HINDI pa rin makapaniwala si Amira na kasal na nga sila ni Francois habang nakatitig sa magkahawak nilang kamay. She was wearing his ring. A plain platinum band because they wanted to keep it simple. Di naman ang materyal na simbolo ang mahalaga sa kanila kundi kung paano nila pangangatawanan ang pagsasama nila. “Okay lang ba sa iyo na iwan ang ibang mga kaibigan mo? Hindi pa naman tapos ang wedding festivities,” sabi niya kay Francois habang nakahilig sa balikat nito. “I am sure they will understand. I want some time alone with my wife,” anito at kinintalan ng halik ang noo niya. “Finally.” Gabi na noon at masyadong mahaba ang araw na iyon. Patuloy pa rin ang kasiyahan sa mansion ng mga Banal dahil buong gabi pang magsasaya ang lahat. But they were excused. Gusto na kasi ni Francois

