Halos masamid ako sa sariling laway nang matawa ako dahil sa kalokohan ni Levi, panay kasi ang kambyo ng kamay nito sa naka-expose kong hita, imbes na sa mismong kambyo ng kotse. Nasa biyahe na kami papuntang Tagaytay, inabot kami ng ilang oras kanina sa apartment, idamay pa na traffic sa EDSA, kaya heto at inabot kami ng tanghali sa daan. Tantya ko naman ay malapit na kami. "Ano ba, Levi!" suway ko rito, sabay hampas sa kamay niya dahilan para siya naman ang matawa. "Kanina ka pa, hindi ka ba nagsasawa?" "Bakit naman ako magsasawa? Sa lahat ng natikman ko, ikaw 'yung pinakamasarap," pang-uudyo pa niya. "Wow, huh? Parang ang dami mo nang natikman. Makapagsalita ka riyan, Levirence!" Sa sinabi ko ay bumalanghit ito ng tawa, iyong tawa na wala ng bukas. Saka ko naman natantong ngayon na