"Bakit ka napatawag?" deretsong tanong ko, kahit pa na malakas ang kabog ng dibdib ko. May umalpas pang mumunting saya sa puso ko, hindi dahil sa alam ko na ang maaari niyang pakay, kung 'di dahil sa naisipan ako nitong tawagan na kahit papaano ay sumagi ako sa isipan niya. Alam kong sadya ito, pero kasi ay hindi ko lang talaga maiwasang maging masaya sa maliit na bagay. Hindi nga ako nagkamali, na balutin man ako ng galit ay hindi maipag-aakilang nangungulila pa rin ako kay Ysabelle bilang ina ko. "Can we talk?" alanganing tanong nito dahilan para mabalik ako sa reyalidad. "Nag-uusap na tayo," maagap kong sagot. "No. I mean, magkita tayo. So, I can personally explain my side to you. Saka mo malalaman ang desisyon ni Joaquin." "Kailan? Ngayon na ba?" Sa sinabi ko ay sandaling natahi

