HINAPLOS ni Amira ang buhok ni Francois at kinintalan ito ng halik sa noo. Nakatulog ito sa pagod sa pagwawala kanina. She just held him when he cried in anger and in grief. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyong iyon. Hindi ito nagkwento sa kanya. Hinayaan lang niya ito. Baka hindi pa iyon ang oras para sabihin nito sa kanya kung anong nangyari. She was just glad that he didn’t send her away anymore. Inayos niya ang kumot nito at saka lumabas ng silid. Malungkot niyang tiningnan ang hapunan na naka-serve sa mesa. Hindi na nagalaw iyon. Sa huli ay tinakpan na lang niya ang pagkain. Umakyat siya ng attic at naabutan si Manang Conching na nag-aayos ng mga gamit na nakakalat. “Kumusta na si Chef, Ma’am?” tanong ng babae. “Nakatulog na po siya,” sabi niya at bumuntong

