Chapter 7

1082 Words
Samuel's POV "Hey Dad, can I ask you something?" Magkasama kami ni Dad na umiinom sa veranda ng bahay. Ginagawa namin 'to paminsan-minsan. Simula nung teenager pa ako. Si Dad, higit pa sa isang ama para sa akin, siya rin ang bestfriend ko. Binigyan niya ako ng kumpiyansa na sabihin sa kanya ang kahit anong bagay. Naalala ko noong fifteen ako at nagsimula na akong maging sexually active. Sinabi ko sa kanya ang tungkol doon at hindi niya ako kailanman hinusgahan o pinaramdam na mali ang ginagawa ko. Sabi niya normal lang daw iyon sa isang lalaki. Pinaalala lang niya sa akin na laging gumamit ng proteksyon at kung may kailangan akong malaman, pwede akong lumapit sa kanya. "Yeah, sure. Shoot." Sabi niya bago humigop ng beer mula sa bote na hawak niya. "Paano mo nalaman na si Mama na talaga ang para sa'yo?" "It was a gut feeling. I just knew." "Kailan mo naisip na siya na yung babaeng pakakasalan mo?" Isang nostalgic na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. "The first time I saw her. Your mother was beautiful—she still is. Napakabata pa niya, sixteen pa lang noon. Nalaman ko agad sa sandaling iyon na siya ay akin at ako ay kanya, at wala akong pagpipilian sa kanya. Kapag pag-ibig, wala ka nang say, andoon lang siya, umaagos mula sa bawat butas ng balat mo." Naisip ko si Hazel. Ang maganda kong Hazel. Hindi agad-agad ang pagkahumaling sa isa't isa. Nahulog ang loob ko sa kanya nang paunti-unti. Nahulog ako sa paraan ng kanyang pagngiti, sa paraan ng kanyang paggawa ng lahat nang may gilas. Habang lalo ko siyang nakilala, mas lalo akong nahulog sa kanya. Hindi ito isang biglaang t***k na nag-vibrate sa pinakalalim na bahagi ng puso ko. Parang hinabi ang lahat ng mga bagay na mahal ko tungkol sa kanya, bawat kwentong pinagpalitan, bawat sikretong ibinulong. Lahat ng mga bagay na iyon ay nabuo hanggang sa lumaki nang hindi na kayang balewalain. Doon ko ginawa ang desisyon na siya na ang para sa akin. Siya ang gusto kong makasama sa buong buhay ko. "Eh bakit kayo naghiwalay ni Ma? Bakit nakilala lang kita noong nine years old na ako?" Bumuntong-hininga si Dad. Iniiwasan niya ang tingin ko. 'Minsan kahit mahal mo ang isang tao, masasaktan at masasaktan mo pa rin siya. May mga bagay na susubok sa pagmamahalan niyo. I love your Mom and I never meant to hurt her but I did." "What did you do to Ma?" Tanong ko, sa sobrang kuryosidad. "Kung sasabihin ko sa'yo kung ano ang ginawa ko sa nanay mo, magagalit ka sa akin." Sabi niya na may mapait na ngiti. "Did you... did you cheat on her?" Umiling siya. "No, I did something worse than that." Hindi nila kailanman ipinaliwanag kung bakit kinailangan ako ni Ma na itago sa kanya noong bata pa ako. Ang unang beses na nakita ko si Dad ay nang sunduin niya ako sa clinic ng school. Hindi ko alam na siya ang tatay ko kahit pagkatapos ng pagkikita namin. Akala ko wala na akong ama dahil iyon ang sinabi sa akin ni Mama. Naisip ko noon na siya lang ang asawa ng nanay ko at tatay ng kambal. "But she still forgave you?" Tanong ko. Tumango siya. "Hindi ko pa nagagawang patawarin ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya, pinatawad niya na ako. Cassie has such a forgiving heart. Minsan iniisip ko hindi ko siya deserve." Mahal at nirerespeto ko kung paano laging mataas ang tingin ni Dad kay Mama. Ininom ko ang beer na hawak ko para basain ang lalamunan kong tuyo. "Do you think Hazel would forgive me too?" "Forgive you for what?" "I cheated on her, Dad. I slept with another woman." Ang mga salitang iyon ay lumabas mula sa lalamunan ko na parang suka. Tinignan ako ni Dad, medyo nagulat. Ilang minuto kaming natahimik bago siya muling nagsalita. "Ikakasal na kayo... bakit mo ginawa iyon? Bakit ngayon pa kung kailan ikakasal na kayo?" "Hindi ko sinasadyang mangyari iyon. It just kind of happened." Bumagsak ako sa upuan ko at minasahe ang masakit na sentido. Naisip ko na naman ang babaeng nakasama ko. Napakagandang nilalang niya, napaka-tempting. Agad-agad akong naakit sa kanya na parang magnet. Naramdaman ko ang sarili ko na parang si Adam sa hardin ng Eden na tinutukso na kainin ang ipinagbabawal na prutas. At kumain ako... "What are you planning to do? Are you going to tell her?" Tanong ni Dad. "Hindi ko pa rin alam ang gagawin, Dad. I guess, gusto ko lang mailabas 'to." "Ayaw kong pangunahan ka sa desisyon mo, Sam. Malaki ka na. Kung anuman ang maging desisyon mo at kung ano ang mangyari, alam mo na ang nanay mo at ako ay laging andito para sa'yo." Tinapik niya ako sa likod. "I trust that you'd do the right thing, son." "Promise me, Dad, wala kang pagsasabihan nito. Kahit kay Mama, lalong-lalo na kay Mama." Nagmakaawa ako. "Of course." "Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon, Dad." Frustrated akong inayos ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. "Maybe you just had a moment of cold feet. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo pero hindi naman uncommon iyon sa mga taong ikakasal na." "Sam, Nick..." Lumabas si Mama mula sa bahay at lumapit sa amin. "Yes, Babe?" "Pumasok na kayo sa loob. Kayo talaga, tama na muna yang inuman niyo." Huminto siya sa harap namin at kinuha ang mga bote na hawak namin. "Luto na ang dinner." "Come on, champ! Let's go in." Tinapik ako ni Dad at tumayo, niyakap ang bewang ni Mama. Tumango ako. "Susunod na lang ako, Dad, Ma." "Sam, hindi pinaghihintay ang pagkain." Sabi ni Mama. "Cass, hayaan mo muna ang anak natin. Maya-maya papasok din yan." Sabi ni Dad at ibinalik ang atensyon niya sa akin. Binigyan niya ako ng isang makabuluhang tango. "Basta pumasok ka agad." Sabi ni Mama. "Yeah, I'll just stay here for a bit." Nagpakawala ako ng mahaba at malalim na buntong-hininga. Nagsimula na naman akong mag-isip nang mag-isa ako. Lagi akong maingat sa mga ginagawa ko. Lagi. Noong gabing iyon, nawala lang ako sa sarili ko dahil sa kanya. Nang iwagayway niya ang kanyang balakang sa harap ko, nawalan lang ako ng kontrol. Hindi rin nakatulong ang alak. Pinikit ko ang mga mata ko at sinimulan kong balikan ang larawan niya sa isip ko, sumasayaw sa harap ko. Parang tinutukso ako ng sarili ko. Samuel Ordoñez, anong pinasok mong gulo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD