“OKAY. Konti na lang ito,” anang si Jennascia habang inaayos ang woven belt sa ibabaw ng traditional woven skirt na suot ni Amira. “Ano ba itong ginagawa ni Leonard sa akin?” tanong niya at bumuga ng hangin habang nakadipa ang mga kamay. Nagulat na lang siya nang dalhin siya ni Jennascia sa opisina ng bar. Kasama ang may-ari na si Anna ay inayusan siya ng mga ito gamit ang mga accessories na nasa koleksyon ng babae. Ang iba pa nga ay kinuha sa paninda na naka-display sa tindahan para daw promotion. Di niya alam kung anong plano ni Leonard sa kanya. Basta inayusan na lang siya ng mga ito. Paano naman niya makukuha ang atensiyon ni Francois kung magpapalit siya ng traditional costume? “Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko gusto ka niyang tulungan para mapansin ka ng lalaking gusto mo. H

