Pinid lang ang bibig ni Amira simula nang meeting. Binuksan iyon sa isang panalangin para sa kaluluwa ng lolo niya. Sumunod ay ang minutes ng nagdaang meeting kung saan si Romualdo ang napiling chairman. Hindi niya maiwasang bigyan ng pailalim na tingin si Francois. Hindi niya maiwasang isipin ang mga nagdaang mga araw kung saan ito ang lagi niyang nahihingahan ng sama ng loob kapag may hinaing siya sa mga Banal. Ang tanga-tanga niya! Isang sinungaling si Francois. Isang manlilinlang. “We have a new set of shareholders with Don Alfonso’s passing,” sabi ni Romualdo na nakatayo sa puno ng conference table. “Sa ngayon ay si Attorney Ferrer ang nagre-represent sa collective shares ng ilan sa apo ni Don Alfonso. But of course, one of his granddaughters is here – Miss Amira Catindig-Banal.”

