LUMIPAS pa ang mga araw at bumalik kami ni Alfred sa center upang magpa-check-up. Tamang-tama at sumuweldo na siya dahil lingguhan ang sahod nila. Mabuting balita ang natanggap namin dahil nakapagpa-ultrasound din ako at nakitang maayos naman si Baby at nag-develop na siya. Mangiyak-ngiyak ako nang basahin ng doktor ang result. Malakas ang heartbeat ni baby at lagi na lang daw akong mag-iingat. Hindi naman daw maselan ang kondisyon pero kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na’t trimester pa lang. Naglalakad kami pauwi ni Alfred at kumain lang kami sa isang karenderya. Sabi ko kasi na huwag munang gagastos dahil kailangan naming mag-ipon. Binigyan niya ako ng five hundred lang. Hindi ko alam pero napasimangot ako habang nakakuyom ang palad na hawak ang isang pirasong papel na may halaga.

