Chapter 47

980 Words

Nang humimpil sa mansion ang sasakyan ay kinakabahan siyang bumaba. Ang totoo ay hindi niya alam kung anong reception ang matatanggap niya sa pagpunta niya doon. Malamang ay inaasahan ng lahat na tuluyan na niyang tinanggihan ang pamana ng lolo niya. “Ate Amiraaaaa!” tili agad ni Eira nang paakyat na siya ng porch. Dali-dali siyang niyakap nito. “Ate! Ate! Ate!” “Ang dami namang ate no’n,” nausal niya at muntik nang mawalan ng balanse sa higpit ng pagkakayakap nito. “Kasi masaya ako kasi nandito ka na. Akala ko kasi hindi ka na babalik.” Nagtatakbo ito pabalik ng mansion. “Mga ateeeeeee! Nandito na ulit si Ate Amiraaaa!” Umaalingawngaw ang boses ni Eira sa tahimik na mansion. Isang kawaksi ang kumuha ng gamit niya subalit tumanggi siya. Di siya sanay nang pinagsisilbihan. Kanya-kanyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD