Sabay kaming nakapasok ni Levi sa entrance ng A&D Tower, doon pa lang ay bumungad na sa paningin ko ang dim lights sa kabuuan ng paligid. Mayroon ding malamyos na musika na pumapaibabaw sa bawat sulok ng building. Hawak ni Levi ang baywang ko upang igiya sa kung saan man ang papupuntahan naming dalawa at mula sa kabilang hallway ay unti-unti ko nang nasisilayan ang napakaraming tao. Purong itim ang nakikita ko sa paligid, magmula sa kasuotan nila na katulad namin ni Levi ay magagarang tingnan. Ternong black tuxedo at black gown ang madalas kong makita sa mga tao roon. Hindi ko lang magawang makita ng buo ang kanilang mga mukha at itsura dahil na rin sa suot nilang mga mask, kaniya-kaniyang disensyo iyon na para bang maging iyon ay pinagtuunan nila ng pansin. Naglalakad kami ni Levi sa

