"A—anak?" tila nanghihinang banggit ni Ysabelle habang hindi pa rin makapaniwalang tinititigan ako. "Ikaw ba iyan? Stacy, a—anak?" Paano kaya niya nakakayanang tawagin akong anak, gayong sinabi nito kay Mr. Smith na patay na ako? Nakakatawa pang makita na napupuno ng emosyon ang parehong mata nito. Naroon nakapaskil sa mukha niya ang pagsisisi, ang panghihinayang at pagdudusa ngunit hindi ako nagpadala. Nananatili akong nakatayo ng tuwid habang walang mababakas na expression sa mukha ko. Kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman ng puso ko na para bang paunti-unti ay pinipilas iyon sa dalawa. Akala ko pa na sa muling pagkikita namin ay hindi na ako masasaktan. Ngunit katulad din noong una ay ganoon pa rin ang pagtarak ng ilang daang kutsilyo sa puso ko. Masakit pa rin, ramdam ko pa rin i

