Hindi alintana ni Amira ang nanunuot na lamig nang puntahan niya ang puntod ni Don Alfonso sa Calvary Hill. Mula sa mansion ng mga Banal ay nagpahatid siya hanggang sa baba ng Calvary hill at umakyat na lang papunta sa taas. She had an eerie feeling. Siguro dahil alam niyang tinanggihan niya ang pamana sa kanya ng don at maaring iyon na ang huling beses na dadalawin niya ang puntod nito. “I am sorry, Don Alfonso. Hindi ko matatanggap ang pamana ninyo sa akin. Gaya ng sinabi ko, hindi ako interesado sa kayamanan ninyo lalo na ang parte sa Banal Mining Corporation. Kung gusto talaga ninyong tanggapin ko ang pamana ninyo, hindi ninyo dapat isinama iyon,” aniya at pagak na tumawa. “You must be really senile when you made that last will and testament. Hindi ako nasisilaw sa ginto. Kung may isa

