Chapter 1

1711 Words
WARNING: Mature Content Read at your own risk. STACY ROBERTS - Once upon a time, there was a girl who would rather live all by herself and her name is Stacy Roberts. Naiwang mag-isa sa buhay si Stacy sa edad na labing limang taon. Ang inaasahan sana niyang kaagapay at kasama niya sa buhay ay iniwan siya, mas pinili ng kaniyang ina ang umalis at layasan sila. Samantala, ang naiwan naman sa kaniya ay ang ama nitong lulong sa bisyo at alak. Hindi makausap at walang pakialam sa kaniyang presensya. Ngunit ano nga rin ba ang pakialam niya? Sama ng loob at galit ang umiral kay Stacy sa kaniyang ama. Doon ay maagang namulat si Stacy sa katotohanang kailangan niyang magbanat ng buto para sa sariling kapakanan. Sa katotohanang iniwan siya ng ina nito at wala ring pakialam sa kaniya ang sariling ama, walang kaibigan at walang malalapitan— sa madaling salita, walang may gusto ang mahalin siya. That was the time she found out that she's worthless, useless and unimportant. No one wants her, nor even likes her. Sa pamumuhay na mag-isa ay natuto na lamang sa buhay si Stacy. Mas pinili niyang mag-isa, magpakalayu-layo at namuhay na parang hangin lang na dinaan-daanan ng mga tao sa paligid. Iyong tipong nararamdaman ngunit hindi nakikita. Kalaunan nang may dumating sa buhay ni Stacy— his name is Jaxon Lewis. Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pag-asa sa puso niya. Ang noo'y nag-aasam ay ngayo'y napupunan. Ang noo'y nakukulangan sa emosyon, ngayon ay nag-uumapaw at bumabaha. Ang dating nahihimlay niyang puso, ngayon ay hindi mapapatawarang pagririgodon. There, she felt true love, that she's worth more than a diamond. And that girl is none other than me— my name is Stacy Roberts and this is my story... Napangiwi ako at mabilis na naibaba ang shot glass sa counter table top ng nasabing restobar nang maramdaman ang gaspang sa lalamunan ko, halos mahulas ang emosyon ko. Makailang beses akong napapikit, lalo pa nang pumipitik na ang mga ugat sa sentido ko kaya maagap akong kumapit sa dulo ng counter top. Nanlalabo na rin ang dalawang mata ko. Kalaunan nang magmulat din, deretso kaagad ang tingin ko sa palapulsuan ko kung saan kitang-kita ko ang pamumula nito, may mahabang linya rin kung saan sariwa pa ang dugong nakapalibot doon. Mapait akong napangiti sa kawalan. Kusa pang kumuyom ang kamao ko dahil gusto kong maramdaman ang sakit mula rito ngunit tila namanhid ako. Mas damang-dama ko pa ang sakit sa puso ko. Animo'y may isang punyal doon ang nakatarak, ayaw matanggal kaya patuloy akong nasasaktan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdamang maiiyak na naman ako. Gusto kong sampalin ang sarili o 'di kaya ay tumalon sa isang mataas na gusali para matapos na itong paghihirap at pasakit sa akin, parang nagbalik sa akin iyong pakiramdam na gusto ko na lang mamatay. Goodness, ang sakit sa bangs! Huminga ako nang malalim bago inabot ang maliit na salamin mula sa bulsa ng bag, tiningnan ko ang sariling mukha at nakitang hilam ng luha ang parehong mata ko. Malalaki rin ang mga eyebags ko na parang hindi ako natutulog sa gabi. Well, natutulog naman ako, iyon nga lang ay hindi nagiging sapat. Sa madaling sabihin ay palagi akong puyat, sa umaga ay nagmimistulan akong zombie na wala sa sarili. "f**k this life," bulong ko sa hangin, kasabay nang mariin kong pagpikit. Hindi rin nagtagal nang kamuntikan na akong malaglag sa kinauupuan nang biglang may yumapos sa baywang ko. Kaagad kong naramdaman ang init ng katawan niya mula sa likuran ko. "I miss you," bulong nito sa tainga ko bago isinubsob ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko, rason para mapadilat ako. Ngunit kaagad ding napapikit nang halikan niya ako mula roon, hudyat para mangilabot ako at magtaasan ang mga balahibo sa batok ko. Animo'y nabuhayan ang natutulog kong puso. Heto na naman at tila nakawala sa kuran kung magwala ang puso ko. Mayamaya pa nang maagap din akong nagdilat nang hinawakan nito ang kaliwang kamay ko. "Anong nangyari rito?" takang tanong nito na iminumwestra sa akin ang palapulsuan ko. "Nadaplisan lang. Wala naman 'to," deretso kong sabi na para bang sanay nang magsinungaling. Bago pa man siya may masabi ay tuluyan na akong umikot upang harapin siya. Halos mapunit pa ang labi ko nang maaninagan ang gwapong mukha ng boyfriend ko. It's Jaxon Lewis. "Did you miss me?" tila nang-aakit na banggit nito dahilan para sunud-sunod akong tumango. "Sobra..." Hindi ko na nadugtungan ang nais ko pang sabihin nang mabilis pa sa kidlat na inangkin nito ang labi ko. Epekto ng alak ay mabilis kong ikinawit ang dalawang kamay sa leeg nito at bukal sa pusong tinugunan ang mapaghanap niyang halik. Naramdaman ko ang pagngiti nito sa labi ko. Kalaunan nang mamalayan ko na lang na akay-akay na ako ni Jaxon nang makapasok kami sa A&D Tower. Naging deretso ang tungo namin sa elevator at mabilis ding isinarado iyon. "Ahh!" halinghing ko nang dinilaan nito ang punong tainga ko. Bumaba ang kanang kamay niya sa tiyan ko saka marahan iyong hinahaplos, napaliyad ako nang mas bumaba pa iyon. Nangingiti kong isinandal ang ulo sa balikat niya. Dala siguro ng matinding kalasingan ay mas tumitindi rin ang init sa katawan ko, and I so love it! I love this kind of feeling— feels like heaven. Ugh, God damn it! Ramdam ko ang gaspang ng kamay niya kahit may suot pa akong damit. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa metal na handle ng elevator, kami lang ang tao roon kaya sinamantala na namin ang naudlot kanina sa kotse niya. "Shh, Stacy..." paos ang boses na sambit niya bago muling dinilaan ang tainga ko. Iginiling ko ang balakang habang ramdam na ramdam ko ang nag-uumigting nitong p*********i. Napakagat labi ako, pikit ang mga matang ninanamnam ang kakaibang pakiramdam na iyon. Tinaas nito ang suot kong kulay itim na dress dahilan para mapaigtad ako nang dumako ang kamay niya kung saan mas may nangangailangan ng kalinga. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa likuran ko. "You're already wet for me, huh?" aniya at akmang ipapasok nito ang kamay sa undies ko nang bumukas ang elevator. Halos malagutan ako ng hininga at mabilis na inahon ang ulo mula sa pagkakasandal, mabuti at walang tao. Napahinto naman si Jaxon sa ginagawa at inayos ang sarili saka ako hinila palabas. Natatawa ako habang sinusundan siya sa paglalakad hanggang sa marating namin ang unit ko. Nang makapasok ay mabilis niya rin akong isinandal sa likod ng pintuan nang maisarado iyon. Hinila nito ang batok ko, saka walang pasabing siniil ako ng mainit na halik, tila ba nag-aapoy iyon dahilan para mas lalo akong mag-init. Bumaba ang halik niya sa leeg ko— sinisipsip, kinakagat na para bang nag-iiwan ng marka. Bumalik ang kaniyang labi sa akin na malugod ko namang tinanggap, naglalaban ang dila namin at halos kapusin ako ng hininga. Mapaghanap at sabik na sabik ang ibinibigay niyang halik sa akin. And damn it! Hindi ko na kaya... Umangat ang kamay ko papunta sa dibdib niya para luwagan ang necktie at isa-isang tinatanggal ang butones. Ganoon din ang ginawa nito, inisang tanggalan lang niya ang dress ko at namalayan ko na lang ang pagbagsak no'n sa paanan ko. Mabilis pa sa alas kwatrong binuhat ako ni Jaxon na parang isang sako ng bigas, saka ako ibinalibag sa kama, natatawa pa akong umayos ng higa at nang-aakit na dinilaan ang natutuyong labi. Halos hindi ko pakawalan ng tingin ang katawan nitong paunti-unti ay nawawalan na ng saplot hanggang sa tanging boxer na lamang ang matira sa kaniya. "Gusto mo ba na ikaw na ang magtanggal?" bulong nito sa nakakahalinang himig kaya tiningala ko si Jaxon. Maarte akong tumawa, bago sunud-sunod na tumango dahilan para lumapit ito sa gawi ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inabot ang kaniyang baywang. "Hanggang... kailan ba tayo ganito, Jaxon?" alanganing pahayag ko habang hinuhubad ang boxer niya. "What do you mean?" tanong nito sa mababang boses na siyang hindi ko na nilingon. Abala ako sa ginagawa, kalaunan ay sandali akong natigil. Bumagsak ang dalawang kamay ko sa aking hita. "Ito— we're like some f**k buddies. No commitment at all." "So? Anong masama?" Sa tinuran nito ay wala sa sariling nag-angat ako ng ulo para tingnan siya sa kaniyang mata. Lamp shade lang ang natatanging ilaw doon pero nagawa ko pa ring maaninagan ang mukha nito. Nakaigting ang kaniyang panga, nag-aapoy naman ang parehong mata nito habang maang lang na nakatitig sa akin. Ang mapupulang labing iyon— na kay sarap halikan at angkinin. Kaya lang... "Kasal ka, Jaxon," walang emosyong sambit ko, saka pa natulala sa kawalan. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya ang kaninang sabik at init kong nararamdaman ay naglaho na lang bigla. Muli kong naramdaman ang kirot sa puso ko. "Bakit, Stacy? Dalawang taon na natin 'tong ginagawa, ngayon ka pa ba magkakaganiyan?" Mariin akong napapikit at ilang beses pang napalunok, bago dumilat para tingnan siya. Nag-init ang dalawang mata ko. Mabuti at nakatingala ako, na kahit papaano ay nakokontrol ko pa ang mga luha kong gusto nang kumawala. "Kailan mo ba kasi hihiwalayan si Gwen?" pagsusumamo ko ngunit binaliwala niya lang iyon. Yumuko ito, saka dumukwang sa pwesto ko at pinatakan ako ng isang halik sa noo. Namalayan ko na lang ay tuluyan na ngang natanggal ang kaniyang boxer at mabilis akong itinulak pahiga sa kama. "Jaxon!" pagtili ko nang kumubabaw ito sa akin. "Shh... stop, Stacy. Let's just enjoy the moment." Mariin akong napapikit at wala nang nagawa. So yes, we f**k again— again and again. And yes, we're like a f**k buddies and yes again, he's already married for almost f*****g two years. Well, ako naman ang nauna kay Jaxon. Ako ang naturingang girlfriend pero hindi ang pinakasalan. Ano bang panama ko sa isang elite na babaeng si Gwen Valerio? Sa loob ng dalawang taon na kasal si Jaxon, para lang akong anino na nagtatago sa dilim, bawal akong makita. Kasi kapag nagkataon, pareho kaming mayayari ni Jaxon. So yeah, you can call me a mistress, a b***h, other woman, an illegal girlfriend or whatsoever, but then who are you to judge me? Again, I'm Stacy Roberts— and I'm proudly living in ecstacy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD