BIGLANG tumayo si Amira at humakbang palayo kay Francois. Nakita pala siya nito kanina at nasundan. Hindi na siya pwedeng magtagal doon. “Hindi ako manggugulo,” defensive agad niyang sabi. “Ni hindi ako lumapit sa kay Don Alfonso. Aalis na ako. Huwag mo na lang sabihin sa kanila na nagpunta ako dito.” “Hey, relax! Hindi mo ako kaaway,” anang binata at itinaas ang dalawang kamay. “Saka hindi ka naman binabawalan na lumapit kay Don Alfonso.” Inilahad nito ang kamay. “Halika na. Pumasok ka na sa loob.” Umiling siya at humalukipkip. “Hindi na. Dito na lang ako sa labas.” “Hinahanap ka ng mga kapatid mo. Tinatanong nila kung kailan ka dadalaw. Nasa waiting room ang ilan sa kanila ngayon. Nagsasalitan sila sa pagbabantay sa lolo mo. Ang iba sa umaga nandito at ang iba naman ay sa gabi.” “San

