Chapter 6

1614 Words
Sachzna's POV "Saan ka galing?" Pagpasok ko sa bahay namin ay agad akong sinalubong ni Nanay at Ninang Jodie. Hindi pa man ako nakakapagpahinga mula sa mahaba at magulong gabi kagabi ay naroon na kaagad ang tensyon na alam kong hindi ko matatakasan. Kita ko agad sa mga mukha nila ang matinding pag-aalala, halatang hindi sila nakatulog sa kaiisip. "Kagabi pa ako alalang-alala sa'yo, inaanak." Lumapit sa akin si Ninang, mabilis ang mga hakbang niya na parang may hinahabol. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, para bang gusto niyang siguraduhin na ako nga ang nakikita niya sa harapan. "Nawala ka daw pagkatapos mong magsayaw. Binigay na nga lang sa akin yung sweldo mo. Saan ka ba nagpunta? Ano na ang nangyari?" Napakagat ako ng labi ko, hindi alam kung paano ko sisimulan. Mabigat ang dibdib ko, parang may tinik na gustong kumawala pero natatakot akong ilabas. "Mammy..." Nanginginig ang boses kong sabi ko. "Bakit?" Agad rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya. Halos manginig din ang mga kamay niya habang kinulong ni Nanay ang mukha ko sa mga palad niya, pinipilit akong tingnan sa mata. "Hoy, ano ba ang nangyari?" "Mammy, binigay ko na..." Mahina at halos pabulong kong sambit, para bang nahihiya akong marinig ng hangin mismo ang kasalanan kong ginawa. "Ang alin?" Tumaas ang boses niya, halos napaatras ako sa bigla ng tono niya. "Yung... yung ano ko..." Ngumuso ako sa ibabang bahagi ng katawan ko, halos hindi makatingin ng diretso. "Hindi na ko virgin." "Ano?!" Muntik nang mabasag ang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Nanay. Namutla siya at nanlaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Paanong—pinilit ka ba? Sino may gawa sa'yo nito? Ilan sila?" "My, grabe kayo ah! Isa lang, syempre! First time ko pa lang ’to. Hindi pa naman ako expert katulad niyo." Agad kong sabi, pilit na nagbibiro para maibsan ang bigat ng sitwasyon. Pero halata kong hindi iyon nakatulong. "Umayos ka nga, Sachzna! Seryoso ako! Hindi ito ang tamang panahon para sa mga biro mo!" Galit na sigaw ni Nanay, nanginginig ang boses at puno ng hinanakit. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Alam kong hindi ko matatakasan ang galit niya. "Hindi ako pinilit. Ginusto ko. Sumama ako ng kusa." Kalmado pero mabigat ang galaw ni Nanay. Tumalikod siya sandali, parang hindi alam kung anong gagawin. Nagkatinginan kami ni Ninang Jodie, parehong walang masabi. Pagbalik ni Nanay, hawak na niya ang hanger at bago pa ako makatakbo ay naramdaman ko na ang unang palo sa braso ko. "Naaaaaay! Aray, Nay! Ano ba? Masakit na yan!" Napasigaw ako habang umiwas at mabilis na tumakbo palayo. Ang hanger ay sunod-sunod na bumabagsak sa likod at hita ko. Para kaming batang naglalaro ng habulan sa loob ng maliit naming bahay, pero ang totoo, parusa ang habol niya. Patuloy siya sa paghabol, halos bali-bali na ang hanger pero ayaw pa rin tumigil. Tumalon ako sa lumang sofa namin para makaiwas. "Nay, naman eh! Masakit na nga yung sa baba ko, sinasaktan mo pa ako!" "Paanong hindi sasakit yan, eh malandi ka!" Sigaw ni Nanay, halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. "Friend, tama na! OA ka na." Pumagitna sa amin si Ninang, itinulak ang braso ni Nanay para pigilan ang isa pang palo. "Ano’ng tama na! Isa ka pang bakla ka! Akala ko ba hanggang sayaw lang, eh binugaw mo na yang anak ko." Galit na hinampas niya si Ninang sa braso. "Nay, huwag mo na idamay si Ninang. Wala siyang alam dun. It's my chosen." Muli na namang sumugod si Nanay pero mabilis na hinarang ni Ninang ang katawan niya sa akin. "Sasha, tigilan mo na yung bata." "Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo ha? Iningatan kitang gaga ka para hindi ka matulad sa akin." Nanghihinang sabi ni Nanay. Kita ko ang bigat sa mga mata niya, puno ng luha at sakit. Isinuklay niya ang mga daliri niya sa gulo-gulo niyang buhok. "Eh hindi naman po ako katulad niyo. Mayaman yung sa akin, Nay. Low class lang mga kostumer. Tignan mo nga, oh! Binayaran naman niya ako ng one hundred kyaw." Pinakita ko sa kanya ang cheke na ibinigay sa akin, umaasang kahit paano ay gagaan ang loob niya. Nanlaki ang mga mata ni Nanay at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinuha niya ang papel, saka biglang isinampal iyon sa pisngi ko. Napahawak ako agad sa mukha ko. "Aray naman, Nay! Nabasag yata hearing drums ko!" "Tanga ka talaga! Paano ka nakakasigurong totoong cheke nga itong ibinigay sa'yo? Minsan, Sachzna, hindi ka talaga nag-iisip. Dapat pera ang tinanggap mo, hindi papel! Pera!" Sigaw niya, nanginginig sa galit at takot. "Akin na nga. Patingin!" Kinuha ni Ninang ang cheke mula kay Nanay. Sinipat niya ito, pinakiramdaman ang papel, tiningnan ang pirma. "Eh mukha namang totoo ito. Di bale, sasamahan kitang pumunta sa bangko mamaya. Papalit natin ’to." "Ikaw, bakla ka, ikaw may kasalanan nito eh! Sabi ko sa'yo ingatan mo ang anak ko." Naiiyak na sabi ni Nanay. "Tignan mo ang nangyari!" Napakagat ako sa pang-ibabang labi at lumapit kay Nanay. Kahit anong hirap ang pinagdaanan namin noon, hindi siya nagpakita ng kahinaan sa amin. Ngayon ko lang siya nakitang gumuho sa harapan ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Huwag ka na magdrama. Na-ano lang ako, hindi naman ako namatay." "Sinira mo ang pangarap ko sa'yo. Gusto kong makapang-asawa ka ng mayaman tapos ngayon... ngayon magiging katulad ko lang ikaw." Basag ang boses niyang sabi. "Nay, hindi ko naman kailangan makapang-asawa ng mayaman. Gusto ko lang makatulong sa inyo. Gusto kong mapag-college si Ismé at Tsuki. Gusto ko silang mabigyan ng magandang kinabukasan. Kahit sila na lang, huwag na ako." Pagkagaling namin sa bangko ay dumiretso kami ni Ninang sa grocery para bumili ng pagkain at mga baon ng bata. Tuwang-tuwa ako nang mapalitan ang cheke ng totoong pera. Ramdam ko ang bigat ng perang hawak ko, parang lahat ng pagod at sakit na dinanas ko kagabi ay nagkaroon ng kapalit. Mapapagawa na namin ang sirang kisame, mabibili ko na sina Tsuki at Ismé ng bagong uniporme sa eskwelahan. At higit sa lahat, matutupad ko na rin ang matagal nang pangarap ni Tsuki na magkaroon ng iPhone. "Ninang, ngayon lang ako nakabili ng ganito karaming grocery. Magugulat sina Ismé at Tsuki nito pag-uwi nila." Sabi ko habang nakasakay kami sa trike pauwi, halos hindi magkasya ang mga bitbit naming supot. "Ano bang nangyari kagabi, Sachzna?" Seryosong tanong ni Ninang, nakatingin sa akin na parang gusto niyang hukayin ang buong katotohanan. "Yun nga... Sumama ako tapos nangyari na." "Inofferan ka?" Umiling ako. "Wala kaming napag-usapan bago yun, basta nangyari na lang. Nakainom din kasi ako." "Bakit ka sumama? Gwapo ba?" Dahan-dahan akong tumango. "Hay nako, anak ka talaga ni Sasha." Natatawang sabi niya. "Kumusta naman ang first time mo? Na-enjoy mo naman?" "Konti... masakit eh." "Malaki ba?" Humagikgik si Ninang. Bigla kong naalala si Sam—ang mala-ginto nitong buhok, ang katawan nitong parang inukit ng pinakamagaling na iskultor. Naalala ko ang mga hawak niya, ang mga halik na iniwan niya sa katawan ko, at ang mga bagong sensasyong sa kanya ko lang naranasan. Hinawakan niya ang baywang ko at napaigik ako nang maramdaman ang kirot sa p********e ko. Mahigpit akong napakapit sa braso niya, mariin na napapikit. Kumawala ang impit na daing mula sa labi ko. Halos maiyak na ako dahil pakiramdam ko hinahati ang katawan ko. Narinig ko ang malalim na pag-ungol niya sa tainga ko habang ipinapasok niya ang sarili niya sa akin. "You're so tight... so small..." "Masakit..." Naramdaman kong tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Shh... I'll be gentle." Bulong niya sa akin. "Hindi ka na nakasagot diyan." Mahinang siniko ako ni Ninang at napabalik ako mula sa malalim na alaala. "Si Ninang talaga... yung mga tanong mo kasi..." Natatawa kong sabi, tinatago ang totoo kong iniisip. Pagkaraan ng ilang sandali ay huminto ang trike sa harap ng bahay namin. Nagkataon na nakaupo sa labas ang mga inggitera at chismosa naming kapitbahay. Habang ipinapasok namin ang mga napamili, narinig ko ang bulungan nila. Nang-aasar na nginitian ko na lang sila. "Ate!" Tumatakbong lumapit sina Tsuki at Ismé sa amin, nakauniporme pa dahil kagagaling lang nila sa eskwela. "Ano yan mga yan, Ate? Sa atin ba yan?" Tanong ni Ismé, nangingislap ang mga mata. "Oo, binili ko yung paborito niyong mga pagkain at bumili na rin ako ng mga baon niyo. Saka mamaya hindi na galunggong ang ulam natin, bumili ako ng spam. Di ba gusto niyo yun?" "Hay salamat! Akala ko tutubuan na ako ng kaliskis kakaisda natin." Sabi ni Tsuki, natawa kami lahat. "Saka yung sinasabi mong iPhone, bilhin mo na." Nakangiting sabi ko. "Talaga, Ate?" Gulat at masayang sigaw ni Tsuki. "Oo, ipinangako ko sa'yo yun eh." "Thank you, Ate!" Niyakap ako ni Tsuki nang mahigpit. "The best ka talaga!" "Aba! Umaasenso na si Sachzna." Narinig kong sabi ng isang kapitbahay habang nakatingin sa amin. "Eh paanong hindi aasenso yan, eh ang dali-dali lang ng trabaho niya. Bubukaka lang siya, may pera na." Natatawang sabi ng isa, yung nakaaway ko na dati. "Kung ano talaga ang puno, iyon din ang bunga. Di bale nang maghirap kami pero hindi ko ibebenta ang sarili ko." Sabi ng isa pa, may halong yabang at pangmamaliit. Kumawala ako sa yakap ni Tsuki at hinarap sila. "Wala naman kasing bibili kahit mag-50% sale ka pa! Tse! Mamatay kayo sa inggit!" "Halika na, Tsuki, Ismé! Pumasok na tayo at lutuin na natin yung spam natin. Nang makalanghap man lang ang mga chismosang ’yan ng imported na pagkain." Nagmartsa ako papasok ng bahay, taas-noo, bitbit ang bigat ng aking pinili—at ang perang magbibigay ng kinabukasan sa pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD