Chapter 11

1770 Words
Pagak akong natawa nang mag-materialize sa utak ko iyong nakaraan ko. For pete's sake, apat na taon na ang nagdaan. Ngunit bakit pakiramdam ko ay sariwa pa rin ang alaalang iyon? Baka ganoon nga talaga kapag sinusundan ng karma, ano? Katulad kung paano ako hindi patulugin ng konsensya ko gabi-gabi. Nakakatawa, para bang ako na lang itong apektado sa nangyari noon. Kasi parang wala naman na iyon kay Jaxon, na sinaktan niya noon si Thalia para sa akin at heto nga, ako naman ang sinasaktan para kay Gwen. Sadya bang mapaglaro ang tadhana? Higit apat taon na ang nakalilipas simula nang mangyari ang alitan sa pagitan namin ni Thalia— my co-workers, way back in Bluebells Café, s***h my oh-so-called bestfriend. Totoong tinuring kong mas higit na kaibigan si Thalia, parang kapatid ko na nga ang isang 'yon. Totoong pinahalagan ko siya bilang kaibigan, mas nalinlang nga lang ako sa sariling pagmamahal. Kung noon ay ako ang pumangalawa kay Jaxon mula kay Thalia, ngayon ay ako naman ang nauna mula kay Gwen Valerio. May parte sa akin na nagsisisi ako but then, mas mahal ko lang talaga si Jaxon. And look at me now, still the Stacy na mas nanaising kumabit sa lalaking may sabit. Ain't funny, right? Marahil ay tinatawan na lang ako ngayon ni Thalia, na siyang may sarili ng pamilya. Masaya at payapa ang buhay sa asawa niyang si Evan Trade Smith at mga anak. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin mapaniwalaang si Evan ang napangasawa niya, that man with his oh-so-famous name tag— the heartless bachelor of all time. f**k, kung pwede lang, baka pati si Evan ay inagaw ko sa kaniya. Nakakainggit, and at the same time, natutuwa kahit papaano. Masaya ako para sa dalawa, na sa isa't-isa nila nakita ang totoong kahulugan ng love and loyalty. Contentment and honesty. Habang ako ay heto, pinipilit pa rin ang sarili sa nag-iisang lalaki— kay Jaxon na mas minahal ko pa yata kaysa sa sarili ko. Kasal na rin ito kay Gwen, as usual, arrange marriage ang ganap, katulad ng nangyari sa kanila ni Thalia. Kung bakit naman kasi hindi ganoon kayaman ang pinagmulan ng pamilya ko? Kung bakit hindi ko kayang tapatan ang yaman nila? Nang sa gayon ay ako na lang sana ang ipinagkasundo kay Jaxon. Marahil nga kung hindi ako iniwan ni Mama noon, hindi magiging ganito ang buhay ko. Kung hindi rin lang namatay si Papa, baka kahit papaano ay hindi ako mukhang palaboy sa kalye. Sa paglipas ng araw ay napupuno lang ng inggit ang puso ko. Inggit na inggit ako sa mga taong buo ang pamilya, sa mga babaeng pinili at nauna sa kanilang kasintahan. Sobrang inggit na hanggang ngayon ay hindi ako makabangon sa kinasasadlakan ko sa putikan, nandoon lang ako habang tila may hinihintay na may humila ng kamay ko at tulungang makatayo. Kung sana lang ay kaya kong baliktarin ang mundo, nang maranasan ko naman iyong mga bagay na pilit ipinagkakait sa akin. Kung sana lang ay ako ang mas pinili ni Jaxon. Baka baliw na nga rin ako, gaano man ako nasasaktan ay hindi ako kumawala, mas tumitibay pa nga ang pagmamahal ko rito. Pinanghahawakan ko lang ang pangako nitong kami pa rin hanggang sa huli. Pangako na sa akin pa rin ang bagsak nito, na ako ang nais niyang makasama habambuhay at piniling magkaroon ng sariling pamilya. Iyon ang rason kung bakit kumakapit pa rin ako hanggang ngayon. Dahil gusto ko, si Jaxon ang makakasama ko sa pagtanda, ang magiging ama ng mga anak ko. Sa kaniya ko lang nakikita ang sarili ko at ang kinabukasan ko. Siya lang, wala nang iba. Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa yaman na mayroon si Jaxon, na siyang rason na nakikita ng iba. Akala nila ay piniperahan ko lang si Jaxon, na isa akong gold-digger mistress. Pero hindi, ang presensya nito ay ayos na sa akin. Siya mismo ang kailangan ko at hindi ang iba. Baliw na kung baliw, hindi naman nila ako masisisi. Nagmahal lang ako, umaasam at patuloy na nangangarap. Kibit ang balikat kong sumimsim sa tsaang in-order ko, narito ako ngayon sa coffee shop sa loob ng Intramuros, one of the branches of Bluebells Café bukod pa sa Tagaytay branch. Hindi katulad sa nakasanayang Bluebells Café sa Tagaytay ay mas modern ang interior design dito, ang swabe ng dating ng kulay sa pinaghalong white and gray, mula sa flooring hanggang ceiling. Ano nga bang ginagawa ko rito? Bakit pa ba ako nandito, gayong tila wanted ako sa lahat ng mga empleyado ng nasabing shop. Kumalat kasi ang nangyari sa pagitan ng dalawang staff na pangalanan nating Thalia at Stacy. Ang issue na noo'y pinagpiyestahan ng lahat, kaya ang kapal naman ng mukha ko para magpakita pa sa lahat? Umalpas ang ngisi sa labi ko nang masilayan ko ang paglapit ng isang babae sa gawi ko. Rason iyon upang mas ibaba ko ang suot na sumbrero. I'm wearing my leather black jacket, nagmistulang secret agent sa suot, na hindi alintana ang init at balot na balot ang katawan. Hindi naman ako tanga na pupunta lang dito, na parang ayos lang din sa akin ang lahat. Kahit papaano naman ay may hiya pang natitira sa akin, hindi ko kakayanin ang bulgar nilang panghuhusga, kapag nangyaring nakilala ako ng ilan. "Hey, sis!" tili ng isang boses babae dahilan para mapayuko ako. Hindi ako kumibo at hinintay na lamang ang paglapit nito. Mayamaya pa nang deretso siyang naupo sa katapat kong upuan at padarag pang hinawi ang kamay kong nagtatakip sa mukha ko. "Takpan mo man 'yang mukha mo, isa ka pa ring kahihiyan sa lahat," anas nito, rason para samaan ko ito ng tingin. "f**k you," derektang sambit ko, kaya walang pag-aalinlangan na humagalpak ito ng tawa. Halos manlaki ang dalawang mata ko, nang mapansing nagsilingunan sa amin ang kalapit na table ay maagap akong yumuko. Nakakita naman ako ng pagkakataon na sipain ito mula sa ilalim. "f**k you, Stacy!" mahinang giit nito, kaya ako naman ang natawa. "Bilog ang mundo, kung ano ang ginawa mo ay babalik din sa 'yo." Umawang ang labi nito sa sinabi ko, huli na para ma-realize ko kung ano iyong binitawan kong salita. Kalaunan nang maging bagsak ang balikat ko habang pinagmamasdan ang mukha nito. Jeane Ignacio, ang dati kong katrabaho rito rin mismo sa branch na 'to. Sa tagal nitong nagtatrabaho sa Bluebells Café ay na-promote na lamang ito bilang isang magiting na manager. Sino bang mag-aakala na magiging malapit na kaibigan ko pa ang isang 'to? Tch, nauubusan na marahil ako ng pwedeng malapitan. Thankful pa rin ako na kasangga ko siya ngayon. "Oh! Iyan ba ang natutunan mo sa pang-aagaw mo noon? Karma is real ba, hmm?" pang-uuyam nito. "Hindi ako nandito para pangaralan mo, ha? Porket manager ka na riyan." Inirapan ko ito, kaya malakas na naman siyang natawa. "Oh, siya, kumusta ka naman? Hulaan ko, may problema ka na naman," aniya at mabilis pa sa kidlat na sumeryoso ito. "Wala, namiss lang kita," sagot ko, saka siya ginawaran ng matamis na ngiti. Kung susumahin ay hindi naman ganoon kasama itong si Jeane, katulad ng pagkakakilala ko sa kaniya noon. Sadyang matabil lang talaga ang dila nito at masakit magsalita. "Naku, sis! Huwag na tayong maglokohan dito, kilala na kita. Alam ko ngang kabit ka ni Jaxon 'di ba?" walang preno nitong pahayag. Sa narinig ay nalusaw ang kaninang ngiti ko, mabilis ko siyang inabot at pinalipad ang kanang kamay ko sa braso nito, rason para mapahiyaw siya sa sakit. Maagap naman niyang hinila ang buhok ko. Sandali ako nitong sinabunutan at kaagad ding binitawan. Tawa pa siya nang tawa dahilan para mag-init ang ulo ko. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, ayaw paawat at gusto palaging may ganti. "Sige, ilakas mo pa." Ngumuso siya, tila ba nagpapaawa habang hinihimas ang brasong tinampal ko. Hindi niya kailangang ipangalandakang kabit ako dahil mismo sa sarili ko ay alam ko iyon at tanggap ko iyon. "Kailangan ko ng pera," pahayag ko, matapos ang ilang minuto. "I knew it!" Siya naman ngayon ang umirap. "Hmm, akala ko ba ay suportado ka ni Jaxon financially? Anong nangyari, sis?" Bumuntong hininga ako at pabagsak na isinandal ang likod sa kinauupuan. "Yes, he's grounded for I don't know the reasons. Tantya ko ay pinagbabawalan na naman siya ng magaling niyang asawa." Dalawang linggo na akong kinakapos dahil ubos na ang monthly allowance ko na galing kay Jaxon. Wala naman akong ibang aasahan dahil wala akong trabaho sa ngayon. Lumuwas lang ako pabalik sa Manila at dito nagbakasakali, itinataya ang kapalaran ngunit wala ring napala. Ewan ko, marahil ay mailap lang talaga sa akin ang swerte. Karma ko nga siguro sa mga kawalang-hiyaan ko noon— hanggang ngayon pala, pero hindi ako susuko, wala akong isusuko. Hindi ko bibitawan si Jaxon, itaga pa nila 'yan sa bato. "Kahit ako rin naman siguro, na malamang may kabit ang asawa ko ay ikukulong ko talaga siya. Bahala na kung masakal siya," pahayag ni Jeane habang itinataas-taas pa ang isang kilay, tila nang-uudyo. "May pera ka ba? Kung wala ay aalis na ako, sa iba na lang ako manghihiram," iritable kong sagot. "Sa iba? Bakit, may malalapitan ka pa ba? Hindi ba't itinakwil ka na ni Thalia?" dere-deretsong turan ni Jeane— f*****g s**t. Halos magdilim ang paningin ko at kaagad nagpantig ang tainga ko. Masakit ma-realtalk, pero wala akong ibang magawa dahil totoo naman. Ang sabi pa nga 'di ba; masakit ang katotohanan. Wala sa sariling napalunok ako at nag-iwas na lamang ng tingin. Tama nga naman siya, wala na akong ibang malalapitan kung 'di siya o kaya si Jaxon na out of the picture naman. Jeane knew everything, even my darkest side and dirty secret. Bukod sa kaibigang naturingan ay nagmistulan itong ate ko na nariyan sa tuwing kailangan ko, lalo na kapag usapang pera. Wala namang problema sa kaniya iyon, kahit magmukha pa siyang bumbay sa harapan ko. Doble ang sahod na nakukuha niya monthly, sa kadahilanang wala pa itong binubuhay ay hindi niya problema ang pera. Sandali itong napapikit, ilang segundo pa nang abutin nito ang kaniyang wallet mula sa bulsa ng pants. Kaagad na dumukot ng ilang blue bills at inilapag sa harapan ko, katabi ng tasa ko. Nahihiya man ay maagap ko iyong kinuha at baka liparin pa, maigi kong isinuksok iyon sa bulsa ko at nangingiting tinitigan si Jeane, na ngayon ay dismayadong nakatingin sa akin. Makailang beses pa itong nailing-iling sa kawalan. "Alam mo, ang dami mo nang utang sa akin. Sana naman ay magbago ka na— magbago ka, para sa sarili mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD