MAAGAP kaming bumangon ni Alfred at bumili siya ng almusal sa labasan. Naiwan ako sa may kusina at naghahanda ng mainit na tubig para sa ititimpla kong kape kay Alfred. Nadako ang tingin ko sa may salas dahil doon natulog si Marvin. Mukhang walang gala si Marvin o gimik kasama ang mga barkada nito. Nagising na rin si Glenda at tumungo sa kusina. “Magandang umaga, Glenda. Gusto mo ba ng kape at ipagtitimpla kita.” Hindi man lang niya ako nilingon sa halip ay inismiran niya ako at nakita ko ‘yon. Ipinatong niya ang kaniyang tuwalya sa balikat at binuksan ang pinto ng banyo. “Sige, ipagtimpla mo ako.” “S-Sige… ang aga mo yata ngayon?” “Nakakabwisit nga, e. First shift ako kaya heto…” Tuluyan na itong pumasok sa banyo at narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa gripo. Paminsan-minsan ay i

