Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa mansyong iyon, natagpuan ko na lamang din ang sarili na palabuy-laboy sa gilid ng kalsada habang hindi malaman kung saan patungo. Sobrang gulo ng utak ko, to the point na para akong lumulutang sa ere. Tulala ako sa daan habang malalim ang iniisip. Hindi ko lang inakala na magkikita kami ni Thalia sa ganoong sitwasyon. Though, masaya naman ako at nagagalak na makita siya. Kung kausapin pa ako nito ay akala mong limot na niya ang kataksilan namin noon ni Jaxon, o baka nga nakuntento na siya kay Evan. Masaya na ito sa buhay kasama si Evan at ang kanilang anak. Mapait akong napangiti sa kawalan, saka pa tumingala upang lingunin ang stop light. Sandali akong naghintay doon, bago tumawid sa kabilang kalsada. Sa kanto ay doon ako sumakay ng bus at sa

