“What? Mag-iingat ka sa sinasabi mo. Huwag mo akong aakusahan ng hindi maganda. Magkaibigan tayo. I will never do that to your wife. At lalong di ka niya lolokohin dahil mahal na mahal ka niya,” anang si Romualdo na nagtatagis ang bagang. Parang gusto na nitong patulan ang ama niya at nagtitimpi lang. Pumagitna agad si Caridad sa dalawa subalit ihinarang nito ang katawan kay Romualdo para protektahan ito. “Romualdo, please. Huwag mo na siyang patulan. Unawain na lang natin ang sitwasyon ng asawa ko. K-Kagigising lang niya mula sa coma. There must be something wrong with his brain.” Kung sa ibang pagkakataon siguro ay di niya iyon bibigyan ng malisya. But she knew better now. Something was going on. “Can we adjourn the meeting first and settle this in private?” suhestiyon ni Francois da

