Sachzna's POV
Malamig na hangin ang humaplos sa balat ko at unti-unting gumising sa akin. Para bang may mga mumunting karayom na tumatagos sa bawat hibla ng balat ko. Hinatak ko ang kumot at ipinulupot iyon nang mahigpit sa katawan ko, umaasang mababawasan ang ginaw. Pero kahit anong balot ko, parang dumadaan lang ang lamig sa tela. Ber month na kasi ngayon, at siguro kaya nagsisimula nang maging marahas ang hampas ng simoy.
“Tsuki, hinaan mo naman yung electric fan…” paos kong bulong, halos hindi pa maalis ang antok sa boses ko. Umaasa ako na maririnig ako ng kapatid ko. Subalit ilang segundo ang lumipas, wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Mabigat ang mga talukap ng mata ko ngunit pinilit kong idilat ang mga iyon, para lang hanapin siya.
At doon ko agad napansin—hindi ako nasa kwarto namin ni Tsuki. Hindi ito ang manipis at medyo matigas naming foam na laging may lumulundo sa gitna. Hindi rin ito ang maliit na kwarto na may nakapaskil na poster ni Sachzna sa dingding. Imposibleng sa amin ito. Ang higaan ay napakalambot, parang niyayakap ng ulap ang buong katawan ko. May flat screen TV sa tapat ng kama, may aircon na humuhuni sa gilid, at malawak ang espasyo—malayo sa sikip ng kwarto namin.
Parang may pumitik sa utak ko. Napabalikwas ako ng bangon, tuluyang nawala ang antok, pati ang mabigat na sakit ng ulo at katawan ay natabunan ng matinding pagkabigla. Napasinghap ako nang bumaba ang kumot na nakapulupot sa baywang ko, at doon tumambad ang hubad kong katawan. Agad kong hinatak ulit ang kumot at tinakip sa dibdib at tiyan ko, nanginginig ang mga daliri habang ginagawa iyon.
Doon ko rin naramdaman ang bahagyang pag-alon ng kama mula sa gilid ko. Hindi ako nag-iisa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, para bang gusto nitong kumawala at malaglag sa talampakan ko. Mabigat ang bawat segundo habang dahan-dahan kong iniikot ang ulo ko.
Nakita ko siya—nakatalikod, ngunit hindi ko kailanman malilito ang matipunong likod na iyon, at higit sa lahat, ang mala-gintong buhok na kumikislap sa ilaw ng lampshade. Siya. Siya ang lalaki kagabi sa party, ang lalaking sinayawan ko.
Parang gumuho ang buong mundo ko. Naramdaman ko ang mabilis na pag-angat at pagbagsak ng dibdib ko, dahil sa kabog ng puso kong wala nang rhythm. Napuno ng luha ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang kumawala, dumaloy sa pisngi ko at humalo sa basang hininga ko. Ni hindi ko napigilan—naging hikbi, at maya-maya ay naging hagulgol. Niyakap ko ang mga hita ko at isinubsob ang mukha ko roon, parang bata na walang ibang pwedeng sandalan.
“The hell?” isang pamilyar na boses ang sumingit sa pagitan ng mga iyak ko. Napatigil ako saglit, at dahan-dahang nag-angat ng tingin.
Siya na. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatingin nang diretso sa akin, gulat na gulat, para bang hindi rin makapaniwala sa nakikita niya. Nanlaki ang mga mata niya at muntik pang mabitawan ang kumot na nakabalot sa ibabang katawan niya.
“What are you doing here? Did we… s**t!” Napasabunot siya sa buhok niya, hinila iyon na parang gusto niyang gisingin ang sarili mula sa isang bangungot. “No, no… this can’t possibly be!”
Lalong sumidhi ang hagulgol ko, parang may bumara sa lalamunan ko at wala nang ibang paraan kundi umiyak nang malakas. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko, hiyang-hiya, galit, at wasak.
“Hey, shh… stop crying.” May halong pakiusap at pagkataranta ang tinig niya.
Ramdam ko ang paghaplos ng palad niya sa balikat ko. Agad akong umigtad, umatras palayo sa kanya na parang napaso.
“Don’t touch me, not!” galit kong sigaw, halos pumutok ang lalamunan ko.
“Miss, please… stop crying. Someone might hear you.” Nagmamadali at balisa ang boses niya. Ngunit muli niyang sinubukan akong abutin, hawakan ang braso ko.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa mukha niya. Napaigtad siya, napahawak sa panga, nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin.
“I’m tell you no, you do, now look at!” nanginginig kong sabi habang patuloy ang pag-iyak.
“You’re crazy.” Umiling siya, halatang hindi makapaniwala.
“f**k you! What you do to me, ha?” halos pasigaw na sabi ko, puno ng hinanakit.
“What did I do? You mean, what did we do?” May halong inis ang tono niya. “Don’t make it seem like I forced myself on you. Pareho natin ‘tong ginusto!”
