Chapter 3

1524 Words
Sachzna's POV "O, Sachzna! Basta, huwag mong kalimutan yung mga tinuro ko sa’yo na steps. Daanin mo na lang sa kembot pag nakalimutan mo." Mahinang bulong ni Ninang Jodie habang nasa dressing room kami. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko na parang kulog sa loob ng maliit na kwarto. Nakaupo ako sa harap ng salamin, pinipinturahan niya ng pulang lipstick ang labi ko. Habang minemeyk-upan niya ako, pakiramdam ko unti-unting nawawala ang tunay kong mukha. Parang bawat pahid ng foundation at bawat guhit ng eyeliner ay isa ring pahid ng maskara—maskara na kailangan kong isuot ngayong gabi para mabuhay. Naglabas ako ng yosi mula sa bulsa ng lumang jacket ko at agad na sinindihan iyon. Hinihithit ko ng malalim, sinusubukang ipakalma ang sarili ko. Bawat hithit at buga ng usok ay parang pagsubok na ilabas lahat ng kaba, pero kahit naubos ko na ang stick, nananatiling magulo ang dibdib ko. Hindi sapat ang nikotina para pakalmahin ang kaluluwa ko. "Ninang, kinakabahan ako," mahina kong pag-amin, halos pabulong. Kumindat siya sa akin habang inaayos ang buhok ko gamit ang suklay. "Kaya mo ’yan, inaanak. Mababaliw sila sa beauty mo, tignan mo." Sabay hila sa buhok ko at ikinabit iyon ng maayos sa likod, parang bride na iaakyat sa altar—pero ibang klaseng altar ang haharapin ko ngayong gabi. "Teka, sandali. Kukuha kita ng pangparelax," dagdag niya, sabay tayo at lakad palabas. "Magbihis ka na ha. Magsisimula na ang party." Tumango lang ako, kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko. Pagkaalis niya, kinuha ko ang dalawang pirasong telang iniwan niya—puting lace bra at thong. Para akong hinubaran ng dignidad sa mismong oras na sinuot ko iyon. Halos wala nang maitago sa katawan ko. Ang bra, manipis at lace lang kaya litaw na litaw ang hubog ng dibdib ko. Ang thong naman, makapal lang sa harap pero halos walang natira sa likod, kaya ramdam ko ang bawat kembot ng balat ko. Humarap ako sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang nakikita ko. Ang mukha ko, halos natabunan ng kapal ng makeup. Ang mga mata ko, puno ng pilik na itim at nakabalot ng shimmering na kulay pilak. Labi kong pula, parang mansanas. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, naroon pa rin ako—si Sachzna—pilit kumakawala. Ngayong gabi, kailangan kong hubarin ang pagkatao ko. Kailangan kong kalimutan ang tunay kong sarili, kalimutan ang mga pangarap ko, kalimutan ang batang minsang nangarap maging teacher, doktor, o abogada. Kailangan kong magpanggap bilang isang buhay na pantasya ng mga lalaking magbabayad para sa ilusyon. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko inakalang darating ang araw na gagawin ko ito. Noon, habang naglalaro ako sa kalye, tinutukso ako ng mga kalaro ko. "Anak ng puta!" sigaw nila. Madalas kong marinig ang mga magulang nila, pabulong pero sapat para marinig ko: "Layuan mo ’yang batang ’yan, anak ng kaladkarin ang nanay niyan." Para bang may ketong ako, para bang kasalanan kong ipanganak ako kay Nanay. Ipinangako ko noon sa sarili ko na hinding-hindi ako magiging katulad ni Nanay. Sisikapin kong makapagtapos, makahanap ng marangal na trabaho, at maiahon siya pati sina Tsuki at Ismé. Pero ayun—sinampal ako ng realidad. Wala kaming pera. Hindi niya ako kayang ipasok sa kolehiyo. Kaya imbes na libro at eskwela, trabaho at raket ang pinasok ko. Minsan may swerte—konting modeling para sa produkto, konting pa-picture para sa mga leaflet. Pero hindi sapat. Hindi kailanman sapat para sa amin apat. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room. Agad akong napayakap sa sarili ko. Isang lalaking payat ang pumasok, may nakakawit na bag sa braso at may pamaypay sa isang kamay. Mapula ang labi, makapal ang kilay, at agad akong sinipat mula ulo hanggang paa. "Are you the dancer Jodie brought?" taas-kilay niyang tanong. Dancer at Jodie lang ang naintindihan ko, kaya tumango na lang ako. Tinitigan niya akong mabuti, para bang pinipisil ng mga mata niya ang buong katawan ko. "Jodie made the perfect choice. You're very beautiful." "Thank you po," sagot ko, mahina, parang nahihiya. "Where is Jodie anyway?" tanong niya, sabay lingon sa paligid. "He… she, uh, passed away," sagot ko, nag-aalangan. Nanlaki ang mga mata ng bakla at napahawak sa dibdib. "What? Kakakausap ko lang sa kanya noong isang araw? Kailan pa siya namatay?" "Ano pong namatay? Lumabas lang po siya," mabilis kong sabi. Napahawak siya sa sentido, sabay paypay nang malakas. "Naku! Pasalamat ka maganda ka at walang IQ test dito." Sakto namang bumukas ulit ang pinto at bumungad si Ninang, may hawak na bote ng alak. "Mare!" sabay sigaw ng bakla, at nagtilian sila, beso sa magkabilang pisngi na parang ilang taon na hindi nagkita. "Long time no see, mare," sabi ni Ninang Jodie. Pagkatapos ay itinuro ako. "Ito nga pala yung inaanak ko. Maganda, hindi ba?" "Oo, maganda," sagot ng bakla. "Pero mare, huwag mong pagsasalitain. Kung anu-anong sinasabi. Sabi ba naman sa akin you passed away! Yun pala lumabas ka lang. Nakakaloka siya, mare." Natawa si Ninang. "Alam ko naman na hindi kagalingan sa English ’tong inaanak ko pero matalino ’to." "I'm only human nature," sabat ko agad, pagtatanggol sa sarili. Nasanay na ako—lagi ’yun ang advice ni Mammy tuwing sumasali ako sa mga beauty contest noon. Kahit magkamali, basta sumagot. Tao lang. "Ewan ko sa’yo," irap ng bakla. "Huwag ka na lang magsasalita. Okay na yung nakikita ka na lang." Bumaling siya kay Ninang. "Hoy, mare! Ito ba yung sinasabi mong magsasayaw?" "Oo, siya nga," sagot ni Ninang. "Baka mapahiya ako d’yan. Mga high-end ang kliyente ko," sagot ng bakla, medyo nag-aalinlangan. Agad kumuha si Ninang ng baso at nilagyan iyon ng malinaw na alak mula sa bote. Inabot niya sa akin. "O, uminom ka muna. Mawawala yang kaba mo." Inamoy ko, at napa-ngiwi. "Ninang, ano ba ’tong pinaiinom mo sa akin?" "Vodka yan. Dali na, inumin mo. Magsisimula na ang show." Wala na akong nagawa kundi lagukin iyon. Para akong sinunog sa loob. Gumuhit mula lalamunan pababa sa tiyan ko ang tapang ng alak. Napangiwi ako, pero pinilit kong ubusin. "Okay ka na?" tanong ni Ninang. Tumango lang ako. "Mare, ikaw na ang bahala sa inaanak ko. Basta hanggang sayaw lang yan. Hindi pwedeng i-take out. Papatayin ako ni Sasha kapag may nangyari d’yan," bilin ni Ninang. "Huwag kang mag-alala, mare. Ako na ang bahala dito," sagot ng bakla. "Sachzna, halika dito. Aayusan ulit kita," utos ni Ninang. Inabot niya ang puting robe, sinuot ko iyon. Nilagyan niya ako ng bridal veil sa ulo, stockings, at puting heels. Hinalikan niya pa ako sa noo bago niya ako iniabot sa bakla. "Mag-iingat ka ha. Kapag may nangbastos, tawag ka agad ng security." Lumabas kami sa dressing room. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, pakiramdam ko umiikot ang paligid. Hindi ko alam kung alak o kaba. "Sachzna, right?" tanong ng bakla. "Opo," sagot ko. "You're beautiful, I know you already know that, but beauty isn’t enough to woo those men. Maraming maganda sa paligid nila. Make your show exceptional, okay?" Tumango ako. Walang hindi ko gagawin para kina Mammy, Tsuki, at Ismé. Kung kailangan kong magtumbling at magsplit sa harap ng mga mayaman, gagawin ko. Basta hindi na sila magutom. Basta hindi na sila mapahiya tulad ko. Huminto kami sa dulo ng pasilyo. Malaking itim na pintong gawa sa leather, may pulang ilaw na tatlong letra: VIP. Inayos ng bakla ang belo ko. "O, ayan. Ready ka na ba?" "Ready na," sabi ko, kahit nanginginig ang boses ko. Binuksan niya ang pinto. Sumalubong sa akin ang ingay ng stereo, ilaw na patay-sindi, at dilim. Para itong cabaret pero mas mamahalin. Mga ilaw na kumikislap, halong sigaw ng lalaki at tugtog ng musika. Hinawi ko ang pulang kurtina at nakita ang mga kalalakihan. Nakaupo sila, may hawak na baso ng alak, tawanan, hiyawan. May mga babaeng halos hubad din na nagseserve ng alak. Umakyat ako sa stage. Hiyawan agad ang sumabog. Nagsimulang gumiling ang katawan ko, sinabayan ang tugtog. Hinubad ko ang robe at hinayaan kong mahulog. Mas malakas ang hiyawan. Hinawakan ko ang poste, sumayaw, umikot—pole dancing. Pero sa gitna ng dilim at sigawan, isa lang ang pumukaw sa akin. Lalaki. Tahimik lang, nakaupo, nakatitig. Hindi tulad ng iba. Tumama ang ilaw sa mukha niya—matangos ang ilong, malamlam ang mga mata. Uminom mula sa baso, pero hindi inaalis ang tingin sa akin. Parang siya lang ang nanonood. Kaya ako, sa kanya lang nagsayaw. Hanggang may lumapit at inalalayan akong bumaba. Iniharap ako sa kanya. "Here comes the bride, all dressed in white..." sigaw ng mga kaibigan niya. "Will you dance for him, please?" tanong ng isa. "Come on, man. I'm getting married," sagot niya, umiiling. Ikakasal na pala siya. May kumurot sa dibdib ko. "We're here to have fun. Sulitin mo na habang binata ka pa," biro ng isa. At doon ko nahanap ang lakas. Sumayaw ako sa harap niya. Lumapit, umikot, dumapo sa kandungan niya. Mainit ang tingin niya, nakapaso. Hinaplos niya baywang ko. Napakapit ako sa balikat niya. Nagkatinginan kami. Ang mga mata niya, parang humihigop. At doon ko naramdaman—parang may kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD