Mainit ang yakap sa kanilang mag-ina ni Idang Asra. Ni ayaw ngang hiwalayan ang kanyang ina. Maging si Apo Semblat na nakita niya ang pagmamalaki sa mukha nang ipakilala siya bilang apo nito sa lahat. And his hug was the warmest of all. As if he held back a lot of emotions for her. At ang tanging ipinakita lang sa kanya nito noon ay kung ano ang inaasahan bilang isang pinuno ng Lambayan. Pero sa yakap nito ay naramdaman niya ang pagiging lolo nito sa kanya. “And now, you have so much more. And you deserve it, Amira. You worked hard for it.” “Right. And it was not easy. Akala ko nga aabutin pa kami ng ilang taon dahil wala daw silang tiwala sa amin.” Bagamat naaprubahan ng board ng Banal Mining Corporation ang Skyland Haven project, hindi naman kumbinsido ang mga nasa Kanayama sa plano

