DAHIL bumalik na si Evy sa bahay ni Tiya Gina ay napagdesisyunang umalis na kami sa kuwarto nito. Sa sala kami natulog at kasama namin si Marvin. No choice kami kun ‘di manatili. Wala pa kaming sapat na pera para makaalis. Kinakabahan ako sa tuwing mapapansin ni Alfred na pagod ako. Kumukuha ako ng tiyempo dahil baka magalit siya kapag nalaman niya. Gusto ko lang naman makatulong sa kaniya. Iyon lang. Hinatid ko si Alfred sa labasan at nagpaalam. Kakaiba naman ang tingin ng mga tao roon pero nasasanay na ako. Siya naman ang pagdating ni Daryll at kapwa sila ngumiti sa isa’t isa ni Alfred. “O, ‘Tol? Saan ang punta mo?” bungad ni Alfred kay Daryll. Ngumiti rin si Alfred sa ‘kin at ngumiti lang ako nang pilit. “May pasok ako ‘tol. Ikaw, papasok ka na ba sa site?” Tinapik ni Alfred si

