Magbago? Para sa sarili ko? Kapag sa iba talaga nanggaling, nakapadaling sabihin, pero subukan din nilang lumugar sa kinasasadlakan ko. Kung mahina lang ang loob ko ay noon pa ako nagpakamatay.
Oo at kulang ako sa pagmamahal, kulang ako sa aruga, sa pansin o atensyon— kasi literal naman na walang nagbibigay sa akin ng mga bagay na 'yon. Ako na lang iyong parating nagbibigay.
Ngunit ni singkong duling na pagmamahal ay wala naman akong matanggap, pansinin man ako ay dahil iyon sa naging issue ko noon. Bigyan man ako ng atensyon ay saglit lang.
Ang dami kong hinanakit sa buhay, kung kaya iyon ang nagtutulak sa akin na gawin ang isang bagay. Idamay pa na masyadong nilalamon ng inggit ang sistema ko, kaya mahirap— mahirap magbago.
Mahirap baguhin iyong nakasanayan ko na, pakiramdam ko ay para akong mamamatay at kinakain ng impyerno ang kalahati ng katawan ko. O baka siguro ay ako lang din ang nagpapahirap sa sarili ko?
Bulag, tanga, bobo— ano pa ba? Wala sa sariling natawa ako. Ah, oo nga pala— kabit din. Kalaunan nang mapait akong napangiti sa kawalan, kung may isang tao lang din na magmamahal sa akin.
Kung may lalaki lang na willing din na bigyan ako ng halaga, ng importansya, ng pagmamahal na hindi ko mahanap. Bakit hindi? Nahihirapan ako, kasi ako lang ang mag-isang lumalaban para sa sarili ko.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko, bago muling nag-dial sa number ni Jaxon ngunit kagaya nang nauna ay busy ang linya nito. Inis na pinatay ko ang cellphone at padarag na itinapon sa kabilang sofa.
Ibinagsak ko rin ang sariling katawan sa pahabang sofa at tumingala sa puting kisame, katatapos ko lang mag-grocery at bumili na rin ako ng ilang gamit na alam kong magagamit naman in the future.
Masyado lang akong futuristic, kaya ganoon na lamang ang gastos ko. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa akin, lalo na't isa akong salawahang nagpapaalipin kay satanas.
Wala pa sa sariling nagbaba ako ng tingin sa center table ng sala kung saan inilapag ko roon ang natirang pera sa ibinigay kanina ni Jeane, kakaunting halaga na lamang iyon at hindi ko alam kung saan pa aabot ito.
Nakakainis naman kasi itong si Jaxon, kulang na lang talaga ay sugurin ko siya sa bahay nila o 'di kaya ay sa trabaho nito. Ngunit gustuhin ko man ay nauna na niya akong pagbawalan.
Ayaw ni Jaxon na umaaligid ako sa bahay ng mga Lewis, maging sa Miller, pati na rin sa company nito. Sa kadahilanang gusto niya akong protektahan— na mas magandang sabihin ay gustong itago.
Bakit kasi hindi man lang niya magawang magsabi sa akin? Kung ano nang ganap sa kaniya 'di ba? Ano ba ako, manghuhula? Na totoong pinagbabawalan siya ng asawa nito, o baka siya lang mismo ang lumalayo?
O baka hindi na niya ako kailangan? O kaya ay hindi na ako nito mahal? Kung sawa na siya ay pwede niya namang sabihin. Tanga na ako, pero mas lalo lang ako nitong pinagmumukhang tanga.
Masyado na ba itong nakokosensya? Napamahal na siya sa magaling niyang asawa na si Gwen Valerio? Ano, mas magaling ba ito sa kama? Alin doon? f**k! I'm so f*****g confused!
Kung hindi ko siya maaasahan ay mabuti pang maghanap na lang ako ng trabaho kaysa ganito. Sa ganoong paraan, kahit wala siya ay makakaya kong buhayin ang sarili.
Bwisit talaga! Nakakainis, argh! Kung hindi rin lang naman niya ako pinagbawalang lumabas-labas ay matagal na akong may trabaho, baka sakali pa na nakaipon na ako ng pera.
Pero lintek, para lang akong may malalang sakit na gustong i-isolate sa isang kwarto. Kulang na lang ay ikulong habambuhay. Tila ba preso na hindi pwedeng makawala, kung kaya ay pilit na ikinukulong.
Ganito ba, huh? Kung hindi ko lang siya mahal ay matagal ko na itong hiniwalayan, pero hindi. Ganoon ako katanga na sobrang mahal na mahal ko siya, to the point na mababaliw na ako.
"My, God!" sigaw ko, sabay hilamos ng dalawang palad sa mukha ko.
Mariin akong napapikit habang ang mga siko ay nakatukod sa magkabilaan kong tuhod. Sandali akong nag-isip, kalaunan nang wala ring maisip dahil masyado nang kinalawang ang utak ko.
Hindi pa nagtagal nang marahas akong tumayo mula sa pagkakaupo, bago inabot ang ilang plastic bags upang dalhin ang mga pinamili sa kusina at masimulan na ang pag-aayos.
Sa totoo lang ay malaki itong apartment na tinutuluyan ko at si Jaxon ang nagbabayad sa renta nito. Nangangamba lang din ako sa nalalapit na due date sa katapusan.
Kapag talaga hindi pa nagparamdam si Jaxon ngayong linggo ay hindi ako makikiming sugurin siya. Alam kong wala akong karapatan, pero wala akong pakialam.
Marunong siyang magbitaw ng pangako, matuto siyang tumupad. So, kapag hindi kayang panindigan, pakamatay na lang, gano'n! f**k! Nakakabaliw ang maging kabit sa totoo lang.
Kaya ipapayo ko talaga sa mga kabit at gustong kumabit, unahin niyong maging maganda kaysa sa legal wife. Kasi kapag hindi, tumigil na lang kayo. Ako? Kaunti pa, naghihintay lang ako ng tamang panahon.
Hinihintay ko iyong oras na mauuntog ako nang malakas sa matigas pader at makakalas iyong invisible helmet na ipinasuot sa akin ni Jaxon, sobrang tibay na ayaw bumitaw sa ulo ko.
Huling kita namin ni Jaxon ay nakaraang dalawang buwan na, iyon ang time na may nangyari sa amin. Tch, ganoon naman palagi ang set-up naming dalawa. Maalala lang ako nito kapag naglibog na siya.
Parausan na ngang matatawag, nagsimula lang naman iyon nang tuluyan siyang matali kay Gwen. Bilang respeto na rin sa sariling kapakanan ay patago na lang kaming nagkikita.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, higit isang linggo na rin akong naghihintay sa paramdam ni Jaxon ngunit nabigo lang ako, namuti na lang ang parehong mata ko kakaasa sa kaniya.
Kasabay naman ng paghihintay ko ay naghahanap na rin ako ng possible hiring through social medias, kahit sa manila bulletin ay nagbakasali ako. Nagpapasa ako ng resume at may ilang nag-text sa akin, kaya iyon ang balak ko ngayon.
Suot ko ang skintoned blouse, black pencil skirt na umabot hanggang gitna ng hita ko. Pinaresan ko lang iyon ng three inches close shoes at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok.
Basa pa kasi ito, mamaya ko na lang siguro itatali kapag natuyo na sa biyahe. Matapos kunin ang tote bag na halatang puro documents ang laman ay kaagad din akong lumabas ng apartment.
Sa Fort Bonifacio ang tungo ko, kaya MRT na lang ang ginamit ko. Nang makababa sa Ayala Boulevard ay sumakay pa ulit ako ng bus. Saktong alas nuebe nang nasa tapat na ako ng mismong company na una kong pupuntahan.
Nahagip ko pa ng tingin ang tower building na pinagmamay-ari ng angkan ng mga Miller— ang The Great Miller Industry, na siyang kitang-kita sa tangkad ng naturang gusali.
Sandali akong napahinto upang titigan iyon mula rito. Diyan kasi nagta-trabaho si Jaxon Lewis, since Miller ang mga ninuno nito. Wala sa sariling napaismid ako at tumawid na rin sa kabila.
Ngunit hindi ko pa man naaabot ang kabilang sidewalk nang kamuntikan na akong banggain ng paparating na kotse, halos lumuwa ang mga mata ko, lalo na noong pumreno ito nang pagkalakas-lakas.
"Puta—" mura ko sa kawalan at marahas na nilingon ang kotse na ilang dangkal na lang ang nakapagitan sa katawan ko.
Wala pa sa sariling napahawak ako sa dibdib ko, kung saan malakas na tumatambol ang puso ko sa pinaghalong kaba at takot. f**k! Hindi pa ako handang mamatay dahil malamang ay sa impyerno ang bagsak ko nito.
Kailangan ko pang magnilay-nilay, humingi ng tawad sa mga naging kasalanan at sa mga taong nagawa ko ng mali. Ayokong mamatay nang basta-basta, wala pa akong nagagawang tama.
Nang makabawi sa gulat ay tuluyan ko nang hinarap ang sasakyan, hindi pa lumalabas ang kung sino mang poncio pilato ang driver ng kotse. Siguro ay akala niyang ganoon-gano'n na lang, ano? Aba!
Hindi ko na naalala ang dapat na interview ko sa oras na iyon, parang gusto ko na lang bigla mag-iskandalo at pahiyain ang reckless driver na 'to sa madlang people. Ang aga-aga at pinapainit ang ulo ko.
God damn it!
"Ano ba?" singhal ko rito at malakas na sinipa ang harapan ng kotse, sabay kalampag din ng mga kamay ko sa nguso ng sasakyan.
Ilang minuto pa ang itinagal ko ro'n hanggang sa wakas ay bumukas ang pintuan sa driver's seat at iniluwa nito ang isang lalaki. Naka-corporate attire at talaga namang makalaglag panty ang tindig niya.
Hindi ko man gustuhin ay tuluyan nang bumagsak ang panga ko nang matitigan ang kabuuan nito. Matangkad siya, well-built ang pangangatawan na para bang batak na batak at alaga sa gym.
Masyadong hapit sa katawan nito ang suot niyang gray tuxedo, kaya kitang-kita ko ang maumbok na muscle nito sa magkabilaan niyang braso. Well-sculptured din ang jawline at hugis puso ang mukha.
He has this natural kissable lips, matangos na ilong at malalamlam na mga mata. Napahawak ako sa baba ko upang iangat iyon, pilit kong itinikom ang sariling bibig nang unti-unti siyang lumapit sa gawi ko.
Una nitong sinuri ang kotse niyang pinuruhan ko, kasunod nito ay taas ang isang kilay nitong binalingan ako. Sa malapitan ay mas lalo pala siyang gwapo tingnan.
Napalunok ako at bahagyang napaatras nang makita ang nakakatakot niyang pagtitig sa akin. Mas naging doble yata ang pagtibok ng puso ko, para na akong aatakihin sa puso.
Shit, may heart insurance ba ito?
Kung wala ay tatakbo na lang ako. Katulad ng sinabi ko, ayoko pang mamatay. Pasalamat na lang ako na nagagawa ko pang tumindig nang maayos kahit nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Hi—hindi ka ba marunong mag-drive?" lakas-loob kong bulyaw dito dahilan para kumunot ang noo niya.
"Ikaw? Marunong ka bang tumawid? Sa tamang tawiran?" balik tanong nito sa akin, kung kaya ay natameme ako.
Nilingon ko pa sandali ang nilakaran ko kanina at natantong sa kabila pa pala iyong pedestrian lane. Nakaramdam man ng pagkapahiya ay taas ang noo ko siyang binalingan.
That's it, Stacy.
Nakilala akong palaban, dapat lang na pangatawanan ko ito. Hindi magiging dahilan ang lalaking ito, para maglupasay ako sa lupa. Walang gano'n, over my dead body.
"Pero muntik mo na akong masagasaan!" pagpupumilit ko rito sa nag-aalburotong boses.
"Look, Miss, I don't have much time. Do you need money?" aniya at tangkang huhugot sa bulsa nito nang matawa ako.
Wow, ang yabang! Bigyan ng jacket 'yan! Although yes, kailangan ko ng pera ngunit kung sa kaniya rin lang naman manggagaling ay hindi na lang, no thanks. Kay Jaxon na lang ako hihingi.
"Kainin mo 'yang pera mo. Kapag mayaman talaga, masyadong hipokrito, ano?" giit ko at bulgar na inismiran siya.
Bago ako tuluyang umalis ay malakas kong inapakan ang isang sapatos nito dahilan nang paghiyaw niya sa sakit, hinawi ko lang ang buhok ko at nilampasan ito, saka patakbong lumayo sa kaniya.
Serves you right, asshole.