Sa penthouse ako ni Levi natulog sa gabing iyon, dala nga ng problema ay hindi na ako nagkaroon ng oras upang bigyan ng atensyon kung gaano kalaki at kaganda ang paligid. Bago pa natulog ay nakatatak na sa utak ko ang binitawan kong salita kay Levi, na ano mang mangyari ay kailangan ko siyang tulungan. Sa ngalan ng pag-ibig ay wala na akong pakialam. Sino man ang mabangga ko ay hindi ko na inisip, iyon na lang din kasi ang naisip kong paraan para matulungan si Levi. Ayokong nakikita siyang malungkot sa katotohanang iba na ang may-ari ng The Great Miller Industry. Paggising ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Levi, kunot ang noo ko nang umahon ako mula sa pagkakahiga ko. Nilingon ko pa ang bedside table kung saan nakapatong doon ang orasan. It's already eight o'clock for pete's sake

