Pumapailanlang ang tunog ng gong at gangsa sa buong hardin ng Banal Mansion. Lahat ay nakikisaya sa kasal nina Amira at Francois. Sa bisperas ng kasal pa lang ay bumabaha na ng pagkain sa mansion at ayon sa tradisyon ng Sagada ay imbitado ang buong bayan. Pawang malalapit na kakilala nila ang nasa hardin pero napuno pa rin iyon ng mga bisita. Ang iba naman ay nakapila sa labas kung saan namimigay ng pagkain. Akala mo ay piyesta. Kahit na biglaan ang kasal nila dahil sa pag-o-observe ng tradisyon ay marami pa rin ang nakadalo. Mula sa mga kaibigang chef ni Francois mula sa iba’t ibang bansa, ang mga kasamahan ni Amira na environmentalist, ang pamilya niya mula sa Lambayan at ang mga tauhan at executives ng Banal Mining. Siyempre, di rin magpapahuli ang mga kapatid niya, asawa ng mga ito a

