PARANG gusto ko na lang lumubog sa sobrang kahihiyan nang sandaling iyon. Hindi ako makatingin kay Benjie. Mabuti na lang at abala sila ng kaniyang girlfriend. Hindi rin ako pinapansin ng babaeng ‘yon at sino ba ako para pansinin niya. Mataray pa naman. Binilisan ko ang trabaho ko at nang makauwi na ako. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko at humugot ako ng malalim na hangin. “Huwag mo nang isipin, Nova…” bulong ko sa aking sarili. Napitlag ako nang marinig kong tumili ang babae. Napalingon ako sa gawi nila. Kung makatili naman itong babae ay akala mo kakatayin na at wala nang bukas. Naglalampungan silang dalawa ni Benjie. Nang magtama ang tingin namin ni Benjie habang nakangiti ay napalunok at mabilis na iniwas ang tingin. Sa wakas ay natapos ko rin ang gawain ko. Naglipit na k

