“Y-You really love me?” tanong niya. “Totoo ba iyon?” “Hindi ko sinasabi iyon dahil lang ayokong magpakasal ka sa iba. Pero siguro naman kapag ipinagtanong ko kung bakit kailangan kong pang magtatawid ng ilog at umakyat ng mga bundok para lang sa iyo, maniniwala na mahal talaga kita. I want to own you the way you own me. I think you enchanted me.” Niyakap niya ito. “Oh, Francois!” Her heart flooded with joy. Hindi niya alam na ganito pala kasarap ang pakiramdam kapag sinabi ng lalaking gusto niya na mahal siya nito. And now it made sense. Siguro nga ay mahal din niya si Francois kaya hinahayaan niya itong manatili sa buhay niya kahit na sa panahong wala siyang tiwala dito. Parang baliw siya sa rollercoaster ng emosyon tuwing nagtatalo ang isip at puso niya tungkol dito. Makita lang ni

