Sa isang kubo sa tabi sila ng Sanctuary pumunta ni Francois. Doon din nito ipina-serve ang in-order nitong cosmic tea para sa kanila. Open ang kubo kaya naman pumapasok ang malamig na hangin. Maya maya pa ay i-serve na ang tsaa at pagkain nila. Vegetable salad at sweet and sour meatballs ang inorder nito. May red mountain rice din. Parang na-order na nito ang pagkain habang nagbibihis siya kanina. “That is veggie meat,” anang si Francois at inilapit ang plato ng meatballs sa kanya. “That is my recipe. Subukan mo.” At ipinaglagay siya nito sa plato. “Maganda ang view nito sa umaga. Kitang-kita mo ang parte ng rice terraces na papuntang falls.” Inilahad nito ang kamay sa madilim na gabi. “Ganoon ba?” aniya at naalala ang bilin ni Estephanie na kailangang ilabas niya ang alindog niya kap

