NANINIGAS ang buong katawan ni Amira habang nakaupo sa sasakyang sumundo sa kanya sa bahay nila Estephanie. Tiniyak talaga na pupunta siya para sa pagbasa ng testamento ni Don Alfonso. Kung tutuusin ay desidido naman siyang magpunta dahil gusto niyang ipakita nang harapan sa lahat kung paano niya tatanggihan ang lahat ng iiwan sa kanya ni Don Alfonso at ang lahat ng karangyaan at kayamanan na kasama sa pagiging isang Banal. Pagbaba niya sa harap ng mansion ng mga Banal ay naghihintay na sa kanya si Attorney Matthew Guzman. His face was stern and all-business. Subalit nang makita siya nito ay mukhang nakahinga ito nang maluwag. “Good morning,” bati rin niya sa pormal na boses. “Goor morning, Miss Amira. Kanina ka pa nila hinintay sa loob.” Tiningnan niya ang wristwatch niya. May lima

