Chapter 5

1159 Words
Samuel's POV Hindi ko pa rin matanggap ang nagawa ko kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang alaala, parang paulit-ulit akong hinahataw ng matigas na bagay sa ulo—at bawat balik, mas lalong lumalalim ang sugat sa konsensya ko. Nakipag-s*x ako sa ibang babae—hindi sa fiancée ko. Nangaliwa ako. At yung salitang cheated lang, parang lason na tumutulo sa bibig ko, sinusunog ako sa tuwing inuulit-ulit ng utak ko. Paano ko haharapin si Hazel matapos ang kagaguhan kong ‘yon? Ngayon ko pa ginawa, kung kailan ilang buwan na lang kasal na kami. Of all times na mawalan ako ng kontrol, of all nights na bumigay ako sa libog ko, bakit pa ngayon? Tangina, ito na yata ang pinakabobong nagawa ko sa buong buhay ko. Ang tanga ko. Si Hazel, she was the perfect girl para sa’kin—hindi, para sa lahat. She was perfect, period. Pareho kami ng goals, ng dreams, ng values. Kapag tumitingin kami sa future, iisa lang ang nakikita namin—and that was rare. She was beautiful, inside and out. Sophisticated pero grounded. Matalino pero hindi mayabang. Mabait, patient, yung tipong tinitingala ng ibang babae, yung ginagawang role model ng iba. She was everything good rolled into one person. At sinira ko lahat. Just because hindi ko nakontrol sarili ko. Just because mahina ako. “Hey, love,” bulong ni Hazel sa tenga ko, pinuputol bigla ang mabigat kong iniisip. Niyakap niya ako mula sa likod, yung init ng braso niya nakapalibot sa bewang ko, comfort na sobrang familiar sa’kin. Nilingon ko siya sandali, andun yung ngiti niya—yung mga mata niyang laging kumikislap. “How was the party last night? Nag-enjoy ka ba?” tanong niya, malambing yung tono, medyo teasing pa, parang inaasahan niyang may ikukwento ako. Napalunok ako. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, parang puno ng buhangin. Ang bigat ng dila ko, ang lagkit ng bibig ko. “Not really. I… umuwi ako nang maaga. Hindi ko tinapos yung party.” Mas lalo siyang ngumiti, ang gaan, walang halong duda. Hinaplos pa niya buhok ko, parang aso lang na pinu-pet. “Have you been a good boy?” biro niya, sabay tawa ng malambing. “Y-yeah…” Hindi ko magawang tumingin diretso sa kanya. Natatakot. Natatakot na makita niya sa mga mata ko yung guilt. Natatakot na mabasa niya sa mukha ko yung pagtataksil. Natatakot na maamoy niya sa balat ko yung bahid ng kasalanan. “Alam ko naman na magiging good boy ka kahit wala ako,” tawa ulit niya, sabay kiss sa lips ko. Hinigpitan pa niya ang yakap niya, isinandal ang ulo niya sa dibdib ko na parang ako ang safe place niya. “Ilang buwan na lang kasal na tayo. I can’t wait na maging Mrs. Hazel Belarmino-Ordoñez.” Yung mga salitang ‘yon, parang kutsilyo na bumaon sa dibdib ko. Mrs. Hazel Ordoñez. Ang future wife ko. Yung babaeng dapat pinoprotektahan ko, pinararangalan, minamahal ng buong puso. Pero nilapastangan ko na siya bago pa man magsimula ang lahat. Huminga ako nang malalim, sinusubukang bawasan kahit konti yung bigat sa dibdib, pero ayaw bumitaw. Ang totoo, wala siyang kaalam-alam na kagabi, habang nagtitiwala siya sa’kin, habang buo ang paniniwala niyang akin siya, nasa kama ako ng ibang babae. Pwede ko sanang isisi sa alak. Sabihin ko na lang na lasing ako, hindi ko alam ginagawa ko, na booze lang ang nagdesisyon para sa’kin. Pero bullshit ‘yon. Hindi mabubura ng alak ang totoo—na naging manloloko ako. Ang dami ko nang beses nalasing dati, pero ni minsan, hindi ko siya niloko. Hindi ko siya nilapastangan. Hanggang kagabi. “Sam…” tawag niya ulit, malumanay, parang may hinahanap sa mga mata ko. “Mm?” sagot ko, mababa ang boses, nagtatago. “Hindi ka ba excited sa kasal natin?” “I am,” sagot ko agad, masyadong mabilis, masyadong flat. “Eh bakit parang ang tahimik mo d’yan?” Naka-pout na siya, parang batang nang-aasar. “I just… don’t know what to say,” sagot ko, halos pumutol yung boses ko. Paano nga ba ako magsasalita tungkol sa excitement sa kasal kung ang laman ng isip ko, puro guilt? “Then just kiss me,” sabi niya, nagpa-cute pa ng lips, gaya ng lagi niyang ginagawa kapag gusto niya ng lambing. Lumapit ako at binigyan siya ng isang mabilis na peck sa labi—mababaw, walang laman. “Yun lang?” tawa niya, parang natatawa sa kakuriputan ko. Hinawakan niya mukha ko, kinulong sa malalambot niyang palad, at siya pa ang humila para mas mapatagal yung halik. Familiar yung lambing, yung warmth, yung love… pero inalis ko agad after three seconds. Hindi ko kaya. Ang lakas ng konsensya ko, sigaw nang sigaw na wala akong karapatang malasahan ulit yung labi niya matapos kong halikan ang labi ng iba. “Hey…” Kunot-noo na siya, halatang nag-aalala. “May problema ba?” “Nothing…” Umiling ako agad, pilit ngiti, pero alam kong hindi abot sa mata ko. “Hangover lang siguro.” Huminga siya nang malalim, inayos ang buhok ko gamit ang kamay niya, sobrang gentle. “Dapat hindi ka na pumasok sa office. Dapat nagpahinga ka na lang.” “It’s alright. Nasa vacation sina Dad at Ma. Ako muna kailangan dito.” Automatic yung tono, parang rehearsed na palusot. “Do you want a massage?” tanong niya, daliri niya dumiretso sa noo ko, gumagawa ng maliliit na bilog. “Does this feel good?” “Yeah.” Pumikit ako, huminga nang malalim. Sandali lang, nakaramdam ako ng konting ginhawa. Pero pagkasara ng mata ko, biglang bumalik ang mukha ng babae kagabi. Yung labi niya. Yung tingin niya. Yung pag-iyak niya pagkatapos. Nanginig sikmura ko. Parang ayaw ako patahimikin ng utak ko. Yung konsensya ko, yung guilt ko, gusto akong durugin. Gusto akong parusahan. “Hazel?” bulong ko, halos mabasag ang boses. “Yes, love?” sagot niya, sobrang lambing pa rin, habang minamasahe ako. “I love you.” Bumagsak yung mga salita, parang huling hininga, desperado. Para bang kung uulitin ko lang, mababawasan bigat sa dibdib ko. Para bang kaya niyang burahin yung kasalanang kumukulong sa kaluluwa ko. Pero hindi. Wala talagang nagbago. “I love you too, Sam. I’ll love you no matter what,” sagot niya, nakangiti, tapat na tapat. At mas lalo akong nadurog. No matter what. Totoo sa kanya bawat salita. Mahal niya ako nang buo, walang tanong, walang kondisyon. At hindi ko deserve lahat ng ‘yon. Ang bigat ng dibdib ko, halos hindi ako makahinga. Sigaw ng utak ko: Mag-confess ka na. Sabihin mo na. Bago pa lumala. Pero mas malakas ang takot ko. Takot na mawala siya, takot makita yung galit at pagkadismaya sa mata niya. Kaya nanatiling nakatali ang dila ko. Kaya niyakap ko na lang siya pabalik, tahimik, nagtatago. Umaasang somehow, mawawala rin tong bangungot. Pero alam ko ang katotohanan—yung nagawa ko, hindi na mabubura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD