"A—ano?" utal kong sambit at hindi makapaniwalang napatitig kay Levi. "You heard me right." Mahigpit na hinawakan ni Levi ang kamay ko, saka niya pinagsalikop ang mga daliri namin. "I know na sobrang bilis, pero hindi mo ako masisisi na ganoon din ako kabilis mahulog sa 'yo. Hindi ka naman mahirap mahalin, and I want to secure my life with you, Stacy." Bumagsak ang panga ko sa sahig, kulang na lang ay pasukan iyon ng langaw. Sandali akong napatitig sa mukha ni Levi upang hanapin ang ano mang emosyon, but all I can see is his sincerity. So, hindi talaga siya nagbibiro? May parte na masaya naman ako, hindi iyon maipag-aakila sa akin, lalo na at hataw na hataw ang puso ko. Animo'y mababaliw na ako sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Tama naman din siya, napakabilis lang din ng pangyayari,

