Kabanata 5

1026 Words
Tessa In this game called need, you must be wise. Minsan, kailangang isantabi ang damdamin para hindi ka mabigo sa huli. Nakatunganga ako sa kisame dahil sa maraming bagay na bumabagabag sa akin. Nakokonsensiya na ako sa lahat ng kasinungalingan kong ito pero hindi ko naman magawang aminin ang totoo. Isang katok lang ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. Bumuga ako ng isang malalim na hininga bago tumayo para pagbuksan ang kung sino mang kumatok. "Magandang umaga, miss," bungad bati ng isang nakangiting kasambahay na may hawak na pulang dress. "Magandang umaga rin po. Uhm..." tinitigan ko ang hawak niya at nang siguro ay napansin ang mga mata kong nakadapo roon ay inilahad niya iyon sa akin. "Pinasasabi po pala ni sir na isuot niyo raw po ito mamayang gabi para sa pupuntahan po ninyo. Yayayain na rin po kita pagkatapos mong mag-agahan sa spa rito para po makapag-relax ka at hindi mukhang stressed mamayang gabi po," pagpapahayag niyang ikinagulat ko. Anong ibig niyang sabihin? May party? At sasama ako nang ngayon ko lang nalaman? Nag-usap naman kami kahapon pero bakit hindi niya sinabi? "Wait lang p-po... you mean may party po kaming dadaluhan?" I asked, out of curiosity.  Isang tango ang naging tugon niya sa akin. Sa huli ay hindi ko na dinagdagan pa ang mga tanong ko. Af if it'll change anything. Sa paraan pa lang ay alam kong hindi na siya papapigil. Whinning won't do anything at all so might as well obey him. I'm his after all. Muntik na akong napairap dahil sa iniisip na iyon. "I-mamanicure at pedicure po namin kayo, miss. Anong kulay po ang gusto niyo for your nails?" Maamong tanong ng babae habang pinauupo ako sa isang malambot na sofa na may TV sa harap. "Kahit iyong colorless na lang," sabi ko dahil pakiramdam ko ay hindi rin naman babagay ibang kulay sa kuko ko. "Noted, miss," aniya bago ako simulang gawan ng mga proseso. Napalunok ako habang pinapanood siyang may ipinapahid na kulay pink na likido sa aking kuko sa paa. "You can sleep, miss. Puwede rin po kayong manood ng movie." Tumango na lang ako bilang pag-sangayon kahit na hindi naman ako sigurado kung gagawin ko ba ang mga suhestiyon niya. Halos tatlong oras akong ginawan doon. Pinanood ko pa ang kuko ko sa ere na malinis na ngayon at walang bakas ng paghihirap sa bukid. "Nagugutom ka ba, miss? Kung gusto mo... kumain ka po muna bago ka namin i-body scrub." Alas onse na ng umaga kaya medyo nakakaramdam na ako ng gutom kaya nagpasya akong kumain na lang muna. Minadali ko na lang dahil baka nakakaabala na pala ako sa kanila nang hindi ko nalalaman. Ito ang unang beses kong dadalo sa party ng mga mayayaman. Ni wala nga akong ideya kung paano iyon at ang magiging takbo nito. Basta ang sigurado ako ay may mga taong mayayaman at kilala ang dadalo roon. "Mr. Montemayor will pick you up by seven, miss. Doon na rin daw kayo mag-didinner. Iyon po ang bilin niya," Teri said. Iyong isa sa mga naglinis sa mga nail ko kanina. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa pagiging first timer ko o may iba pang dahilan. Alas singko na nang matapos ang lahat. Bumalik ako pansamantala sa aking silid at naabutan ko roon si Santino na noong mamataan ako ay halata gulat sa kaniyang mukha. "You're stunning, Mommy!" Pumalakpak pa siya. Tumakbo siya palapit sa akin pero tumigil din sa harap ko kalaunan, ni hindi ako hinawakan. "Oh? Bakit?" "I might ruin your dress, Mommy. But... can I hug you... at least?" Puno ng pagiingat niyang hiling kaya ako na mismo ang humila sa kaniya para mayakap siya. "Nana Redora said that you'll go to a party with Papa, so I need to stay here. I am also not allowed to go and I think I just need to wait for you here then," aniya. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Remember what I said?" Nagtaas ako ng kilay, hinihintay na ipagpatuloy niya ang nasimulan kong salita. "Behave. Noted, Mommy! Enjoy the party. I will miss you..." Isiniksil niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. I kissed his head to bid goodbye. "Good boy..." I said bago ako pumanhik palabas. Kumalabog ng malakas ang aking dibdib nang maabutan kong naghihintay na pala roon si sir Darius. Our eyes met and all I could hear is the loud beat of my heart. "I am sorry for not telling you early. Nawala sa isip ko," sabi niya. "A-Ayos lang..." mahina ko namang untag. Hindi nga ako sigurado kung narinig niya ba iyon dahil sa sobra g hina. Nagpaalam din siya kay Santino na malamig naman ang trato sa kaniya. Mukhang hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito sa kaniyang ama. "Shall we?" sir Darius snapped. Inilahad niya ang kaniyang braso para kapitan ko at kaagad ko namang ikinawit ang aking braso roon. We walked downstairs like royalties. Ang mga kasambahay na malalapad na nakangiti sa amin ay mas nagpadagdag ng kaba ko. Para akong isang disney princess sa ayos ko ngayon, only that my dress is a bit daring. Isang kulay dugong dress na may mahabang hiwa hanggang sa hita na nagdepina sa haba ng aking mga binti ang aking suot. It was designed with shiny diamonds and elegant sequins. My back is also exposed dahil sa pagiging backless nito. "The party requires a date and the first one that came into my mind was you." Kuwento niya nang tinatahak na namin ang daan patungo sa venue. The party will be held at a five star hotel in Manila. Kagaya ng inaasahan ko, mga businessmen at kilalang tao ang naroon. "Just stay by my side while we're at the party. It's for your own good. Ayoko ring magkagulo," sabi niya. "Paano naman magkakagulo gayong party lang naman iyon..." "I might punch someone who tries to get a hold of you. I forgot to remind you that I get easily annoyed and mad  when someone is trying to steal my property." Matigas ang boses niyang sinabi kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD