Chapter 183

1014 Words

Nang sa wakas ay sumara ang pinto ng boardroom ay kanya-kanyang upo ang lahat paikot sa conference table. Inakay ni Francois si Amira sa upuan. Saka lang niya naramdaman na nanlalambot ang tuhod niya nang sa wakas ay makaupo na siya. Hinawakan niya ang kamay ni Eira. May takot sa mga mata nito at nanlalamig ang mga kamay. Natatakot din siya pero kailangan din niyang lakasan ang loob dahil gusto niyang protektahan ang kapatid sa gulong ito. Nanatiling nakatayo sina Romualdo at Caridad. They looked like a united front. Handang ipagtanggol si Caridad mula sa ama niya. Nanlulumong napaluhod ang madrasta niya sa sahig ng conference room at humagulgol ng iyak. Animo’y isa itong manyikang basahan na isinantabi na lang. “Why are you doing this, Alfie? Why are you ruining me? Akala ko mahal mo ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD