Chapter 206

1130 Words

Pumapailanlang ang tunog ng mga gangsa at gong sa buong Kanayama. Bawat mukha na naroon ay may nakapintang ngiti sa mga labi. Ipinagdiriwang ng lahat ang pagdedeklara sa Kanayama bilang isang protected area na pangangalagaan lamang ng mga Lambayan. Kasabay nito ay ang paghuhudyat ng pagkakaroon ng sariling paaralan para sa mga Lambayan ng Kanayama di lamang para sa mga bata kundi maging para sa mga matatanda na nais matuto. Isang ritwal ng pasasalamat ang isinagawa kasunod ng pagbubukas ng bisig ng mga Lambayan ng Kanayama sa mga Lambayan na piniling mamuhay bilang minero at sa mga bisita mula sa Banal Mining Corporation. Sa loob ng dalawampu’t apat na taon ay binuksan ulit ng mga ito ang pinto sa mga dating Lambayan at mga bisita. Lahat ay nakasuot ng kanya-kanyang traditional na costum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD