NGITING-NGITI si Agatha habang naglalakad sa pagkahaba-habang aisle. Napakaganda niya nang araw na iyon. Maganda ang mahabang damit na kanyang suot. Maganda rin ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Perpekto ang pagkakalagay ng makeup sa kanya. Gustong-gusto niya ang pumpon ng bulaklak na tangan-tangan. She was going to keep it. Mas lumuwang ang kanyang ngiti nang makita si Paulino sa unahan, sa harap ng altar. Napakaguwapo ng groom sa suot na tuxedo. Mas guwapo si Yogo na nasa tabi nito at ang best man. Terno ng suot ang mag-ama na ang cute-cute talaga. Kinawayan at nginitian siya ni Yogo. Kinakabahang ngiti naman ang iginawad sa kanya ni Paulino. Kanina pa ito hindi mapakali, ayon sa mga anak. Natatakot daw ang binata na baka biglang tumakbo ang bride. Lalong napangiti si Agatha. May baseh
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


