“PARA mabawasan ang gastos natin, dapat siguro mag-cost-cutting tayo,” anang si Mr. Fernan na siyang Senior Vice President for Finance at Chief Financial Officer. “How about we lessen the medical benefits of our miners?” “Bawasan ang medical benefits ng mga minero?” bulalas ni Amira sa mataas na boses. “Bakit kailangang bawasan iyon?” “Either we remove some of their benefits o magbabawas tayo ng empleyado. Ano ang gusto ninyo sa dalawa?” wika ni Mr. de Leon. Sa simula pa lang ng meeting na iyon ay tensiyonado na ang lahat. Pero si Amira ang pinaka-tensiyonado sa lahat. Pagpasok pa lang ng boardroom ay may spark na sa pagitan nina Francois at Romualdo. Malamig agad ang tingin ni Francois sa ama at malamig pati ang boses nito. Nakita niya na sinuyod ni Romualdo ang anak mula ulo hanggan

