Tumiim ang bagang ni Francois pero mas kontrolado na nito ang galit nito. "Hindi ko alam kung anong nangyayari dito sa Pilipinas. Di na ako halos kinakausap ni Papa mula nang piliin ko na hindi na mag-take ng board exam kahit naka-graduate ako ng mining engineering at pumunta sa Paris para maging chef. Alam ko na nagkatampuhan din sila ni Mama dahil doon. Tuwing dumadalaw sa akin si Mama sa Paris, laging sinasabi ni Papa na busy siya kaya di siya nakakasama. Alam ko naman na mahirap ang negosyo ng mga panahong iyon. Ilan sa negosyo namin ang nagsara. Magaling sa negosyo si Papa. He just had some bad investments and there was the case of his accountant cheating on him. Bagsak na bagsak kami kaya inintindi ko na lang na mahalaga sa kanya ang trabaho dahil para din sa amin iyon ni Mama.” “Ma

