ABALA sa pagbubuhat ng mga tubo si Ronie habang nakabilad sa ilalim ng tirik na araw. Tanghali na ngunit hindi pa siya nananghalian. Tinambak niya muna ang tubo at nagdesisyong tumigil. Tinungo niya kung nasaan ang kapatid na si Edie. Kasama nito ang iba pang mga trabahador. Masayang nakikipagtawanan habang kumakain kasabay ang iba. Nagtama ang tingin nila ni Edie ngunit mabilis rin itong iniwasan siya. Isang malamig na titig lang ang pinukol sa kaniyang muli ni Edie. Napabuntong-hininga si Ronie at nagdesisyong kunin ang kaniyang bag kung nasaan ang baon niya. Malapit sa kung saan nakaupo sina Edie at kasama pa nito. “Kumusta na pala ang tatay mo, Edie?” tanong ng isa nilang katrabaho na hindi napansin ang kaniyang pagdating. “Hindi maayos ang kalagayan niya.” Tumingin sa malayo si E

