Tessa
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya kaninang nasa sasakyan kami hanggang sa makarating kami sa venue. Cameras are everywhere. Nasabayan pa namin sa pagdating ang isa sa mga kilalang artista kaya mas naging maingay dahil sa mga tanong.
Nang makapasok na iyong artista ay kami naman ang binomba ng mga tanong.
"Mr. Montemayor, care to introduce kung sino po itong kasama niyo?" Anang isang reporter.
"Is she your girlfriend, o date lang ngayong gabi?"
"Where did you meet?"
Sunod-sunod pa ang mga tanong na iyon na tila ba walang katapusan pero ni isa ay wala siyang sinagot. Tinanong din ako kung ano ba ako ni sir Darius pero kagaya niya ay hindi ko rin sinagot iyon kahit iyong pangalan lang.
Isa sa mga requirements bago ka makapasok ay ang pag-popose para sa isang article na gagawin pagkatapos ng party na ito kaya naman tumayo kami sa isang platform na kung saan ay may nakalatag na red carpet. Daig pa namin ang aattend sa met gala kaya mas lalo akong naging hindi kumportable.
"Just one click, sir and we're done." A gay photographer instructed.
Ngingiti lang sana ako nang bigla kong maramdaman ang paghapit niya sa aking bewang. Nanlalaki ang mga mata ko siyang binalingan, our eyes met. Dumapo ang aking palad sa kaniyang dibdib bilang depensa at halos mapapikit ako dahil sa pag-flash ng camera.
"That was awesome, sir! Now, I really think that those looks are something," tili noong bading sabay palakpak.
Hinintay ko ang pagpapakawala niya sa aking bewang sa pagaakalang bibitawan niya na iyon dahil tapos naman na ang shoot, ngunit nanatili ang kamay niya roon hanggang sa makapasok kami sa loob.
Maingay ang lugar dahil sa musika. Ang mga tao ay abala sa kani-kanilang mga agenda sa pagpunta rito.
Sinalubong kami ng isang babaeng maayos na naka-uniporme. Iginiya niya kami sa aming designated table kasama ang iilan pang kakilala na siguro ni sir Darius, base sa paraan ng pagbati nito sa kanila.
Tatlong lalaki na kasing edad lamang niya ang naabutan namin doon. May mga blangkong upuan pa kaya inaasahan kong may darating pa bukod sa amin. Maybe their dates? Hindi ko na lang pinansin iyon.
"These are my cousins, Trek, Ivo and Yohan... iyong iba, nasa ibang bansa kaya wala rito, si Psalm and Spade naman, I don't think they're already here," pagpapakilala niya sa akin sa mga pinsan niya.
"Tessa," sabay ngiti ko sa kanila.
"Nice to meet you, Tessa. I hope you'll enjoy this party. Kung hindi nga lang pupunta rito ang inaabangan ko, mas gugustuhin ko pang mag-stay na lang sa penthouse ko," kuwento ni Trek. Iyong may blonde at magulong buhok.
Isang panis na tawa lang ang naging tugon ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.
Ang dalawa namang pinsan niya ang nginingisian na ngayon si sir Darius na wala namang ekspresyon sa mukha. Tila ba inaasar siya ng mga ito sa kung ano.
"Ugh! I really hate parties, you know? At hindi ka pa gentleman to drive me here, huh? Ang kapal ng mukha mo!" Napaigtad ako nang marinig iyon mula sa babaeng kadarating lang. Tumayo si Ivo at sinalubong iyon sabay akmang hahalikan ito sa pisngi nang iiwas ng babae ang kaniyang mukha kay Ivo, iyong curly ang buhok sa pinsan ni sir Darius.
"I'm sorry, babe. Alam mo naman kung gaano ako ka-ayaw ng Papa mo, right?" Ivo said.
Umirap ang babae bago naiiritang umupo. "Whatever you say, Ivo," anito at humalukipkip.
"Have some balls men. Kung desidido kang maiharap sa altar si Chelsea, dapat desidido ka munang harapin ang Papa niya." It was Yohan. Sa kanilang apat, masasabi kong itong si Yohan ang may pinaka-chill na aura. Nakadagdag pa ang kaniyang dimple na mas lalong nagpakalma sa kaniyang mukha.
"You always say that because you're not in my shoes. Ikaw nga, hanggang ngayon, hanggang tanaw ka pa rin kay Maureen." Nagtaas ng kilay si Ivo.
"Come on, guys. We're not here to talk about your g*ddamn lovelife. Respeto naman sa mga single diyan," si Trek.
"Who the heck said that you're single?" Si Ivo.
"I wasn't talking about me, dude. I was pertaining to Darius. Sorry, Tessa pero kasi alam mo itong pinsan namin, never pa naming nakita na may kasamang babae 'yan e. Would you mind if I ask what's the score between you two? I mean... I'm just curious." Nagkibit balikat si Trek.
"Then, let your curiosity kill you. Leave her alone, Trek, and mind your own business." Si sir Darius na noon lang nagbitiw ng salita.
Tanong ko rin naman iyon sa sarili ko, e. Ano ba kami? Well, I shouldn't ask right? It is as clear as daylight. He's paying me. No label, no feelings involved.
Buffet style ang party kaya kinailangan naming tumayo para makakuha ng pagkain. Hindi pa raw nagugutom ang mga boys kaya kami muna ni Chelsea ang kumuha ng pagkain.
"Ang bongga mo, girl, ha?"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon kaya bahagya akong natigilan sa pagkuha ng salad mula sa lagayan.
"Hmm?" Lingon ko sa kaniya.
Ngumisi siya at umiling.
"You know, Ivo and I have been together for six years now at everytime na makakapunta kami sa ganitong mga occasional events, palaging mag-isa si Darius, never linked to any gyals..." she puckered her lips and winked at me.
I shallowed the lump on my throat. Nabagabag sa kaniyang sinabi.
"Well, it's about time naman na maghanap siya ng someone who could love him as a person, not love him because of the money that he has," sabi niya pa. "I hate people who are like that. Allergic ako sa mga gan'on, e." Nagkibit siya ng balikat habang patuloy sa paglalagay ng pagkain sa kaniyang pinggan.
"How about you? Are you allergic as well?" She raised a brow.
Napakurap-kurap ako dahil sa tanong niyang iyon. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil natamaan sa mga sinabi niya pero... ginagamit ko nga ba si sir Darius o it is the other way around? Hindi ba ay patas lang din naman kami? He needs me and I need him also.
"Depende sa reason kung bakit niya iyon nagagawa. I am s-sure naman na everything happens for a reason, e. " Hirap na hirap pa ako sa bawat bigkas ko roon.
Sa huli ay tumango siya pagkatapos ay sabay na kaming bumalik sa aming table.
Nang nakarating kami roon ay may isa ng babae na nakaupo sa tabi ni Trek. Mukhang mahiyain ito, hindi kagaya ni Trek na mukhanh hindi marunong mahiya.
"What do you wanna eat? Are you hungry? Do you want me to get a food for you?" Tanong ni Trek doon sa babae na parang naninigas na ngayon sa kaniyang kinauupuan.
"Let her be, Trek. Masyado mo namang bine-baby. Nahihiya na si Vien. Ang OA mo masyado. Alam mo namang mahiyain at hindi sanay sa crowd, dinala mo pa rito," si Chelsea sabay haplos sa braso ni Vien.
Hilaw na ngumiti iyong babae.
Nagkuwento sila ng mga experiences nila at kung paano sila nagkakilalang lahat. Nakikitawa na lang ako kapag may nakakatawa dahil mukhang wala naman akong maiaambag sa usapang ito.
Natigil lang ang kuwentuhan nang i-announce ng MC na magsasayawan na. Nagkayayaan na ang lahat. Nagulat ako na nauna pang tumayo si Yohan habang nakatingin sa artistang kasabay naming pumasok kanina.
"I better move now before someone else," aniya bago siya naglaho na parang bula at humalo sa crowd.
"Torpe kasi..." naiiling na sinabi ni Ivo.
"Says you?" Taas ang kilay na pasaring ng kaniyang girlfriend.
Nagtawanan lang silang dalawa bago tumayo para magsayaw na. Ganoom din ang ginawa nina Vien at Trek.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Sa huli ay nagpaalam akong pupunta na lang muna sa banyo.
"Samahan na kita." He offered na mabilis ko namang inilingan.
"No, sir. It's okay..."
"Sasamahan kita, Tessa. Let's go." He pulled my hand. Wala na akong nagawa.
After my rituals inside the restroom lumabas ako at namataan siyang naghihintay sa akin sa labas habang nakasandal sa pader.
"Tara na, sir..." yaya ko at ngumiti. Tumango naman siya kaya naglakad na ako.
"Tessa," he called my name kaya natigil ako para lingunin siya para lang maabutan ang naka-igting niyang panga.
"Sir?" Nagtaas ako ng dalawang kilay para hintayin ang anumang sasabihin niya.
"Shall we... dance?"