Dali-daling tumayo si Yumi para salubungin sila. “Amira!” Bigla siya nitong niyakap. “Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?” Hinaplos nito ang buhok niya. “Akala ko tuluyan ka nang umalis ng Sagada. Hindi ka na nagpakita sa amin. Hindi mo na dinalaw si Lolo sa ospital. Well, until I saw you with Francois last night. Bakit ka umalis ng mansion? Bakit hindi ka na nagpakita sa amin?” Parang naputulan ng dila si Amira sa mga tanong na iyon ng kapatid. Hindi niya alam kung paano sasagot lalo na nang makita niya ang luha at kalungkutan sa mga mata nito. Wala siyang mahimigang galit at tampo dito. Nag-aalala pa nga ito sa kanya. She felt guilty and wretched. Hindi naman siya deserving sa pag-aalala nito. “I-I’m sorry,” nausal lang niya. Magaan ang loob niya kay Yumi. Kaya naman nasasaktan s

