Chapter- 2

1749 Words
CHAPTER 2 France Christine Mondragon POV “Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of life, ladies and gentlemen, our debutant, FRANCE CHRISTINE MONDRAGON!” Dahan dahan akong bumaba sa hagdan mula sa treace namin sa second floor na connected sa aming garden. I never got to see all the preparation that my Mommy did this afternoon kasi nga number one: wala naman akong hilig sa parties so hindi talaga ako particular sa outcome, number two: Halos buong araw akong inayusan nung professional stylist and make up artist ni Mommy, and number three: si Aaron lang talaga ang tumatakbo sa isipan ko buong araw. But as I paused for a while to get ready for my grand entrance, napatingin ako sa paligid and this whole place almost took my breath away. Napakaraming ilaw sa aming garden at napakaganda ng mga bulaklak. I am in awe of my mother's talent and creation talaga. I know for a fact na she prepared and planned for all of this personally. "Ms. France, let's go?" The on the day coordinator reminded me. She's here by my side to assist me as I go down. "Oh, yes please." Habang pababa ako ng hagdan, my eyes were searching the crowd. I am only interested in how Aaron would react to how I look. And there he was, so dashing and handsome. Sa lahat nang kaibigan ni Kuya, si Aaron ang pinaka paborito ko kasi he treats me so sweetly. Hindi lang dahil napaka gwapo nito bagkus dahil ito rin ang pinaka-maalaga sa sa akin. Our eyes locked. My hands are becoming sweaty dahil sa kaba. My heart is beating wildly at the sight of Aaron. Nakita ko sa mga mata ni Aaron ang paghanga sa akin. Kulang na lang mapanganga siya habang nakatitig sakin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-gala nang mata nito sa aking katawan. Nagulat siguro siya na dalaga na talaga ako because this is the first time that he got to glimpse at my curves. Hindi naman sa nagmamagaling, pero kahit maliit ako, hindi flat ang boobs ko, my waist is slim and my hips are bigger and rounder than the other girls my age. “Oh my goshhhh! Stop me!” biglang tili ni Addie sa gilid. Sabi ko na nga ba, sisigaw sa kilig tong si Addie kapag nakita na ako eh. Napangiti ako at kinindatan ko siya. Sa sobrang close namin, tinginan pa lang ay nagkakaintindihan na kami. The master of the ceremony continued with the program that they had prepared for my party. “Like a pretty flower that attracts bees and butterflies, France Christine will be surrounded by 18 equally handsome gentlemen who will represent the debutant’s 18 carnations. This flower equates to the traditional 18 roses during debuts. For a quick trivia, carnation is France’s favorite flower.” My first dance was with my Daddy. “Oh, Dad, bakit parang naiiyak ka?” panunukso ko kay Daddy. “Kasi my baby girl is now a grown up woman,” naluluha na tugon ni Daddy. Nagpatuloy ang pag sayaw ko sa iba’t ibang gentlemen. Halos lahat ng kasama sa 18 roses ko ay ang mga barkada ni Kuya Matt at ilang mga pinsan ko. Si Aaron ang second to the last na kasayaw ko. Nang papalapit na si Aaron upang kunin ang aking kamay, bigla na naman lumakas ang t***k nang puso ko. I am so nervous and my hands are getting sweaty again. “Hi Princess. Happy Birthday,” nakangiting bati ni Aaron sa akin. Parang malalagutan ako nang hininga sa sobrang kilig. Jusko lord. Bakit napaka gwapo niya naman ngayon? Nakatitig lamang ako sa gwapong mukha nito. Sa sobrang kaba ko, parang nalunok ko na ang dila ko. He placed his hands on my waist and that brought shivers to my whole body. Uminit bigla ang katawan ko at paniguradong sorang pula ko ngayon. “Why are you blushing, Princess? It’s just me, your Kuya Aaron” bigla naman akong nataohan sa sinabi nito. I hate it when he says that he is my Kuya dahil ni minsan ay hindi naging parang kapatid lang ang nararamdaman ko kanya. “Of course not, I am not blushing!” “No, you are,” panunukso pa nito sa akin. Hmmmp! Kung alam niya lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Na memsmerize na naman ako sa mga ngiti nito. Pero biglang nag iba ang titig ni Aaron sa akin. “When did you turn into this beautiful lady, France,” sabi nito habang ang mga mata niya ay titig na titig sa aking muka. His eyes were immensely roaming every part of my face. from my eyes, to my nose, and then…my lips. Napalunok ako bigla. Ramdam ko ang mabango niyang hininga sa aking pisngi at sobrang halata ang pag-iiba ng kulay nang mga mata niya. I can sense desire in his eyes. Hindi na ako naka tugon kay Aaron dahil Inabot na ni Kuya Matt ang aking mga kamay. Si Kuya Matt pa rin ang pang 18th dance ko kasi wala naman akong boyfriend and no one knows, except for Addie, that I have feelings for Aaron. “Oh bat’ napaka pula mo?” “Ah..hmmm..sa lights lang siguro kuya or maybe kasi medyo mainit ngayong gabi.” Alibi ko kay Kuya Matt. The eighteen roses dance ended and the program continued. Habang nagkakasiyahan ang lahat sa kwentuhan, nakita ko si Aaron na naglalakad patungo sa poolside namin kung saan ay walang bisita. This is your chance, France. Sinundan ko si Aaron sa may poolside. Buti na lamang at walang ibang bisita na naprito. Nakatulong din sa confidence ko na medyo madilim sa part na ito nang bahay. “A-Aaron,” tawag ko sa kanya. Halatang medyo nagulat si Aaron sa pagtawag ko. “Yes, Princess? What are you doing here?” “I…I have something to tell you.” Kinakabahan kung tugon. “What about it, Princess? Are you sure you want to talk about it right here? Halika, balik na tayo dun sa party. You can tell me about it while we walk.” “Yes. I mean no." "Huh? Ano ba talaga?" Natawang tugin nito. "What I meant was, yes I need to tell it to you now and that No, I can't say it while we walk back to the party. I want to tell it now and right here kung saan tayo lang dalawa…please." Sa sobrang nerbyos ko ay hindi ko alam kung naintindihan niya ba yung sinabi ko dahil sa bilis kong magsalita. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil sa kaba. Sabi ko nga, It’s now or never kaya hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Kailangan ko nang ilabas ang aking nararamdaman ngayon. “I like you Aaron. Not as a kuya but as a guy,” sa sobrang kaba ko, nagmistulang rap ang pagtatapat ko sa kanya. Napa tingala ako bigla nang narinig ko ang malakas na tawa niya. Did he just laugh at my confession? “Please stop it! I’m serious.” “Sorry, Princess. I just can't believe what I’m hearing. Look, you’ve always been a younger sister to me. Besides, we have a 10 years age gap. What would your parents say to me, Princess? Isa pa, panigurado na masasapak ako ng Kuya Matt mo kapag nalaman niya to.” Mahinahon na paliwanag ni Aaron. Biglang sumakit ang dibdib ko nang marinig ko ang paliwanag nito. I just got dumped by my first love. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Worse, I am a joke to him. Hindi man lang siya nagdalawang isip. “Oh, please Princess, stop crying. You know that I adore you right? Hindi nga lamang sa parang gusto mo. I care for you so much that I cannot risk it.” Pinahid ni Aaron ang mga luha ko sa pisngi. Hindi na ako makapag salita dahil sa sakit na kasalukuyan kong nararamdaman at sa hiya na rin of being rejected. Pero hindi ko pwedeng hayaan na lamang matapos dito ang lahat. For years inalagaan ko ang pagmamahal ko sa kanya. I patiently waited for me to be of legal age so I could confess my love. “No..that's not the answer that I want from you. Kiss me. You can have me if you want. I am a grown up woman now. Legal age na ako at wala ng may magsasabi that you are corrupting me. Please Aaron let’s give it a try.” I said begging for him to at least consider the possibility of us. “You have turned into a very beautiful woman, Princess. Nagulat nga ako nang nakita kita kanina pero hindi pwede ang gusto mong mangyari. You already know my reputation with women,” pagpapaliwanag niya sa akin. “Yes, I know that very well. Kaya nga I am offering my innocence to you. You said it already, I have become a woman now so please just kiss me and do whatever it is that you do to your women.” Nagpupumilit kong sagot sa kanya. Halatang parang nahihirapan na rin siya. Napatitig siya bigla sa mapupulang labi ko. “No, please Princess, don’t tempt me like that. Hindi ko pwedeng gawin iyan sa’yo kasi mahalaga ka sa akin at sa Kuya Matt mo. I’m really sorry but this conversation needs to stop here.” sabay talikod ni Aaron sa akin. Pakiramdam ko ay nabasag ang puso ko sa mga huling salita na iniwan ni Aaron. I hate the fact that I am 10 years younger than him. At bakit kasi naging bestfriend pa ito ni Kuya Matt. Hindi ko mapigil ang aking mga luha sa pagpatak. Tumakbo ako papuntang restroom namin. Hindi puwedeng makita ako nila Mommy na ganito ang hitsura. Nang kumalma na ako, ay bumalik na ako sa party kasi baka magtaka na silang lahat. Buti na lang kasi saktong pagbalik ko ay siyang pag tawag nang host sa akin. They say, first love is usually unforgettable. Sana naman walang katotohanan ang kasabihang ito. Kung hindi ko kakayanin na ibaon sa limot ang pagtingin ko kay Aaron ay malamang hindi rin mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. My first love has never even been made official before I experienced my first ever heartbreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD