Chapter 14: PAANYAYA

2044 Words

NAGLINIS ako ng bahay dahil panay ang pagbubunganga ni Tiya Gina at sa tuwing magtatama ang tingin naming dalawa ay iniiwas niya rin kaagad. Nagwalis ako simula sa itaas at nilinis ko rin ang kwarto namin. Nagtupi ako ng mga damit ko at inayos ang laman ng bag. Nakita ko roon ang litrato naming ni Alfred. Hinawakan ko iyon at napagtanto ko na lang na gumuhit ang ngiti sa aking labi. Naalala ko ang litratong iyon. Unang date namin at patakas pa akong nakipagkita sa kaniya noon. Namasyal kami sa mall at nagpapicture kami sa isang studio. Wala naman kasing mamahaling cellphone si Alfred. Hindi katulad ng iba kong kaklase noon na may magagarang gamit. Napatingala ako at pumikit nang mariin. Pumatak ang luha sa aking mga mata at pinilit kong ngumiti muli nang maalala ko ang buhay estudyante

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD