"Ladies and gentleman, let's all welcome one of the all time business tycoon on our country— Mr. Joaquin Smith," anang tagapagsalita na naroon sa entablado, kasabay nang masigabong palakpakan ng lahat. Nasa unahang bahagi kami ni Levi, kung kaya ay mas malapit kong nakikita ang papaakyat na lalaki sa entablado. Mahina akong pumapalakpak, pilit na sinasabayan ang mga taong naroon. Kahit pa na sa totoo lang ay nawawala na ako sa sarili, para akong nakalutang sa ere at tuluyang namanhid sa kaninang nangyari. Gaano man nasaktan ay hindi ko iyon ipinakita kay Levi. Hindi ko sinabi na nakita ko ang magaling kong ina, bagkus ay nakangiti pa akong humarap dito kanina, matapos kong punasan ang pisngi. Pilit kong itinago ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko namalayang nagmukha na akong plastikada na

