Tessa "It's okay if you don't want—" "No, sir. It's okay..." I nodded. He let out a loud sigh. May kung ano pa siyang ibinulong na hindi ko na nakuha dahil natabunan na ng malakas na music ang kaniyang boses. "Akala ko mag-rorosaryo na lang kayo sa table natin, e. Mabuti naman at naisipan niyong magsayaw," panunukso ni Ivo. Hinampas naman ni Chelsea ang dibdib ng kaniyang boyfriend at tinaliman ito ng mata. "Could you shut up, Ivo? Kanina pa 'yang bibig na 'yan ha?" Saway niya rito. Tumawa lang naman si Ivo at nagpatuloy sa pagsasayaw. "This is a party, Ivo. What could you expect?" Si Trek naman. Akmang sasagot na si Ivo sa sinabi ni Trek nang hampasin na naman ni Chelsea ang kaniyang dibdib. "Hindi ba napapagod 'yang mga bunganga niyo sa kadadada? Puwede bang ipahinga niyo na

