DALA ang isang kopitang tubig ay pinili ni Amira na maglagi sa balkonahe sa labas ng conference room. Nakaka-relax ang malalawak na puno at ang mga taniman ng bulaklak na matatanaw sa labas. She didn’t realize how much she hungered for fresh air until she stepped outside. Mabuti na lang ay may ganoong lugar o baka tuluyan na siyang lumayas ng conference room at di na bumalik. Tumungga siya ng tubig para maibsan ang paninikip ng dibdib. Hindi na talaga niya kinakaya ang mga nangyayari. Una ay nalaman niyang ama ni Francois ang presidente ng kompanya at shareholder din ito. Ngayon naman ay gusto na siyang ihagis palabas dahil sa pagiging environment activist niya. Mas mahirap pa ito kaysa sa inaasahan niya. She was used to rallies, to hostile places, to armed men holding guns and threate