Parang tinuhog ng apoy ang dibdib ko. “Nagtatagalog ka pala! Pinahirapan mo pa ‘ko, pakshet ka.” Mabilis kong pinahid ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko. “Hayop ka, pag nalaman ‘to ng Nanay ko, ipapapatay ka niya sa mga adik naming kapitbahay.”
“Baka mauna pa akong ipapatay ng fiancée ko kapag nalaman niya ‘to.” Napatungo siya, bumagsak ang mga balikat. “God, what have I gotten myself into? This was a mistake, Miss. We were both drunk last night. I’m sorry…”
“Ganun na lang yon? Pagkatapos ng nangyari? Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang virginity ko?”
Natigilan siya, nag-angat ng tingin. “You were a virgin?”
“Oo! Virgin ako from head, shoulder, knee and toes!” halos pasigaw kong sagot, nanginginig pa rin ang tinig ko. “Tapos mawawala lang ng ganon-ganon?”
“But you’re a stripper…” mahina niyang bulong, parang hindi tugma sa iniisip niya.
“Bakit? Porke ba nagsasayaw ako, hindi na ako virgin? Hindi ako katulad ng iniisip mo!” mariin kong sagot, halos mabasag ang boses ko.
Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “Sabihin mo na lang sa akin kung ano’ng gusto mong gawin ko. ‘Cause I sure as hell can’t give your virginity back to you.”
Natigilan ako. Para akong nahulog sa malalim na hukay ng katahimikan. Ang mga luha ko’y natuyo, pero ang puso ko ay dumadagundong pa rin.
“Bayaran mo ako,” mahinang bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili ko. “And I will forget it about it.”
“Of course. I’ll pay you. Walang problema sa akin ‘yun.”
Tumayo ako, bitbit ang kumot, at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang shower, at agad bumagsak ang maligamgam na tubig sa balat ko. Sa unang pagkakataon mula kagabi, kahit paano, naginhawaan ako. Ngunit habang dumadaloy ang tubig, ramdam ko rin ang hapdi, lalo na sa pagitan ng hita ko, pati ang mga mapupulang marka sa dibdib at tiyan ko. Lahat ng iyon ay bakas ng nangyari kagabi.
Pinikit ko ang mga mata ko, pilit inaalis sa isip ang mga eksena. Ngunit pilit silang bumabalik—ang huling sayaw ko sa VIP room, ang pagbuhat niya sa roba ko para ipatong sa katawan ko, ang pag-alalay niya sa akin palabas habang nahihilo na ako. Ang mga halakhak ko na wala sa lugar. Ang mga halik. At pagkatapos, blangko na. Tanging malalabong imahe na lang ng mga katawan naming naglalapat ang natatandaan ko.
Gusto kong hugasan ang sarili ko hanggang sa mawala ang lahat ng bakas niya—amoy, halik, haplos. Ngunit kahit ilang sabon, kahit ilang buhos ng tubig, pakiramdam ko nananatili pa rin siya sa balat ko.
Dalawampu’t tatlong taon kong iningatan ang sarili ko. Hindi ako nagpaligaw, hindi ako nagboyfriend. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, para sa tamang tao ko lang ibibigay ang sarili ko. At ngayon, nawala lahat sa isang iglap.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at humugot ng malalim na hininga bago lumabas.
Nandoon pa rin siya sa kama—nakasandal sa ulunan, walang saplot, tanging puting kumot lang ang nakatabing sa katawan niya. Nakatingin siya sa kobre kama, lalo na sa isang bahagi. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita ang pulang mantsa.
“You really were a virgin,” mahina niyang sambit.
“Bakit? Akala mo ba nagsisinungaling ako?” galit ang tono ko.
“Yes…” pag-amin niya, sabay angat ng tingin sa akin.
“I’m sorry. This shouldn’t have happened.”
Bumaba ang ulo ko, iniwas ang mata. “Tapos na ‘yon. Nangyari na. Wala na akong magagawa.”
“How much do you need?” tanong niya, diretso, parang gusto nang tapusin ang lahat.
Nilaro ko ang mga daliri ko sa harap ko, nag-isip. “Fifty thousand.”
“Okay…” Tumango siya, saka kinuha ang isang mahabang papel mula sa drawer ng cabinet sa tabi ng kama. May isinulat siya roon, mabilis, tapos iniabot iyon sa akin.
Cheke. Nanlaki ang mga mata ko sa halagang nakasulat—isang daang libong piso. Hindi pa ako nakahawak ng ganito kalaki sa buong buhay ko. Sa carinderia na tinutulungan ko, swerte na kung makaisang daan ako sa isang araw.
“S-salamat,” bulong ko, halos hindi ko maitaas ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya, dahil sa sarili ko pa lang, sobra na ang bigat ng hiya. Nang tanggapin ko ang perang iyon, para akong tinatakan. Katulad na ako ng kinatatakutan kong maging—isang puta. Bayaran.