para sa akin. Naputol ang pamumuni-muni ko nang may isang kotseng huminto sa harap. Humahanga ko iyong pinagmasdan dahil sa ganda at kintab niyon. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon, basta mukha iyong bagong modelo. Hanggang sa ang paghanga ko ay napalitan ng inis nang bumukas ang bintana niyon at sumilip ang pinakahambog at bastos na taong nakilala ko. "Squirt. Are you going home?" Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakikita o naririnig. "Hi, Timmie, wala pa ang Daddy mo?" Nginitian ko sa Bryle at ang kasama niyang si Ken nang mapadaan sila sa harap ko. Mga ka-klase ko sila noong high school at natutuwa ako na hindi sila snob gaya ng iba naming naging kaklase. "Wala si Daddy kaya magta-taxi ako." "Ingat ka sa pag-uwi ah. Una na kami." Paalam ni Bryle saka nagpatuloy sa paglalakad. "Okay. Bye." Kinawayan ko sila at inayos ang backpack ko. "I'm talking to you, squirt." Muling salita ng hambog na may magandang kotse. Hinabaan ko ang leeg ko at tinanaw ang daan. Wala akong balak na i-entertain siya ngayon o kahit kailan man. Bakit ba wala pang taxi? "I will f*****g kidnap you if you don't answer me! I'm f*****g serious!" Bahagya akong napaatras at napatingin sa kanya dahil sa taas ng boses niya. "Ano ba'ng problema mo sa akin? Saka Timothy ang pangalan ko, hindi squirt! Hindi ako natutuwa sayo!" Ganting-bulyaw ko sa kanya dala ng halo-halong emosyon. Hindi pa nakakatulong ang mga alaala ng mga ginawa at sinabi niya sa akin sa buong araw na ito. At ngayon ay heto na naman siya. Give me a break! Lalong dumilim ang mukha niya saka binuksan ang pinto at inilang hakbang ang pagitan namin. "Did you just shout at me, squirt?" Halos dumikit ang mukha niya sa akin nang yumuko siya at higitin ang kuwelyo ng uniporme ko. Halos umangat na ang paa ko mula sa lupa kung hindi ako nakatingkayad. Tila umurong ang dila ko kasabay ng pagbahag ng buntot ko. "J-Jared, bitawan mo 'ko. Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit ayaw mo akong tigilan?" Bakas na bakas sa boses ko ang takot. I mean, look at him, hamak laki ng katawan niya kaysa sa akin. Huwag nang isama ang katotohanang hanggang baba lang niya ang taas ko. Nakahinga ako nang maluwag kasabay ng pagluwag ng pagkakahawak niya sa damit ko. Bahagya ring nabawasan ang pagdidilim ng mukha niya, pero ramdam ko pa rin na bigla na naman siyang magwawala. War freak! Gwapong war freak. Palihim kong kinastigo ang sarili ko. Hindi ko na siya crush, okay? "Tinatanong kita nang maayos, kung pauwi ka na. Pero anong ginawa mo? Pinagmumukha mo 'kong tanga!" "Pfft. Maayos? Tinawag mo akong squirt, maayos? And did you think na matapos ng ginawa mong kahalayan sa akin ay okay lang ang lahat?" Umatras ako palayo sa kanya at naghandang tumakbo kung sakaling magdesisyon siya na pilipitin ang leeg ko. Sa halip ay unti-unting sumilay ang ngisi sa sulok ng labi niya. "Kahalayan. I see." Tumatango-tangong sabi niya. "Eh kung halayin talaga kita para malaman mo kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'halay?'" Madiin akong napalunok saka luminga sa paligid. Hindi ko kita si Ate Cindy dahil nasa gilid kami ng univerty, pero kung sisigaw ako ay tiyak na maririnig niya. Sana. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa takot nang humakbang si Jared palapit sa akin. Ginawa na niya iyon kanina at alam kong hindi siya nagbibiro ngayon. Nag-ipon ako ng hininga at malakas na sumigaw. "Ate Cind--." Kinalmot ko ang kamay ni Jared na nakatakip sa bibig ko. "Shut up, squirt, or I will punch your throat." Awtomatikong huminto ang pagwawala ko dahil sa sinabi niya. Ano bang kasalanan ko at ako ang binu-bully niya? Muli akong nakahinga nang maluwag nang bitawan niya ako. Umatras ako at naglagay ng espasyo sa pagitan namin. "Jared, please naman. Wala naman akong ginagawa sayo. Nananahimik ako. Ni hindi kita iniinis or anything." Mahina ang boses na pakiusap ko sa kanya. "Tss. Your fake innocence is enough for me to get pissed with you." "Ano bang sinasabi mo? Saka kung nagpapanggap man akong inosente, mabait o kung ano pa man, wala ka na ro'n!" "See? Umamin ka rin. Kaya sagad ang ngiti mo sa dalawang lalaking bumati sayo kanina lang. Malandi ka nga." Kusang umangat ang kanan kong palad at dumapo sa pisngi niya. "Sumosobra ka na! Ni hindi mo ako lubos na kilala!" Nagpupuyos ang damdaming sigaw ko sa kanya. Sino ba siya sa akala niya para pagsabihan ako ng mga ganoong salita? Kahit minsan sa buhay ko ay walang nagsabi sa akin ng kahit isang masakit na salita. At heto siya, kahapon ko lang nakilala ay kung ano-ano na ang sinasabi sa akin. Itinulak niya ng dila ang loob ng pisngi niya at pataligid na tumingin sa akin. Bago ko pa man mamalayan ay hawak na niya ang magkabila kong pisngi at magkalapat ang aming mga labi. Holy.. This was my first ever kiss! Anong karapatan niyang kunin iyon sa akin? Marahas kong tinabig ang kamay niya at muli ay dumapo sa kanyang pisngi ang palad ko. At sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong sinibasib ng halik. "How dare you!" Itinulak ko siya at muling sinampal. Hindi niya iyon inilagan, bagkus ay tinanggap niya iyon at muling tinutop ang mukha ko at madiing inatake ang aking mga labi. Nagpumiglas ako hanggang sa pakawalan niya ang mga labi ko ngunit nanatiling nakakulong ang mukha ko sa mga palad niya. "Sa bawat sampal mo, halik ang ibabalik ko sayo. And if you do more than just a slap, I will r**e you. That's a promise, squirt." Natitigagal akong napahinto sa sinabi niya. Ni hindi ko napaghandaan ang mabagal na paghagod ng buong dila niya sa nakaawang kong mga labi bago siya tumalikod at sumakay sa kanyang sasakyan. Nanlalambot akong napaupo sa bench habang nakayuko. At doon ay pinakawalan ko ang mga luha ng nagsasalimbayang emosyon sa dibdib ko. I felt so abused. By a stranger! ••• *Jared* That annoying squirt! I was only asking him kung uuwi siya, pero ano? Tss. I saw him waiting on that shed looking like a lost puppy. At hindi man lang niya napansin iyong lalaking tambay na masama ang tingin sa kanya. Then he had to be an a*s for making a fool out me. Ayoko sa lahat ay iyong binabalewala ako at pinagmumukha akong tanga. Dahil ako lang ang may karapatang gawin iyon sa iba, at wala kahit isa ang may karapatang gawin iyon sa akin. And that f*****g squirt just did. He even had the audacity to slap me. f**k him! He was a flirt, indeed. I don't know, pero nainis ako sa way ng pagngiti niya sa dalawang basang sisiw na iyon na mas nauna pa niyang kinausap kaysa sa akin. Bakit sa akin ay hindi siya ngumingiti ng ganoon? 'Because you're a dick.' Naiinis akong bumuntong-hininga. Ihininto ko ang sasakyan at tumingin sa side mirror. There the squirt was, mukhang kawawang nakaupong mag-isa at tulala. Tss. Napakahina talaga ng isang 'to. So what if I kissed him? Ano naman kung dinilaan ko ang labi niya at pinagbantaan siyang gagahasain? It wasn't like I would kill him. But damn his lips were so f*****g soft! Pakiramdam ko kanina ay nakikipaghalikan ako sa sanggol. Mas malambot pa iyon kaysa sa mga labi ng mga babaeng nakahalikan ko na. I wasn't even gay pero gusto kong matikman ulit ang mga labing iyon. I wanted more. I wanted to know what it felt like to have those lips wrapped around my manhood. Dinilaan ko ang pang-ibaba kong labi at muling sumulyap sa side mirror. Kung dukutin ko kaya siya at dalhin sa condo ko? Kahit sumigaw siya roon ay walang makakarinig sa kanya. Right. I would give him what he wanted. And I knew he wanted to get f****d. Iyon naman ang gusto ng mahaharot na kabataan ngayon, ang maikama ng pinagpapantasyahan nila. Nabuhayan ang pagkalalaki ko sa naisip ko. Imagine-in ko pa lang na maaabuso kong muli ang malalambot at basang labing iyon ay nag-iinit na ako. At parang nakikita ko na siyang nagmamakaawa habang nakatali sa kama ko. Pawisan, luhaan, at puno ng katas ko ang katawan. Kumagat ako sa labi at ngumisi bago lumabas ng kotse. Yeah. Dapat lang na may kabayaran ang tatlong sampal na ibinigay niya sa akin. Lalong lalo na at wala pang nakasampal sa akin kahit minsan. Siya pa lang. At hindi iyon nagustuhan ng ego ko. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay agad din akong napahinto. Fuck! He was crying. Again. Lahat ng naisip kong kahalayan ay tila nilipad ng hangin at napalitan na naman ng guilt. I rolled my eyes and turned around. Pero hindi ako hinayaan ng guilt na umalis at iwan siya. I breathed out heavily and raked a hand through my hair. Naglakad ako palapit sa kanya at tumayo sa harap niya. "Here." Iniabot ko sa kanya ang panyo ko. Tumingala siya at masamang tumingin sa akin bago tabigin ang kamay ko. "Go away!" Nag-iinit ang ulo kong pinulot ang panyong nahulog sa semento bago ko ibinalik ang paningin sa kanya. "'Wag mo 'kong sagarin, Timothy." Muli kong iniabot sa kanya ang panyo. "Hindi ko kailangan 'yan." Isinukbit niya ang bag at akmang tatayo nang pigilan ko siya sa balikat. Naupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa batok at ako na mismo ang nagpunas ng luha niya. Damn! Bakit ko ba 'to ginagawa? "Isa." Warning ko sa kanya nang pumiglas siya saka ko bahagyang hinigpitan ang hawak sa batok niya. Lihim akong napangisi nang tumigil naman siya. Ipinagpatuloy ko ang pagpunas sa mukha niya kahit sa harap siya nakabaling at hindi sa akin. Dammit! Why did my heart beat so fast? At anong klaseng mata ba ang meron siya, bakit ayaw tumigil ng luha? "Tumahan ka." Hindi iyon pakiusap kundi utos. "Ano bang nagawa ko sayo?" Parang sinipa ang dibdib ko ng hindi nakikitang pwersa ng maliit at basag niyang boses. I put my hand on my knee and looked away. Damn this squirt! He was messing with my feelings. I mentally shook my head. Wala akong panahon sa kadramahan niya. "Halika, ihahatid na kita." Kinuha ko ang kamay niya pero agad niya iyong ipiniksi. "Kaya kong umuwing mag-isa." I rolled my eyes and got on my feet. Muli kong kinuha ang kamay niya at hinila saka naglakad. "Ayoko sa maarte, kaya halika na bago pa uminit ang ulo ko sayo." "Ayoko sabi!" Pinaningkitan ko siya ng mata pero mukhang balewala na sa kanya iyon ngayon. Tss. Palaban ka na ah? "Mamili ka. Iuuwi kita sa condo ko at pagsasamantalahan o ihahatid kita sa bahay mo nang ligtas? I bet I would enjoy pounding on you." Seryoso ko siyang tinitigan. Kanina pa nag-iinit ang puson ko at hindi nakakatulong ang mapupula niyang mga labi na parang inabuso. Well, I was the who abused them. Sue me. Luminga siya sa paligid na parang naghahanap ng matatakbuhan. "'Wag kang magkakamaling tumakbo. Hindi ka makakatakas sa 'kin." Banta ko sa kanya na sinuklian niya ng masamang tingin. "Isusumbong kita kay Daddy." Bulong niya bago naglakad palapit sa kotse ko. At sa oras na iyon ay gusto kong tumawa. Tss. Immature. Hindi ako nangangamba. Hindi nga siya nagsumbong kay Mr. Linsangan eh, at mas mahalay ang ginawa ko sa kanya kanina. ••• *Timothy* Wala akong pagpipilian kundi ang maupo sa harap dahil wala namang backseat ang kotse niya. Sabagay, ano ba ang nakakapagtaka kung ma-afford ni Jared ang ganitong klase ng kotse? Ang pamilya nga nila ang nagmamay-ari ng university na pinapasukan namin, 'di ba? At malamang na iyon ang dahilan kung bakit napakalakas ng loob niyang bastos-bastusin lang ako. Dahil iniisip niyang kaya niyang paikutin ang lahat sa mga palad niya. Ilang na kaya ang estudyanteng ginawan niya ng masama? Kahit gusto ko siyang lingunin ay pinanatili kong nakabaling ang paningin ko sa labas ng bintana. Kumibo lang ako nang magtanong siya ng direksyon. Hindi naman gaanong malayo ang bahay ko sa eskwelahan pero parang ilang araw na kaming naglalakbay dahil sa kagustuhan kong makalayo na sa kanya, magkulong sa kwarto, at maawa sa sarili ko. Nagsimula lang ang lahat ng ito sa isang simpleng drawing at pinalaki na niya nang pinalaki. Hindi lang iyong drawing ko ang nilukot niya, pati dangal ko ay unti-unti niyang tinatapakan at dinudumihan. Simpleng mag-aaral lang naman ako na gustong makatapos ng pag-aaral at maging doktor. Pero heto siya, walang puso akong binu-bully. Sabagay, sino ba ang bully na may puso? "Will you stop crying? For f**k's sake!" Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya matapos kong pahirin ang luha ko gamit ang likod ng aking palad. Sa sama ng loob ko ay ni hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. "If you want me to stop, then stop bullying me first!" Ganting-sigaw ko sa kanya. Pfft! Hindi na ako matatakot sa kanya. Sa lahat ng ginawa niya ay wala na akong ibang nararamdam kundi matinding galit para sa kanya. "Kissing is not bullying." Pasimple niyang sagot habang naka-focus sa daan. Hindi ako makapaniwalang napanganga sa kanya bago ako naiiling na muling bumaling sa bintana. Arguing with him was nonsense. Now I wondered kung kapatid niya talaga si President Alisa dahil malayong-malayo ang ugali nila sa isa't isa. I thanked heavens when we reached home. Hindi pa humihinto ang kotse ay nagtanggal na ako ng seatbelt. Binuksan ko ang pinto pero naka-lock iyon. Nilingon ko si Jared. Prente lang siyang nakasandal habang nasa likod ng ulo ang mga kamay. "Say please." Aniya saka ngumisi. "'Wag mo 'kong paglaruan!" "Say it. It's just a simple word." Pinanatili kong tikom ang bibig ko at huminga nang malalim. "Jared, look, maghanap ka na lang ng ibang paglalaruan. Gusto ko nang magpahinga." Iyon ang gusto kong makamit. Pahinga. Parang ang daming nangyari sa akin ngayong araw at ang gusto ko lang ay mahiga at matulog. He rolled his eyes and stared at me. I couldn't hold his gaze kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Umangat ang kamay niya at agad akong sumiksik sa pinto habang nakataas ang braso para sa proteksyon ko. "Tss. Hindi kita sasaktan, ang OA mo." Dumukwang siya at hinila ako sa balikat saka inayos ang kuwelyo ng uniform ko at neck tie. "Mukha kang ginahasa." Patuloy niya. "Kahit hindi pa kita ginagahasa." "Napakabastos mo!" Tinabig ko ang kamay niya pero agad din niyang hinigit ang pulso ko at idiniin sa tiyan ko. Ngumisi lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Dumukot siya sa bulsa at gamit ang panyong ginamit niya kanina ay pinunasan niyang muli ang pisngi, mata, at ilong ko. At heto na naman ang taksil kong puso. Gaya kanina sa shed, habang pinatutuyo niya ang mukha ko ay nagwawala ang puso kong hangal. At sa mismong oras na iyon ay parang gusto ko na agad siyang patawarin kahit hindi siya nanghihingi ng tawad. Hindi ako makatingin sa mga mata niya na salitang nagpapabalik-balik sa mga mata at labi ko. Hanggang sa dumukwang siya at ilapat ang mga labi sa labi ko. Saglit lang iyon at bumalik din siya sa pagkakaupo. "You look fine again. Now, get out." Utos niya matapos kong makarinig ng mahinang click. I frowned at him before I got off his car. Dire-diretso akong pumasok sa gate at hindi nag-abalang lumingon. Manyak na bully! ••• "Sorry, baby. Nagkaproblema sa office kaya hin-- Are you okay? Bakit namamaga ang mata mo?" Nag-aalalang sinalubong ako ni Dad matapos niyang isara ang kotse. Siguro ay susunduin niya ako at mukhang kagagaling lang niya sa opisina dahil naka suit pa siya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi bago bumaba ang mga kamay niya sa balikat ko. "Ahm, h-hindi, Dad. Sumubok kasi akong kumain ng maanghang kaso hindi ko pala talaga kaya. Kaya 'yon.." Pinilit kong maging natural ang ngiti at mukhang nakumbinsi naman siya. "Alam mo namang mababa ang tolerance mo sa maaanghang na pagkain, bakit sinubukan mo pa?" Iiling-iling na inakbayan niya ako at iginiya sa loob. "Baka kasi kaya ko na." Kibit-balikat ko saka ko niyakap ang beywang ni Daddy. "Dad, gusto ko ng chicken fillet na maraming garlic sauce." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Sige, magbibihis lang ako." Umakyat ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko para magpalit ng pambahay. Pumasok ako sa banyo na naroroon din sa silid ko at naghilamos. Umangat ang kamay ko at kusang dumaan sa labi ko ang aking mga daliri. Hindi ako makapaniwalang walang pusong inabuso iyon ni Jared. He was my first kiss! Isang estranghero. Nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala ko ang mainit, basa, at madulas niyang dila na humagod sa mga labi ko. Agad kong itinapat sa gripo ang kamay ko at paulit-ulit na hinugasan ang bibig ko. Napakabastos niya! Siya na ang pinakabarumbadong taong nakilala ko. Ilang ulit ko pa iyong ginawa hanggang sa mapatingin ako sa pulso ko at matigilan. May mga malalabo iyong marka na nagsisimula nang mangitim. Oh no! Hindi pwede. Nabuhay ang pag-aalala sa dibdib ko at agad akong lumabas ng banyo. Madali akong magkapasa hindi dahil sensitive ang balat ko, kundi-- Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mahihinang katok sa pinto. "Baby, tara na sa baba. Panoorin mo akong magluto." "Sige po, Daddy. Susunod na ako." Dali-dali akong nagpalit ng manipis na sweater upang maitago ang nasa braso ko. Hindi naman makakahalata si Daddy dahil medyo malamig ang panahon ngayon. Now I really hate Jared. Siya lang naman ang humawak nang mahigpit sa akin ngayong araw. Kailangan ko pa tuloy itong itago kay Daddy nang mga ilang araw o linggo. Dahil tiyak na kapag nakita niya ito ay hindi na siya matatahimik. Kung sa school lang ay hindi ko kailangang mag-alala dahil long-sleeved naman ang puti naming uniporme. Dito lang sa bahay ko kailangang mag-ingat. At sana ay mabilis itong gumaling dahil hindi pwede lagi na lang akong nakasuot ng may mahabang manggas. Maghihinala si Daddy. Napapabuntong-hininga akong lumabas ng kwarto at sumunod kay Daddy sa kusina. ••• "Nakauwi ka ba nang maayos kahapon?" "Oo. Nag-taxi ako." Lihim akong napakagat sa labi ko habang nag-aalmusal kami sa cafeteria. Dahil kay Jared ay napapadalas ang pagsisinungaling ko. Kahapon, kay Ms. Joey, noong pinisil ni Jared ang tagiliran ko. Kagabi, kay Daddy, dahil sa pamamaga ng mga mata ko na si Jared din ang dahilan. At ngayon ay kay Elijah. At alam niyo na kung sino ang dahilan. Wala talagang mabuting dulot sa akin ang bastos na lalaking iyon. Pero bakit ko nga ba siya pinagtatakpan? 'Kasi nga may gusto ka sa kanya kahit walanghiya siya.' Pfft! Lumipas na ang paghanga ko sa kanya. At ayaw ko lang ng gulo kaya hindi ko siya isinusumbong. "Bakit?" Tanong ni Alec habang puno ang pisngi. Si Aya naman ay tahimik na nagsimulang kumain matapos maglagay ng isang piraso ng pancake sa tapat ng bakanteng upuan sa tabi ni Alec. Pasimpleng dumasog si Alec sa tabi ko palayo sa bakanteng bangko nang magsalita si Aya ng "Kain na." Naiiling naman si Elijah na nagpatuloy sa pagkain habang nagkukwentuhan kami ni Alec. Mayamaya pa ay nakayari na kami at sabay-sabay na lumabas ng cafeteria. "Oh my gah! Look! He's so hot!" Kagat-labing singit ni Alec sa gitna ng pagkukwento niya tungkol sa napanood niyang movie. Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyong itinuturo ni Alec. And there walked in the devil himself. Parang haring naglalakad si Jared sa gitna ng hallway. Kahit restroom ang pupuntahan niya ay parang may red carpet ang nilalakaran niya dahil sa klase ng atensyong ibinubuhos ng mga estudyante sa kanya. "'Kala ko ba may girlfriend ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Elijah. "I do. And she's very hot. But Jared Krzhizhanovsky is so friggin' hot, too. And he's a Russian! Russian men are hot as hell. And I heard they are very sweet and romantic people. I don't mind being gay for him." Panabay kami ni Elijah na napatirik ang mga mata. Si Elijah ,dahil sa pagiging weird ni Alec. At ako ay dahil sa sinabi niyang 'sweet and romantic' ang mga Russian. Maybe most of them. But not all of them. Hindi lahat sa kanila ay 'sweet at romantic,' lalong lalo na si Jared. He was evil. "Maliwanag ang aura niya." Sabay-sabay kaming napalingon kay Aya. "Sino?" "Jared. Nakakasilaw. 'Di ba, mga kasama?" Nagkatinginan kami nina Elijah at Alec dahil hindi kami ang tinutukoy ni Aya na 'mga kasama' dahil lumingon pa siya sa magkabila niyang gilid habang sinasabi iyon. "I swear, I'm going to shift my course next semester. Ayoko na sa Engineering." Nagkatawanan kami ni Elijah sa eksaheradong komento ni Alec at sa nahihintakutan niyang reaksyon, bago kami humiwalay sa kanila at tumungo sa klase ni Ms. Joey. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD