Chapter 33

1813 Words

Wala na yata akong mahihiling pa, naging sapat na sa akin ang sitwasyon namin ni Levirence. Legal na kaming mag-asawa, isa na akong ganap na Miller at mayroon ng karapatan sa kaniya. Ganoon pa man ay nananatili pa rin ako sa apartment ko, kagaya rati ay madalas dito si Levi, kaya napag-uusapan namin na sa sunod na buwan ay lilipat na kami ng bahay. Aniya ay may nakita na siyang pwede naming tirhan bilang mag-asawa. Sa sobrang tuwa ko nga ay wala na akong iniisip na iba, hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin kung may balak ba siyang ipakilala ako sa magulang nito. Kahit papaano naman ay gusto ko rin silang makilala. At gusto kong makita kung masaya ba sila na kasal na kami ni Levi ngunit alam nga ba nila? May ideya kaya sila sa mga desisyong ginagawa ng kanilang anak? Siguro naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD